OFTEW : CHAPTER 2
Pagpasensyahan niyo na po kung ngayon lang po ako nakapag-update dahil ngayon lang po ako nagka-inspirasyon ng dahil sa aking panaginip
Sana po magustuhan niyo po ang update kong ito
Sana po yung mga silent reader eh magparamdam na
@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@
Eunice P.O.V
Pagkapasok ko sa bahay namin, sinalubong ako agad ni mama
“kamusta ang school Eunice” sabi sakin ni mama
“ayun ma, school parin” sagot ko
“ang ibig kong sabihin eh nabalik na raw ang exam niyo” sabi ni mama
Shiiiiit!! Kanino niya yun nalaman??!!
“dumaan dito kanina si Lorenzo para tanungin ka sana kung kamusta yung grades mo, siya daw nakakuha daw siya ng 95%” sabi ni mama
Leche talaga yang lorenzong yan!! Bwiset na sya sa school pati ba naman hanggang bahay eh bwibwisitin niya ako, humanda talaga sa akin yan
“so, asan na yung test paper mo?” sabi ni mama habang nakalahad ang kanyang kamay niya na parang hinihintay yung paper ko
“ah-eh “ yun na lang ang nasabi ko at binigay ko na ang test paper k okay mama dahil dinilatan niya ako ng nakakatakot niyang mata
“ZERO!!! Yan ang score mo? Hindi ka talaga nag-aaral bata ka, lumabas ka ng bahay at wala kang dinner” sabi ni mama habang pinagtutulakan ako palabas ng pinto
“mama please wag niyo po gawin sakin to, please huhuhuhu” pagmamakaawa k okay mama. Gawin niya sakin ang lahat wag lang hindi ako pakainin
Habang nagmamakaawa ako kay mama na buksan ang pinto, dumating na ang napaka-galing kong younger brother
“ano ate, pinalabas ka na naman ni mama noh, tsk tsk tsk hindi ka kasi nag-aaral ng mabuti” sabi ng kapatid kong si Andrew
“leche ka, eto ang nararapat sayo EUNICE FLYING KICK yaaaaah!!” sisipain ko na ang kapatid ko kaso bigla siyan pumasok sa pinto at booom !
Sa pinto tumama ang kick ko kaya “ARAY!!! MA PAPASUKIN NIYO NA AkO PLEASE HUHUHUHU” pagmamakaawa ko
Mga 2 oras din akong naghintay sa labas ng bahay namin kaya naman pagpasok ko, sa kusina agad ang tuloy ko at kumain hanggang sa mabusog ako
Pagkatapos kong kumain dumiretso na akong ng kama ko at nahiga ng nakarinig ako ng *screeeeeech* kaya naman napabalikwas ako pagtingin ko sa bintana namin at HALA! Bakit bukas to kaya naman sinara ko ang bintana sa kwarto ko at nahiga ulit
Maya-maya may naramdaman akong nakatingin sakin kaya napa-upo sa kama at nagsimula na magdasal
“aba ginoong maria napupuno ka ng grasya - - - “ naputol ang pagdadasal ko ng biglang may nagsalita
“hindi ako aswang” sabi ng nagsalita, feeling ko babae ito
“lord please sana po ilayo niyo po ako sa mga mul- - -“ hindi ulit natuloy ang sasabihin ko dahil may nagsalita ulit
“at lalong-lalo hindi ako multo” sabi ng nagsasalita
“k-k-ung h-hindi k-k-a m-m-ulto o a-a-swang magp-paki-kita ka naman” mautal-utal kong sabi
“tingin ka sa ibaba” sabi niya kaya naman sinunod ko at pagtingin ko
“WAAAAAH!!! PUSA” sigaw ko at humiga ulit ako at tinabunan ko ng kumot ang buo kong katawan
“huy! Alam mo ang rude mong kausap” sabi niya
Kaya naman tinignan ko ulit siya “ i-ikaw ba yung nagsasalita?” medyo natatakot kong tanong
“oo ako nga” sabi niya
“WAAAH! PUSANG GALANG NAGSASALITA” sigaw ko at tinakluban ko ulit ang sarili ko ng kumot
“arte mo ha! “ sabi niya at parang tumalon siya
“tignan mo to ooh” sabi niya, at dahil na-curious ako tinignan ko
“WAAAAH!! Ang kyuuut kyuuut naman nitong bracelet na to” grabe ang cute talaga ng pinakita niyang bracelet sa akin
“gusto ko lang ibigay sayo yan bilang pasasalamat sa ginawa mo kaninang umaga” sabi niya
“huh?!” sabi ko
“sa pagligtas mo sa akin kanina sa mga bata, hindi lang ako makalaban dahil tinakpan nila iton star sa aking noo” sabi niya
Napa-aaah na lang ko sa sinabi niya
“sure kang akin na iton bracelet?” tanong ko sa kanya at tumango-tango siya
Kaya naman sinuot ko na ang cute na bracelet na binigay niya sa akin
“ahihihihi!! It’s so cute at bagay na bagay siya sa akin” sabi ko sa sarili ko habang tinitignan ang bracelet
“gayahin mo ang sasabihin ko ha” sabi niya
“ok” sagot ko sa kanya habang tinitignan parin ang cute na bracelet
“invirtuteautem stella,transmutes” ang sabi niya kaya naman ginaya ko
“invirtuteautem stella,transmutes” sabi ko at
.
.
.
.
.
.
@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@
Pabitin muna XD
Pasensya na po kayo kung yan po muna ang aking update
Hindi ko po alam kung kelan ulit ako makakapag-update
Follow niyo po ako
@welchibi
BINABASA MO ANG
Operation: Find The Elemental Warrior (On hold)
FantasíaAng sabi nila "everything happens for a reason" pero papaano kung dahil lang sa pagligtas mo sa isang pusa eh madami ang mababago sa iyo tatanggapin mo ba ito ng buong puso o tatalikuran mo na lang ito? please read this