Chapter 1 - Hindi kita Makakalimutan

354 28 13
                                    

"Uwahahaha! ang tanga tanga mo talaga, hahahahaha" tawanan ng mga kaklase ko saakin.

Nadapa lang naman kasi ako. Pero sinadya naman nila! Papunta sana ako sa blackboard para sumagot sa recitation nang hinarang ni Nathan ang paa niya sa dinadaanan ko kaya yun ang dahilan sa pagkakadapa ko.

"CLASS, KEEP QUIET!" sigaw ni maam.

At tinulungan naman ako ni maam makatayo.

"At ikaw naman Nathan, nakita ko yung ginawa mo! kaya papuntahin mo mga magulang mo didto! Kung hindi, hindi talaga kita papasukin sa klase hanggat hindi pumupunta mga magulang mo! Nagkakaintindihan ba tayo?!" sabi ni maam kay Nathan.

"Yes, maam" sagot ni Nathan.

Ang saklap talaga ng buhay ko. Bully na nga, napagiwanan pa ng pamilya. Si mama at si papa kasi pumunta ng ibang bansa para magtrabaho. Sinubukan ko naman silang pigilan pero ayaw talaga nila, kailangan daw kasi nila magtrabaho para sa kinabukasan ko. At si yaya Anne nalang naiwan para mag alaga saakin. Bata palang ako si yaya na nag aalaga saakin, para ko na nga siyang tunay na magulang. Palagi siyang nandiyan para supportahan ako, kaya love na love ko si yaya eh! Wala din naman akong mga kapatid, only child lang kase ako. Wala akong karamay kundi si yaya lang talaga, kung wala siguro si yaya baka nabaliw na ako mag isa sa mundong ito.

Ako nga pala si Patrisha Mendoza, a freshmen student. 1st year highschool palang ako nabubully na! Papaano nalang kaya sa susunod na taon? Kakayanin ko pa kaya? Wala din naman akong masyadong kaibigan, natatakot daw kasi sila na ibully din sila ni Nathan. Binababantaan daw kasi ni Nathan ang lumalapit saakin, kaya ayon! Lahat sila takot! Ewan ko ba! Bakit ba sila takot na takot sa Nathan na yun? At bakit kasi sa lahat ng tao dito sa mundong ito, ako pa talaga ang pinagtripan ng Nathan na yan. Bakit nga ba? Psh. Ganito kasi yun, orientation palang nung 1st year highschool may pinahiyang babae yan si Nathan. Bakla siguro tong Nathan na to at pumapatol pa ng babae. Tsk. At ayon, tinulungan ko lang naman yung babae nakakaawa kasi. Pagkatapos nun nagalit na si Nathan saakin, maghihinganti daw siya. Kaya yun, maraming takot na lumapit saakin. Hay, nakakainis!

*ring ring ring*

Dismissal na! Uwian na!

Kaya agad ko naman kinuha yung mga gamit ko at lumabas na sa classroom. Dumaan muna ako sa library para maghiram ng libro sayang kasi yung award, pagmarami ka daw mahiram na libro ay may certificate kang matatanggap. Sayang din yun no! Dagdag na yun sa mga collections ko, hahaha! At pagkatapos ko humiram ng libro ay uuwi na ako.

Naglalakad ako ngayon ng bigla nalang,

*BOOOOOOGSHHH*

O_________O aray ko po.

Nadapa nanaman ako! T___________T

"Ang tanga tanga mo talaga! Hindi pa ako tapos sayo, dahil sayo papagalitan nanaman ako ni mommy at dahil sayo pupunta nanaman siya dito!" pagkatapos niyang sabihin yun ay umalis na siya.

Ano daw? Ako pa may kasalanan ngayon? Kasalanan ko ba na hinarang niya mga paa niya kanina sa dinadaan ko? At pati ngayon? Hindi na nakuntento. Wala talang konsensya yang Nathan na yan!

Napatingin ako sa tuhod ko ng naramdaman ko ang hapdi na nanggagaling sa tuhod ko.

Urghh, nasugatan lang naman! Hay, bwiset na Nathan yun! Madapa din sana siya!

Dahil tinamad ako pumunta sa clinic, uuwi nalang ako agad. Ang layo kasi ng clinic, kung uuwi ako agad edi malapit lang! Nasa gate na kasi ako ngayon naghahanap ng tricycle. Pero dahil malas ako wala akong mahanap na masasakyan lahat ng nadadatnan ko na tricycle ay may pasahero. Oh may, yung sugat ko baka matetanus.

Dahil sa wala talaga akong mahanap na masasakyan, napagdesisyonan ko na maglakad nalang muna. Habang naglalakad ako bigla nalang ako huminto sa isang parke dahil yung dugo ng sugat ko ay tumutulo. 

Urghh? Bakit ba ang malas malas ko talaga? May pag asa pa kaya ako maging swerte? Kahit ngayong taon lang? O pwede din sa susunod na taon nalang. Titiisin ko nalang muna ang kamalasan ko. 

Kukunin ko na sana yung panyo ko sa bulsa ko para punasan yung dugo ng sugat ko nang biglang may kumausap saakin.

"Hala? Anong nangyari diyan?" sabi niya.

Nung tinignan ko siya parang same age lang kami at yung uniform niya sa Daeyeon High School yun eh, kung hindi ako nagkakamali. At lalaki siya, oo lalaki siya. Baka ibully din ako nito? Pero parang hindi naman, mukha naman siyang mabait eh. Sa lahat ng tao na nadadaanan ko siya lang talaga yung naging concern saakin, kahit hindi naman ako mamamatay sa sugat ko.

"Ahhh...? Ehhh, nadapa kasi ako." yan nalang yung sinagot ko.

"Ahh, dapat kasi tumingin ka sa dinadaanan mo." at bigla siya lumapit saakin, tapos kinuha niya yung panyo niya sa bulsa niya at pagkatapos, iniikot niya yung panyo niya sa tuhod ko kung nasaan yung sugat ko at pagkatapos niyang ikotin yun ay tinali na niya. At natakpan na din yung sukat ko, sawakas!

I can't believe this. Siya lang yung taong naging concern saakin? Ahuhuhu. Nakakatouch naman. Sana marami pang taong kagaya niya. At sana si Nathan din kagaya niya! Pero impossible na yun mangyari, parang nasa lahi na niya talaga ang pagkademonyo! =_______=

"Ayan tapos na! kaya sa susunod mag ingat ka na ha?" sabi niya. "Uhmm, ako nga pala si Miguel Fernandez, ikaw ano pangalan mo?" dagdag pa niya. Sasagot na sana ako pero may biglang sumigaw na,

"ANAAAAK! HALIKA NA! MARAMI PA TAYONG GAGAWIN."

"SIGE NAY, PARATING NA!" sagot ni Miguel. 

Pagkatapos niyang sagotin yun ay humarap na ulit siya saakin. "Sige, aalis na ako ha? tinatawag na kase ako ng nanay ko, at mag ingat ka na sa susunod ha? byebye!" at tumakbo na siya papunta sa nanay niya.

Ouch? Hindi man lang ako nakasagot? Hindi man lang niya nalaman ang pangalan ko. Parang mas masakit pa ata yun kaysa sa sugat ko. Ahuhuhuhu. Pero salamat talaga ng maraming marami sakanya. Siya lang talaga yung taong naging concern saakin. Sana magkita pa tayo ulit para makapagpasalamat man lang ako sayo.

Maya maya nakauwi na rin ako sa bahay namin, at si yaya naman eto na! parang pulis kakatanong kung ano nangyari saakin at bakit daw ako may sugat.

"Yaya, nadapa lang po ako."

"Hindi ako naniniwala! siguro may nag bully nanaman sayo no? sino? sabihin mo! hindi ko yan uurungan!" sabi ni yaya.

"Wag na po yaya, tapos na po eh, hayaan na natin."

"So tama talaga ako! may nagbully sayo? sino yan? sinoo?!!"

Naku po, naamin ko tuloy na meron nga nag bully sakin. >_________<

"Ahh? Ehhh..? Wala po yaya no, sige punta na po ako sa kuwarto pagod po kase ako." palusot ko. Pagkatapos ko yung sabihin ay tumakbo na ako papunta sa kuwarto.

Hindi na ako nagsumbong kay yaya kasi panigurado pupunta yan sa school at baka magkagulo nanaman, ayoko nun! hayaan nalang natin yun, bahala na si karma ang mag higanti kay Nathan.

Hay, naghihinayang parin ako kanina. Hindi man lang ako nakapagpasalamat sa Miguel na yun. Di bale, may nextime pa! Maliit lang kaya ang mundo, magkikita pa tayo ulit panigurado! Basta! Hinding hindi kita makakalimutan. Darating din ang panahon na mapapasalamatan din kita,

Miguel Fernandez.

Reaching You (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon