Lumabas ng gusali si Luke upang makahanap ng McDo. Bumili siya ng pagkain tsaka bumalik sa ospital upang puntahan ang kaniyang magi-ina. Hindi parin mawala sa kaniyang mukha ang ngiti tuwing maaalala ang hagikhik ng kaniyang kambal sa tuwing nilalaro niya ito.Pag-pasok sa silid nila Jade ay gising na ito. Abala ang kaniyang asawa sa kambal kaya naman hindi niya napansin na dumating na ang asawa.
"Gising kana pala. Kumain ka muna para madagdagang muli ang iyong lakas." Sabi ni Luke.
Hinanda niya ang binili sa mesa at kumain sila. Sa kalagitnaan ng kanilang pagkain ay may kumatok sa pinto.
"Magandang gabi sa inyo. Maayos na ba ang iyong pakiramdam?" Tanonh ng doktor kay Jade.
"Mabuti na po." Naka-ngiting sagot naman ni Jade.
"Kung ganoon maaari kanang makauwi bukas. Wala namang problema sa naging panganganak mo. Malusog rin ang mga bata. Magandang gabi ulit." Sabi ng doktor at lumabas na.
Makalipas ang 3 taon
"Tan! Tin! Tigilan niyo yan, baka malaglag kayo. Lagot tayo sa mama niyo." Saway ni Luke sa kambal. Tumatalon kasi sa kama ang dalawa. Imbis na makinig sa ama ay mas lalo nilang nilakasan ang pagtalon.
"Pasaway talaga kayo. Puntahan nalang natin ang mama niyo sa baba." Pagyaya ni Luke sa kambal.
Sumunod naman sa kaniya ang dalawa. Dahil sa makukulit ang kaniyang mga anak , pagdating sa hagdan ay nag-unahan sila Christian at Christine pababa rito.
"Tan! Tin! Talaga naman." Napakamot nalang si Luke sa kaniyang batok. "Saan ba kayo nag-mana?" Tanong sa sarili.
"Sayo." Biglang sagot ni Jade sabay tawa.
"Tapos kanang maglaba?" Tanong ni Luke kay Jade.
"Hindi pa. Nagpahinga lang ako sandali. Anong gusto niyong kainin? Magluluto na ako." Sabi ni Jade.
"Ako nalang bahala sa pagkain mamaya. Magpahinga ka nalang muna. Teka? Nasan yung dalawa?" Naglinga-linga sa paligid si Luke.
"Hala! Baka kung saan mapunta yun. Hanapin natin. Tan! Nasaan kayo? Tin!" Sigaw ni Jade.
Hinanap nila sa loob ng bahay ang dalawa ngunit hindi nila ito nakita. Lumabas sila ng bahay at nakita ang dalawa na nilalaro ang bula mula sa planggana kung saan may mga labada na nakalagay. Tuwang-tuwa ang dalawa dahil sa bula. Si Christian ang nagpapalobo at si Christine naman ang hahabol at puputukin ito.
Natawa naman ang mag-asawa dahil sa kakulitan ng kambal. Balak na sanang pigilan ni Jade ang dalawa nang sumigaw si Luke.
"Tan! Tin! Sali ako." Sabay takbo sa dalawa. Mas lalong lumakas ang tawa ng dalawa nang wisikan sila ng tubig ni Luke sa mukha. Nagulat naman si Jade sa ginawa ng asawa.
"Tama na yan! Magbanlaw na kayo." Lumapit si Jade sa tatlo upang abutan ito ng twalya.
Imbis na tumigil ang tatlo ay nag-tinginan lamang ito na para bang nagu-usap gamit ang mga mata.
"Isa... " bilang ni Luke. "Dalawa" dugtong pa nito.
"Takbo!" Sigaw nina Christian at Christine sabay takbo kasama si Luke kay Jade upang basain din ito ng tubig galing sa gripo.
Napatili naman si Jade dahil sa ginawa ng kaniyang maga-ama. Hindi niya kasi inaasahan ang gagawin ng mga ito.
Makalipas ang ilang minuto ay tumigil narin sila. Inaalala kasi ng mag-asawa na baka magka-sakit ang kanilang kambal.
Kinabukasan, unang nagising si Christian kaysa sa kaniyang mga magulang. Ginigising nito si Christine upang may makasama siya at makalaro ito.
Ngunit ilang beses na niya itong ginigising ay di parin sumasagot. Natakot ang bata kaya naman tumakbo siya papunta sa kaniyang magulang.
"Ma! Shi Tin, ayaw po magishing maglalawo pa po kami." Gising nito kay Jade.
Nagising naman si Luke dahil sa sinabi ni Christian. Ginising rin nito si Jade upang puntahan si Christine.
Nagmadali sila upang mapuntahan ito. Lumapit sila sa nakahigang anak at ginising ito. Tulad ng sinabi ni Christian ay ayaw nga nitong magising. Nataranta na si Jade dahil hindi niya alam kung bakit ganoon samantalang sabi ng doktor ay malusog ang kaniyang mga anak at walang anumang sakit noong ipinanganak.
Hinawakan sa noo ni Luke si Christine. Naramdaman nito na sobrang init ng bata at inakalang mataas ang lagnat kaya naman dinala na nila ito sa ospital upang hindi na lumala.
Hindi mapakali ang tatlo habang hinihintay ang resulta ni Christine. Makalipas ang ilang oras ay lumabas na ang doktor. Lumapit ito sa mag-asawa upang sabihin ang kalagayan ng anak.
"Hindi ko inaakalang magkakaroon ng ganoong kalalang sakit ang inyong anak. Malusog at walang problema ang kaniyang katawan noong sanggol pa lamang." Panimula ng doktor.
"Ano po ang ibig niyong sabihin?" Tanong ni Jade. Kinakabahan na ito sa sasabihin ng doktor dahil halata sa itsura nito na hindi ganoong kadaling magamot ang bata.
BINABASA MO ANG
Tadhana
Teen FictionFor educational purposes only :) Pwede niyo rin namang basahin. Hahahaha 😂😘 Ito ay isang Maikling kwento lamang:)