#7

9 0 1
                                    


January 20, ng malaman ng mga kaklase ko na buntis ako, ang gagang si Hyu kasi napakadaldal. Yan tulog narining ng 5 kaklase kung babae.

At first hindi sila naniwala, pero sinabi kona talaga sa kanila na totoo at pinakita ko ang result .

Hindi ko kayang magtago sa kanila. Naging kaibigan ko na kasi sila tsaka napakabait nila eh,

Kaya ayun ng malaman nila, todo alaga sila sakin.. nakakatuwa nga silang tingnan.

Inabot pa ng 5 araw bago nalaman ni Christian na buntis ako , kaya kinausap niya ako sa rooftop.
Wala kasing tao dun. Kaya okay lang mag usap dun.

"Saakin ba yan?" Nagulat ako sa tanong niya, natatakot ako kung ano isasagot ko.

"No, hindi ikaw ang ama nito" yan nalang ang lumabas sa bibig ko. Hays bahala na. Nagulat siya sa sagot ko.

"Ahh,tama nga ako, ilang lalaki na nakama mo ng wala ako? Siguro nakarami kana, masarap ba sila? " nabigla ako sa tanong niya, nasampal ko nalang siya at biglang tumulo ang luha ko.

"WALA KANG ALAM! KAYA HUWAG MO AKONG PAGSALITAAN NG MASAMA AT IPAMUKHA NA ISA AKONG POKPOK DAHIL WALA KANG ALAM! WALA!!" nanginginig na sigaw ko sa kanya ... bigla nalang ako nahilo at wala na akong nakita kundi itim..

Nagising nalang ako sa kulay berdeng kwarto, hindi naman ata to hospital.
Nakita ko si Hyu sa gilid ko kasama si Keith. Naalala ko nangyari kanina sa rooftop at napaiyak nalang ako at napansin naman iyon ni Hyu .. bumangon ako at niyakap siya.

Pinatahan nalang nila ako at umuwi nalang sa bahay.

Kinabukasan

January 26 2017, Thursday Night

Pumunta kami sa Rizal Park gusto ko magpahangin, kasama ko si Hyu at Keith. Sila naman lagi kung kasama .

Kumain pa kami ng kwek.x tsaka fishball.. andami kung nakain ng time nayun...
Kaya naglakad.x kami.. para exercise din yun, okay naman daw sabi ni dok ee... malakas ang kapit ni baby.. hihihi

Sa paglalakad namin, nakita ko ang isang pamilyar na pigura ng isang lalaking may kahalikan na babae at napagtanto ko na si Christian at Rain iyon..

May naramdaman akong basa sa baba ko, at ang sakit ng puson ko,
Dahil medyo madilim hindi ko kita kung ano iyon, napasigaw nalang ako sa sakit , kaya na agaw ko anv atensyon ng mga taong na nakaupo at nag uusap sa gilid namin at ang dalawang taong nasa harapan namin ay napatingin din.

Nakadress lang ako hanggang tuhod nun , kaya ng binuksan ni Hyu ang flashlight ng cp biya at tinutok sakin. Nakita ko ang dugo na umaagos sa mga paa ko at napaiyak nalang ako.

Agad nila ako dinala sa hospital, pero huli na , Wala na ang baby ko..
Wala na siya... wala na .

Ilang araw din akong nagmukmuk at umiiyak sa kwarto ko nun ... andami kuna ding absent sa school.

Wala na ang pinakaiingatan ko, ang inalagaan ko sa loob ng 1 buwan...
Wala na akong inspirasyon.

Nung time na yun, gusto kunang mamatay, wala na din naman ang baby ko, pano nako mabubuhay, pano na ako sasaya..

But still, naalala ko si Hyu, si Keith si mama at ang mga kaklase ko ... naging bahagi nadin sila ng buhay ko .. at mahal na mahal ko si mama, hindi ko kayang iwan siyang mag isa.

Kaya naman bumangon ako at pumasok na ulit sa school. Kahit masakit .

Pagdating ko sa school, kinaladkad ako ni Christian sa isang room na walang tao.

"Bakit Hindi mo sinabi sakin ang totoo? BAKIT?! " tiningnan kulang siya at hindi sumagot, pagod na akong umiyak, wala akong inisip kundi ang gusto kung makaalis sa room na iyon.

"SAGOTIN MO AKO?! BAKIT?!" galit na sya at umiiyak.

"BAKIT?! KUNG SINABI KO BA SAYO MAY MAGBABAGO BA?! WALA NAMAN DIBA?! KASI MAY RAIN KANA!! DUMATING LANG SI RAIN BINALIWALA MUNA AKO! WALA KANANG PAKI SAKIN!! KAYA HUWAG MUKONG SISIHIN KUNG BAKIT HINDI KO SINABI SAYO DAHIL IN THE FIRST PLACE IKAW NA ANG GUMAWA NG DAHILAN PARA HINDI KO SABIHIN SAYO ANG TOTOO.!! WALA KANANG MAGAGAWA PA, DAHIL WALA NA,! WALA NA ANG BATANG DINADALA KO SA LOOB NG 1 BUWAN!! NAWALA NA NG DAHIL SAYO!! " napaiyak nalang ako , niyakap niya ako humingi siya ng sorry, pero kumalas ako sa yakap niya at umalis na.

Bumalik nalang ako sa room at umupo na parang walang nangyari.

Natapos ang klase at umuwi naman ako diretso.

Sumunod na araw ay naging normal na sakin, pero hindi parin mawala na ang pag iyak ko tuwing hating gabi.

Hindi kuna pinansin si Christian, may time na gusto niya akong kausapin pero humahanap ako ng ibang gagawin para lang hindi kami magkausap.

Hindi ko siya mapapatawad. .

Ang Kwento ng Buhay ko.Where stories live. Discover now