Chapter 3 - Ang Paghaharap

252 28 8
                                    

Ainah's POV

Matapos ang masalimuot naming graded recitation, pinalabas na agad kami ni Ma'am Corazon. Dumiretso agad kami ng mga kaibigan ko papuntang canteen.

Masaya ako at nakatagpo ako ng mga kaibigan tulad nila, maasahan sa lahat ng oras. Walang iwanan. Si Ella Codillo, ang pinakamabait sa aming lima pero siya rin 'yung pinakakaclose ko, hindi naman talaga mawawala' yun sa  barkada, di ba? Si Andrea Nicole Magahis naman ay yung nerdy type. Jusme! Sa twing may lakad kami ay sasabihin niya sa aming pass muna daw siya dahil mag-aaral siya. Sunod ay si Rania Montourre, ang pinakakikay, may pag ka-conyo at mahilig sa arte sa aming lahat. Di nyo gets yung arte? Yun yung ang hilig-hilig niya sa mga make-up. Hinahayaan na lang namin siya dahil gusto naman niya yun. And last is Janine Dusaban, ang pinakatahimik sa aming lahat, kung hindi mo pa kausapin hindi yan magsasalita. Hindi ko pa rin maiwasan ang mamangha kasi kahit magkakaiba kami ng ugali nagkasundo-sundo kami. Posible pala yun?

Nandito na kami ngayon sa canteen at napagdesisyunan kong umupo na lang kami sa may bandang gitna dahil 'yun na lang ang bakante.

"Umupo na kayo, kami na lang bibili ni Ella."

"OMG! Is this clean ba?" Sabi ni Rania habang iniisprayan ng alcohol ang uupuan niya.

"Malamang malinis na yan! Winisikan mo na ng alcohol e. Bakit? Ibang brand ba ng alcohol ang nabili mo? Germs ba ang content nyan? Hindi naman siguro, 'di ba?"

"Aargg! You're so mean to me, Ainah! Parang hindi mo ko kaibigan!" Sagot niya habang maluha-luha pa.

"Asus! Napakamatampuhin naman ng kaibigan ko." Bahagya pa akong natawa sa naging reaksyon niya. Lumapit ako at pagkatapos ay niyakap siya. "Hindi ka pa ba sanay sa akin?"

"Yeah, yeah! Nakalimutan ko nga palang kakaiba ka."

"Hahaha! Dyan lang kayo, bibili lang kami saglit."

Habang nakapila kami ay narinig ko ang bulung-bulungan ng mga estudyante.

"Ang lakas naman ng loob nilang umupo dun."

"Tsk! Malamang mga  bago pa lang yan. Yari sila mamaya."

Hindi ko alam ngunit pakiramdam ko ay kami ang pinag-uusapan nila. Tinapos na lang namin ni Ella ang pag-order pagkatapos ay bumalik na kami sa mesa. Papalapit pa lang kami ay narinig ko ng pinag-uusapan nila yung kaklase naming nakaupo sa harapan kanina.

I'm Yours ♥ ON HOLD ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon