Tadhana

1.8K 14 2
                                    

"Minsan lang sa buhay ang magkaroon ng pamilya. Pamilya na masaya at sama-sama. Sa darating na pagsubok makikita ang pagiging matatag ng pamilya. Sila ang pipili ng magiging tadhana nila. Habang buhay ba na lungkot o magiging masaya? Tayo ang gagawa ng sarili nating tadhana."

 
            Maagang nagising si Luke upang ipagluto ng almusal ang kaniyang buntis na asawa. Halos magsi-siyam na buwan na niya itong ginagawa. Gusto kasi ni Luke na laging inaasikaso ang kaniyang asawa. Ni ayaw nga nito paglinisin ng bahay o kaya naman magluto ng kanilang kakainin. Marunong naman kasi si Luke kaya siya nalang ang nag-presinta sa gawaing bahay hanggang sa manganak ang asawa.

"Luke?" Tawag ni Jade sa asawa habang pababa ng hagdan.

"Jade! Dito sa kusina." Sabi ni Luke sa asawa.

Naglakad patungong kusina si Jade upang puntahan ang asawa. Naaamoy niya ang niluluto ng asawa kaya medyo binilisan niya ang lakad.

"Hmmm.. Pancakes ! Maluluto na ba?" Tuwang - tuwa na tanong ni Jade sa asawa.

"Sandali nalang mahal ko." Abot tengang sagot ni Luke kay Jade.

Umupo si Jade sa harap ng lamesa at sandaling nanahimik. Pinagmamasdan kasi nito ang kaniyang asawa habang abala sa pagluluto. Napa-ngiti ito dahil sa naisip.

Naglakad si Jade papunta sa likod ni Luke. Dahan-dahan niyang niyakap si Luke at isinandal ang kaniyang noo sa balikat nito.  Napangiti si Luke sa ginawa ng asawa. Iniisip niya na naglalambing na naman si Jade.

"Araaaay!" Daing ni Luke.

Humagikhik naman si Jade dahil sa kalokohang ginawa. Kinagat niya kasi sa likod si Luke dahil nanggigigil na naman ito sa asawa.

"Ikaw talaga. Ginawa mo na naman akong fried chicken." Natatawang sinabi ni Luke.

"Hindi ah! Marshmallow kaya!" Naka-ngusong sambit ni Jade.

Napahalakhak naman si Luke dahil sa kakulitan ng kaniyang asawa. Araw-araw kasi nitong pinapamangha si Luke sa kalokohang ginagawa. Simula kasi ng nakilala niya ito ay pilya o maloko na talaga.

"Kumain kana nga. Hahahah! Magugutom yung mga anak ko eh." Sabi ni Luke sa asawa at ipinaghain na ito.

"Opo! Lagyan mo ng tsokoleyt!" Sabik na sabi ni Jade.

Sinunod naman ni Luke ang nais ng kaniyang mahal na asawa. Sabik narin si Luke na makita ang kaniyang kambal na anak. Ayon kasi sa ultrasound magkakaroon sila ng kambal na anak, isang babae at isang lalaki. Kaya naman hindi makapaghintay ang mag-asawa na masilayan ang kanilang mga anak.

Nakaisip narin sila ng ipapangalan rito. Christine ang ngalan ng babae at Christian naman sa lalaki.

"A-aray. Luke! May dugo! Yung kambal! Manganganak na ata ako! Ang sakit ng tiyan ko!" Sigaw ni Jade.

Napatigil sa pagkain si Luke at binuhat si Jade. Binuksan niya ang kaniyang kotse at mabilis na pinaandar upang dalhin sa ospital ang asawa.

Matagumpay na nailabas ni Jade ang kambal sa kaniyang sinapupunan. Marahil hindi naman maselan ang kaniyang pagbubuntis kaya hindi ito nahirapan.

"Pagkatapos malinisan ng mga bata dadalhin namin sila rito upang inyong makita. Maayos naman ang lagay ng iyong asawa. Konting pahinga lang upang maibalik ang kaniyang lakas. Maya-maya ay magigising na siya. Aalis na muna ako upang tingnan ang iba pang pasyente." Sabi ng doktor.

"Salamat ho." Sabi ni Luke.

Umalis na ang doktor at pumasok naman ang mga nars dala ang dalawang sanggol. Inihiga nila ito sa tabi ni Jade. Nakangiti naman na lumapit si Luke sa mag-ina. Hinalikan nito ang noo ni Jade at hinawakan ang mga kamay ng kambal.

"Kamusta Christine at Christian? Tulog pa si mama. Gisingin niyo dali!" Natatawang utos ni Luke sa dalawa.

Ngumiti naman ang kambal na animo'y naintindihan ang sinabi ng kanilang ama.
Nakikipaglaro si Luke sa kambal, natutuwa kasi itong makita na nakangiti ang dalawa.

Lumipas ang oras at hindi na namalayan ni Luke na magga-gabi na. Tulog narin ang kambal dahil sa pagod. Inayos ni Luke ang pagkaka-higa nila Christian at Christine sa tabi ni Jade. Lumabas na muna si Luke sa kwarto ng kaniyang magi-ina upang bumili ng makakain.

TadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon