One

9 1 0
                                    

NAKATANGA parin ako at iniisip mabuti ang mga salitang lumabas sa bibig ko.

Sorry, Even. Hindi ko sinasadya.

Kaya ginawa ko ang pinaka mainam na gawin. Ang habulin at sundan siya. Tumakbo ako ng mabilis hanggang sa hindi ko namalayan na may bato sa paanan ko.

Hinihintay kong bumagsak sa lupa pero sa isang makisig na kamay ako bumagsak.

"Hey! Mag-ingat ka nga."

Nakatunganga parin ako kay Even hanggang sa tuluyan na akong naiyak.

"Isa, hey. Wag ka na umiyak. Wala ka namang sugat oh."

"Sorry." Yun lamang ang lumabas sa bibig ko. Iyak parin ako ng iyak.

"Sssshhhh. Tahan na. Ok lang. Wag ka na umiyak."

"Talaga?"

"Oo, ok lang sakin yon basta tumahan ka na. Sige na, may klase ka pa diba? Pumasok ka na at baka mapagalitan ka pa ng prof mo."

May naisip akong gawin para makabawi sa kanya. "Hindi na ako papasok. Gagamutin ko nalang yang sugat mo."

Bigla siyang sumibangot dahil sa sinabi ko. "Big no! Konti lang naman sugat ko e. Baka pagalitan ka pa nila tito. At nako, baka ako rin mapagalitan bud."

"Hindi yan, Even. Akong bahala sa sarili ko."

Naglalakad ako nang may tumawag sa pangalan ko at pangalan ni Even.

"Isa, Even!"

Matatalim ang tingin ko sa kapatid ko habang naglalakad siya. Si Even ang una niyang kinausap.

"Hi bro. Musta?"

"Ok lang naman ako Ish."

"Hey, don't call me that fuckin' name. Oh ano? San kayo pupunta?"

"Etong kapatid mo e, kinukulit akong siya na daw gagamot ng sugat ko. Papayagan mo ba?"

Sinuntok ko yung braso ni Even na may pasa kaya napadaing siya.

"Bud naman. Shit, aahhh!"

Ngumiti naman ako ng pagkatamis-tamis para mas lalo pa siyang maasar sakin.

"Depende bro kung papahiram niya sasakyan niya sakin. Nasa Casa kasi yung-"

"Oo na! Ingatan mo yang Civic ko huh. Palibhasa bulok na yang sasakyan mo. Tsk."

Hindi ko pinatapos si kuya sa iba pa niyang sasabihin dahil um-oo na agad ako. Mahirap na baka magbago pa yan ng isip. Buti nalang at may dalang sasakyan tong si Even.

"Sige na bro, una na kami ng kapatid mo."

"Ingatan mo kapatid ko huh. Iuwi mo samin yan ng buo."

"Sige na, sige na. Bye kuya, alis na kami."

"Bye, sis."

Nag-wave nalang ako ng kamay ko kay kuya at tuluyan ng pumasok sa Land Cruiser na sasakyan ni Even.

Dahil maaga pa. Umidlip muna ako. Kulang din kasi ako sa tulog. Kaya naging tahimik ang biyahe naming dalawa.

-
NAKARATING kami ni Even dito sa bahay nila. Wala sila Tito Yman at Tita Esther. As usual nag out-of-town na naman.

I'm here at the sofa and I ready the first aid kit para magamot ko na ang sugat nito ni mokong. Loko rin kasi e. Pero salamat sa kanya at pinigilan niya ang pagkalat ng balita. Patay ako kay Papa pag dumating sa kanya ang balita.

"Hey bud, come here. I'll fix your ruined face." Natatawa kong sabi.

"Seriously? Ruined? Sa gwapo kong toh? Miss para sabihin ko sayo konti lang tama ko."

"Okay, fine."

Umupo siya sa tabi ko at sinimulan ko ng gamutin ang sugat niya.

"Bud! Ahhh! Hinay-hinay lang. Masakit e. Ahhh! Aray!"

"Ayan! Maging aral sana sayo yan. Wag ka na makipag-basag ulo huh. Pero salamat parin."

"For what?"

"For saving me."

"Saving you?"

"Oo, kasi pinigilan mo yung balita na lumaganap. Papa will be angry if nalaman niyang may boyfriend ako."

Lumungkot yung muka ni Even- oh wait, guni-guni ko lang yata iyon.

"Oh, that? Sus, ikaw pa ba? Bestfriend yata kita. Ayaw kong may mangyaring masama sayo."

"Thanks, Bud."

"Welcome, my princess"

"Corni mo hahahaha."

"Nood tayo ng movies?"

"Sige, sige. Gusto ko yan. Ano papanuorin natin?"

"Baby Driver. Maganda yun, promise."

"Sige, sige." Binuksan niya na ang TV at pumunta sa Netflix. "Gawa lang ako ng sandwich bud. Kukuha narin ako chips para masaya." Tango lang ang ginawa niya dahil he's too busy finding the baby driver movie kaya dumiretso na ako sa kusina to ready our food.

-
NASA kalagitnaan na ang palabas nang mag-ring ang phone ko. Tinignan ko kung sino yung tumatawag at napamura ako nung nakita ko kung sino iyon.

Lovey Calling...

"SHIT!"

Nagkatinginan kami ni Even dahil nagulat siya sa pagsigaw ko. "Bud, si Aaron tumatawag. Anong sasabihin ko?" Even tsked. "Panira naman tong ugok na to." May binulong siya pero hindi ko narinig. "Even, ano yun?" Tanong ko sa kanya. "Wala, wala. Sige na at sagutin mo na yan baka magalit pa yang Aaron na yan." Sinabi niya iyon nang hindi man lang tumitingin sakin at nakatutok lang sa movie ang atensyon niya.

So I answer the phone call. Lumabas muna ako ng bahay nila Even at nagpunta sa kanilang terrace.

"Hi, Lovey." I said between the line.

"Asan ka?" Natakot ako sa sobrang lamig ng boses niya.

"A-amh, nahilo ako kanina kaya umuw-" Hindi niya ako pinatapos sa iba ko pang sasabihin dahil sa pagsigaw niya.

"FUCK THAT EXCUSE! SINO NGAYON YUNG NASA TERRACE NG BAHAY NILA LORCUADES?"

Hindi agad ako nakasagot dahil sa pagkabigla. Tumingin ako sa labas ng bahay nila Even at nagulat ako nang makakita ako ng bulto ng isang lalaki. Wala ng iba kundi si Aaron. Matatalim ang mga tingin na binibigay niya sa akin. Nanlamig ako sa kinatatayuan ko.

Lumabas ako ng bahay nila Even upang makipag-usap sa kanya. Gusto kong magpaliwanag at mag-sorry dahil nagsinungaling ako.

"Lovey-" Yayakapin ko sana siya ngunit tinabig niya ang kamay ko. "Bakit kailangan mo pang magsinungaling Isa?" Malamig na saad niya. "Sorry na, lovey. Promise hindi na mauulit. Ginamot ko lang naman si Even e. Tapos-"

Isang baritonong boses na nagmumula sa likod ko ang pumigil sa mga iba ko pang sasabihin. Si Even.

"Kung ako sayo pare, uunawain ko na siya. Wala naman talaga kaming ginawang masama e. At isa pa, pag nasayo na, ingatan mo. Baka mamaya makuha pa ng iba, NG  MAS KARAPATDAPAT." May diin ang mga huling salita na kaniyang binitawan.

"Kung ako naman sayo pare, wag ka nang makialam sa problema namin. At saka kung may nagmamay-ari na, WAG KA NA SANANG MAKIALAM PA!"

I totally don't even know what they are talking about. Nagulat nalang ako nung nakita kong nasa lapag na si Even.

-
FB/YT: Ajhe Cea • IG: ajeceaa

His GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon