#4

15 1 0
                                    

HYUN

Andito kami ngayun sa isang bar, umiinom asusual maingay hahaha

Ang plano ko ngayun, magpanggap na lasing at magconfess kay Christian.

"Tagay na Hyun"pasigaw na sabi ni Keith habang kayakap si hyu na medyo may tama na grave makatingin itung gaga  nato, pano ba naman katabi ko c Christian, pinatabi ba naman sakin.

Naka anim na shot na ako kaya dun kuna sinimulan ang aking plano.

"Christian" tawag ko sa katabi ko na busy sa phone niya alam ko namang naririnig nya ako, magkatabi lang kasi kami tsaka medyo di na maingay.

"Oh" sagot niya tsaka tumingin sakin

" May sasabihin ako" tumingin lang siya sakin.

"Gusto kita, no, hindi gusto kundi mahal na ata kita." Sabay yuko ko sa aking ulo para sabihing nahihiya ako or lasing hahaha galing ko.

"Lasing kalang kaya mo nasabi yan," aba! Choosy nito, swerte mu nga nagconfess sayo ang isang Hyun Won .  1st time kung gawin ito sa isang lalaki ha?! . Tsk tsk

"Ou lasing ako, pero alam ko ang ginagawa ko, at totoo ang sinasabi ko Mahal kita." Pasigaw kong nasabi sa kaniya,  nafeel kung napatingin sakin yung dalawa na busy makipaglandian.

"Okay.x relax, kung totoo man yan sinasabi mo, Thank you at minahal mu ako pero hindi ako nafafall sa kaklase ko, ayoko ma awkward sa klase at ayoko maykarelasyon sa loob ng klase.  Kaya sorry, kung hindi ko masusuklian yang pagmamahal na nararamdaman mo sakin" napataas ang kilay ko, chaka, kala mo naman jojowain kita, nagconfess lang ako uy! Gusto ko sana sabihin pero nakakahiya, nakatingin ang dalawa baka ano pa sabihin ng gaga.

Napatayo nalang ako at umalis sa table na kung saan kami. Ng makalayo ako, tumawa nalang ako, success napaniwala ko ata sila hahaha

"Tawang-tawa ka jan?" Oh may ghad! Si kieth! Pano na?! Nataranta na ako, no choice, ilabas ang pagiging actress mo hyun,

Nagsimula ng tumulo luha ko, napayakap ako kay keith, para talaga mapaniwala siila, nakita ko namang sa likod si Hyu, dumiritso ako sa kanya at niyakap sya at umiyak ako ng umiyak, Nu bayan, para akong gaga nito.

Pinatahan nalang nila ako, tsaka bumalik na kami sa table. Medyo pinakita kuna na hindi na ako lasing.
Nakita ko naman c Christian at tumabi sa kanya.

Hindi na kami nagtagal dun at umuwi na kami. At natulog nadin kami.

Kinabukasan, pumunta ang dalawa sa bahay , ako lang naman at si Hyu ang nandito, wala dito si mama umalis, 1 month din siyang mawawala.

Nqg movie marathon lang kami, kumain at nagkwentohan, dami kung nalaman sa kanila lalo na kay Christian, Broken family sya gaya ko, madami kaming kapareha, gaya ng allergies namin sa pagkain pati type ng dugo hahahaha...

Hindi na namin pinag-usapan yung nangyari kagabi. Ayaw nila pag-usapan ee hahaha

Dumating yung gabi, napagpasyahan naming uminom ulit,
Marami namang Beer sa ref namin. Pano ba naman lasinggero ang mga pinsan ko, dito minsan tumatambay at umiinom, wala naman yun kay mama, nasa tamang edad naman na kami.

Kinuha kuna ang beer sa ref at yung pulutan namin na chichirya.

Nakarami na kami ng inum at nalasing na kami, si hyu ayun nag aya ng matulog, sabi ko tabi kami sa isang kwarto, sa isang kwarto ko sana papatulugin ang dalawang lalaki, may bakante naman kaming kwarto duto sa bahay, maliit nga lang yun pero ang gaga hindi pumayag gusto niya katabi si Keith. Tsk anlandi talaga.

Kaya no choice ako, dun kuna pinatulog ang dalawa sa isang kwarto at kami naman ni Christian sa kwarto ko, malaki naman yung kama ko kya kasya kami. Wala naman sakin kung katabi ko siya.

Ang Kwento ng Buhay ko.Where stories live. Discover now