Chapter 2 - First Impression (Part 2)

344 28 9
                                    

Ainah's POV

Napakayabang naman ng lalaking 'yun! Gwapo nga siya pero wala siyang karapatang sabihan ang sinuman ng stupid. Tss! Aanhin mo ang kagwapuhan kung ang panget naman ng ugali. Bale wala rin.

Nang tuluyan na akong makapasok sa room, nakita ko ang matalas na paningin ng mga kaklase ko, lalong lalo na ng mga kababaihan. Ano bang problema nila?

"OMG! Did you hear her girls? Sinigawan niya si Prince Rey!!" Sigaw ng isang babae na palagay ko ay lider ng isang grupo dito sa room dahil bukod sa nasa unahan siya muka siyang clown dahil sa kapal ng make-up na nakalagay sa mukha niya.

So, Rey pala ang pangalan ng lalaking nakabangga ko kanina. Tss! Prince Rey? Anong kalokohan yun?! Ang baduuuuy! Ang mga babae talaga oh! Walang maisip na matino.

"How dare her!"

"Hindi naman kagandahan kung makaarte!"

"Yaaah! You're right! Dapat dyan tinuturuan ng leksyon!" Hindi ko naman alam na sideline pala ng mga estudyante ng University na ito na maging professor paminsan-minsan. Tss!


Lalapit na sana sa akin ang isang grupo ng kababaihan ngunit biglang pumasok ang isang matandang babae na sa unang tingin pa lang ay alam mo ng may kasungitan. Palagay ko ay ito na ang aming propesor para sa unang subject ngayong umaga.

"Hindi niyo man lang ba ako pag-iisipang batiin?" Sabi niya habang nakataas ang isang kilay. "Mga walang galang na bata!"

Pahagis niyang inilagay ang isang napakakapal na libro sa mesa na siyang ikinagulat namin. Tumahimik ang lahat at kapansing-pansing nakayuko ang mga ito maliban sa amin ng mga kaibigan ko at ng isang lalaki na nasa bandang unahan.

"Ano?! Yuyuko na lang ba kayo sa loob ng tatlong oras?!" Sigaw na naman nito. 

Napaangat ang ulo ng mga kaklase ko at bakas sa kanila ang pagkabigla.Pagkatapos ay umupo siya sa harap at tinignan kami isa-isa.

"Oh bakit mukang nagulat kayo? Hindi ba kayo nagbabasa ng registration forms niyo? Ano pang silbi niyan? Itatago niyo lang? May nagadvance reading ba naman sa inyo?"

Ramdam ko ang kaba ng mga kaklase ko. Napalingon ako sa mga babaeng maiingay kanina at balak pang sugurin ako. Natatawa ako dahil halos dumikit na ang mga ulo nila sa desk. Tss! Yan! Nandito kasi tayo para mag-aral, hindi para magmake-up. Sige, i-push niyo yan at sigurado akong ipupush kayo ng mga magulang niyo sa bangin sa oras na umulit kayo ng first year. 

I'm Yours ♥ ON HOLD ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon