Tadhana

708 13 1
                                    


"Si Christine ay may malalang sakit. Hindi ko rin inaasahan ang ganitong bagay dahil wala talagang problema sa kaniya noong sanggol pa lamang siya . Maging ako ay nagulat.  Ayon sa pagsusuri namin mayroon siyang problema sa puso. Mayroon itong malaking butas. Kailangan niyang mapalitan ng puso sa lalong madaling panahon. Alam kong mahirap makahanap ng taong magdo-donasyon ng kaniyang puso lalo na't kailangang-kailangan na. Ngunit kung patatagalin ay maaaring ikamatay ng bata dahil kasi sa butas ng kaniyang puso ay nahirapan siyang makahinga. Kaya naman hinimatay siya at nagkaroon ng lagnat." Sabi ng doktor sa mag-asawa.

Hindi napigilan ni Jade at Luke na mapaluha dahil sa narinig. Hindi nila alam ang dapat gawin. Tiningnan nila ang kanilang anak at lalong nanghina nang makita na maraming nakatusok na makina rito upang magbigay ng hangin.

Hindi na nakayanan ni Luke na makita ang kaniyang prinsesa sa ganoong kalagayan kaya naman nagsalita na ito.

"Ako ang magbibigay ng puso sa kaniya. Ibibigay ko ang akin." Naluluhang sabi ni Luke.

"Pero Luke, paano kami? Iiwan mo kami?" Iyak naman ni Jade.

"Jade, mahal ko kayo. Hindi ko kayang makita na may nasasaktan sa inyo. Ibibigay ko kay Christine ang puso ko dahil di ko kayang makita na ganoon ang kalagayan niya. Makakasama niyo parin naman ako dahil nasa kaniya ang puso ko." Umiiyak na sabi ni Luke kay Jade.

"Christian?" Tawag ni Luke sa bata. Lumapit naman ito sa kaniya. "Tan, alagaan mo si Christine. Ikaw dapat ang magiging tagapag-tanggol niya kapag may nang-away sa kaniya. Pag-laki mo rin alaagaan mo si mama ha. Huwag mo silang pababayaan. Mahal na mahal ko kayo." Hinalikan niyo sa noo si Christian at tumayo.

"Luke, hindi ko kaya." Nagmamaka-awang sabi ni Jade.

"Jade, kahit ako hindi ko kaya. Isipin mo nalang si Christine para sa kaniya to. Mahal ko kayo. Patawad pero yun nalang ang naisip ko." Sabi ni Luke.

Niyakap ng mahigpit ni Luke si Jade at hinalikan rin ito sa noo.

"Aalagaan mo sila. Lagi lang akong nandito kasama niyo. Alagaan mo ang prinsesa at prinsipe natin. Mahal kita" Muling sabi ni Luke.

Lumapit ito sa doktor upang sabihin ang kaniyang plano.

"Dok! Ako po. Ako po ang magbibigay ng puso sa anak ko. Kung kailangan na po ngayon. Handa na po ako." Muling napaluha si Luke.

"Sumunod ka sa akin." Sabi ng doktor.

Pumunta na sila sa emergency room upang maoperahan na si Luke at maisalin ang kaniyang puso kay Christine.

Tinurukan na ng pampatulog si Luke.

Isinagawa na nila ang operasyon kay Christine.

Makalipas ang ilang oras ay naging matagumpay ang kanilang operasyon.

Ligtas na si Christine. Normal na ulit ang paghinga nito.

Samantala, si Jade ay walang tigil sa pag-iyak sa upuan dahil alam niyang wala na ang kaniyang asawa.

"Matagumpay pong naisagawa ang operasyon. Ligtas na po ang inyong anak." Malawak ang ngiti ng doktor habang sinasabi ito.

Masaya man si Jade ay hindi parin maiwasang makaramdam ng lungkot dahil wala na si Luke. Humagulgol na naman sa pag-iyak si Jade. Sa kaniyang pag-iyak ay may lalaking tumayo sa kaniyang harapan.

"Huwag kanang umiyak. Panget kana nga mas papanget ka pa." Nagulat si Jade sa boses ng taong nagsalita dahil tulad iyon sa kaniyang asawa. Kaya naman mas lalo itong naluha.

"Ang kulit talaga! Sayo ata nag-mana yung kambal natin eh!" Dugtong pa nito.

Sa pagkakataong iyon nagulat na naman si Jade dahil sa sinabi ng lalaki. Tumigil siya sa pag-iyak at tumingala. Nang maaninag na si Luke ang nagsalita ay mabilis niya itong niyakap at muling umiyak.

"Akala ko patay kana! Nakakainis ka naman eh!" Sabi ni Jade sa asawa habang nakayakap ito.

"Akala ko rin eh. Ayaw pa ata akong kunin ni Bro! Makakasama ko pa kayo ng matagal." Sabi ni Luke.

"Teka! Paanong---" naputol ang kaniyang sasabihin.

"Paanong nangyari na buhay ako pati ang prinsesa natin? Kasi bago ako makatulog dahil sa itinurok sa akin. May ibinulong yung doktor na mayroong pasyente na nagbigay ng kaniyang puso kay Christine. Hindi ko man siya kilala pero nagpapasalamat na ako sa kaniya. Kung sino man siya,  pagpalain sana siya." Nakangiting sambit ni Luke.

"Salamat sa kaniya! Alam na ba ito ni Christian? Na buhay ka?" Tanong muli ni Jade. Tumango naman si Luke sa asawa.

Pagkatapos na kanilang pag-uusap ay pumunta sila sa kwarto ni Christine. Nakita nila na nasa tabi nito si Christian habang kumakanta. Napa-ngiti ang dalawa sa nakita.

Naisip ni Luke na napaka-swerte niya sa kaniyang pamilya. Kahit na pinaglaruan sila ng tadhana ay hindi ito naging hadlang upang sila ay masira bagkus ay mas naging matatag pa. Hindi niya sasayangin ang bawat oras o araw upang makasama ang kaniyang pamilya dahil minsan lang sa buhay ang nabibigyan ng ganitong uri ng pamumuhay. Na kung saan ay simple at masaya.

Lumapit ang mag-asawa sa kambal at niyakap nila ito.

Wakas 😘

TadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon