Chapter 6♥

39 1 0
                                    

After 1 Month (Graduation Day)

Gelo's P.O.V.

Ngayon na.. Ngayon na yung isa sa pinakamasayang araw ng mararanasan ng isang tao, kung saan ka ipagmamalaki ng mga magulang mo dahil nakapagtapos ka na. Andito kami ngayon sa Auditorium asa bandang likurana ako kasi letter S (Soriano) ang simula ng Apilido ko. Si Ime naman andoon sa Pangatlo sa harapan Cruz kasi ehy.

Habang tinatawag isa isa ang mga Graduating napaisip ako dahil wala palang kasama si Ime dahil nasa ibang bansa mga magulang niya. Kaya nung Tinawag sya "Cruz, Christian Jaime." Ay bigla akong tumayo para samahan siya sa Stage.

Nakita ko sila mama na nakatingin samin at nakangiti.
Ang saya dahil makakahanap na kami ng Trabaho.

"Oh. Bat ka andito??" Gulat na tanong niya sakin.

"Para samahan ka. Best Friend kita ehy. Tsaka wala kang kasama diba.?? Wala sina mama mo??." Sabat ko sa kanya.

"Oo nga ehy. Nakakalungkot, pero andito ka ehy. Ayun gumaan na loob ko" Mahinang sabi niya sakin . Habang inaabot ang Diploma niya. Nagpapicture kami pagtapos niyang kinuha ang Diploma.

"Thank You nga pala Gelo." Dagdag niya.

"Youre Welcome as Always" nakangiting sabi ko na excited na rin makuha ang Diploma ko.

Tinawag na ang pangalan ko at kasama ko sina mama at papa na umakyat. Nagpappicture rin kami pagkatapos.

Ime's P.O.V

Ang saya ng araw nato pero may halong lungkot dahil ayun nga wala akong parents na dumating.
Pero andyan si Gelo naging magaan ang loob ko.

Tapos na ang Graduation Day,andito kami ngayon sa Bahay nila Gelo nakahiga ako sa kwarto niya pagod na pagod ehy. Andito lahat ng gamit namin dahil sabi ng mama niya dito na daw kami sa Bahay nila. Ang laki at ang Lawak ng mansion na ito.

"Ime?" Nakita ko si Gelo na papasok ng Kwarto.

"Bakit??" Sagot ko sa kanya.

"Wala lang. Punta tayo sa baba naghanda si Mama ng pagkain. Mag Celebrate daw tayo." Natatawang sabi niya.

"Haha. Halika na." Natutuwa kong sabi.

Dining Area

"Lets Celebrate" sigaw ng mama niya habang pababa kami ng hagdan.

"Thank You po tita." Sabi ko at ngumiti.

Nakahanda sa lamesa ang mga paborito ko at paborito ni Gelo. Pano kaya nila nalaman anv lahat ng ito.? Pinagplanuhan ata. Andoon yung Adobo, Menudo, Caldereta, marami pang iba. Mukhang masarap lahat.

"Ang sarap naman tita. Lahat ng toh paborito po namin ni Gelo." Natutuwa kong sabi.

"Ayy Naku. Lagi kang kinukwento sakin ni Gelo tuwing uuwi sya. Lahat ng paborito mo at paborito ang niluto ko alam kong matutuwa kayo." Nakangiting sabi ni Tita.

"Thank You talaga tita. " sabi ko.

"There is no Problem Christian gusto dito ka muna for a while habang dipa nakakauwi mama mo?? Sinabi ko na sa kanya Kinausap ko na rin sya." Sabi ni Tita at sumubo.

"Aahh.. Tita hindi po ba nakakahiya??" Medyo nahihiyang kong sabi.

"Anong nakakahiya hindi noh. Basta dito ka muna sinabi ko naman na sa mama mo. At tsaka kilala kita Ime." Dagdag niya.

"Thank You po Tita. Utang na loob ko po toh sa inyo." Nagagalak kong sabi.

"Ammh. Manang ihanda mo yung kawarto doon sa---" Hindi na pinatapos ni Gelo ang mama niya sa pagsasalita at bigla syang sumingit.

"No. Ma, doon nalang kami sa kwarto tutal malawak naman doon ehy." Sabi niya.

"Okay. Bahala kayo. " sabi ni tita at sumubo ulit ng kanin.

Pagkatapos naming kumain ay niyaya ako ni Gelo na manood ng Sine.

"Ano gusto mo panoorin?? Kakaboring ehy. Ano??" Sabi niya sakin.

Nagisip ako ng matagal hindi ko kasi alam kung ano papanoorin ko. Tas nagsalita ako.

"Ammh..". Habang nagiisip parin.

"Alam ko na!" Sabi ni Gelo.

"SADAKO!" sabay naming sigaw at bigla kaming nagtawanan.

"Haha. Akalain mo naman pareho tayo ng iniisip." Sabi niya.

At biglang kinuha ni Gelo yung mga CD sa cabinet nya sa kwarto.

Nagplay na yung movie kaso nakikita kong parang natatakot si Gelo. Bigla syang lumapit sakin nung time na lalabas na si sadako sa TV at bigla syang Sumigaw at napayakap sakin. Matatakutin pala sya sa Horror Movies di tulad ko na Paborito.

"Luh! Para ka namang tuko.!" Sabi ko na natatawa.

"Grabe. Di pwedeng natakot lang.??" Sabi naman nya habang nakatututok parin sa TV at nakayakap parin sakin.

"Ewan ko sayo. Manood nalang tayo." Sabi ko sa kanya at pilit na inaalis ang pagkakayakap niya sakin.

"Ayan hindi na ako takot." Sabi niya at pumiglas naman ito sa pagkakayakap sakin.

Malapit na kaming matapos sa pinapanood namin ng biglang sumilip si Tita mula sa pinto at sinabing, " matulog na kayo pagkatapos niyan. May outing daw tayo bukas. Good Night Dears" at dahan dahan sinara ang pintuan at umalis.

Inaayos na ni Gelo yung mga ginamit naming CD.

Natulog na kami pagkatapos niyang inayos yung mga ginamit namin.

------------------------------------------------------

Kinaumagahan

Narinig ko si Tita na kumakatok sa kwarto at dali dali kong binuksan yun.

"Ayy. Tita Good Morning" Bungad ko sa kanya matapos kong buksan yung pinto.

"Good Morning rin. Si Gelo pala?? tanong niya.

"Andoon pa po nakahilata pa. Puyat po siguro. Nakadalawang movie po kasi kami." sabi ko naman.

"Mag-ayos ayos ba kayo. diba sinabi ko sa inyo kagabi may OUTING tayo. Hahaha. " natatawang sabi ni tita na parang natatawa.

"Ayy.. oo nga pala tita. Susunod na po kami sa baba. Gigisingin ko lang po yun Mantika. " pabiro kong sabi.

"Ahh.. Sige mga 8:30 tayo aalis. " pagkatapos sinabi ni tita yun ay tinignan ko agad ang Wall Clock at nakita ko 7:30 na pala. isang oras nalang aalis na kami.

"Ayy. sige po tita." pagkasabi ko nun ay umalis niya sya.

Agad lo namang pinuntahan si Gelo sa kama.

"Gelo?? Gising na May outing tayo." sabi ko sa kanya.

"Ano??!" gulat na sabi niya. mukhang di niya ata alam. (Hahaha)

"May outing tayo sabi ko. Maghanda na tayo kasi tayo nalang ang hinihintay." sabi ko sa kanya at bigla siyang tumayo at nagbihis. sumunod rin ako na nagbibis.

------------------------------------------------------

Beach Resort

"Ooh! Ibaba niyo na mga gamit niyo!" sabi ni tito na kababa sa Driver Seat.

Nagsibabaan naman kaming lahat at lahat ng bata ay pumunta na agad sa Beach.

Malapit lang sa Village nila Gelo ang Beach mga 2 kilometers lang.

"Ayy. Naalala ko. Si Mily pala. Saglit lang Ime susunduin ko lang." sabi niya at hiniram ang Single ni Tito John para sunduin sya. Pagkaalis niya ay pumunta agad ako kay tita hindi palang ako nakakapagsalita ay tinanong niya na ako.

"Saan pumunta si Gelo??"

"Aay Tita kila Mily po. Naalala niya po. Kaya sinundo niya." Sabi ko.

"Ayy See. Okay. sige Enjoy the outing. Maghahanda lang kami ng Pagkain dito." sabi niya habang kinukuha lahat ng Mga pagkain sa Likod ng kotse.

"Ayy.. samahan ko na po kayo dyan. " sabi ko at kinuha ko ang dlla ni tita at dinala sa Cottage.

"Thank you. Ime." sabi niya sakin at ngumiti naman ito.

LOVE TRIANGLE By Dark_AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon