After so many months, sa wakas nakapagdugtong na ako ulit ditto sa story ko =) sensya nap o mejo busy lang talaga sa school.. yeah =) nagkaroon na rin kasi ako ng inspirasyon para lalo pang ipagpatuloy ito. With my MAMA BEAR <3
eto na di ko na patatagalin..
Enjoy reading ^_^
(Zac’s POV)
“Ang adik mo Zac! Nakakaasar ka! Ang tanga tanga mo, di ka talaga marunong dumiskarte! Napakabagal mo! Yano ka naman! Nuknukan ka ng ulyanin! Kalog kang taglay! Andoon ka na oh. Di mo pa nagawang makuha ang number niya! Asar ka! Asar ka! Waahhhhhhhhhhhh!!"
“Anak, are you okey? Ano’ng nangyayari diyan sa loob ng kuwarto mo?”
“Wala po Mama, nagpapraktis lang po ako ng speech ko sa play namin sa school.”
“Oh sige after 10mins bumaba ka na at kakain na tayo.”
“Opo mama.” Hayy.. muntik na ako doon ah! Buti hindi pumasok ng pintuan ng kwuarto ko si mama Mira. Kung hindi baka nakita niya pa akong iniuuntog ko ulo ko sa pader, pagkamalan pa akong nababaliw na. paano ba naman kasi di ba aminin ninyo kahit kayo natatangahan sa akin kasi. . . haayyyyyyyyyyyy!!! Ayaw ko ng isipin. Ngayon na lang ulit ako nagkaganito sa babae.
Nang matapos kaming kumain nagpunta na ako agad sa kuwarto ko para talunin sa tetris si Aron na hindi ko pa rin magawa at makinig sa mga walang kwentang pambabae niya.
“Tol! Ang labo mo!” – Aron
“Wag ka na ngang makulit. Oo na tanga ko. Tanga ako!” – Zac
“Hahahahahahah Tol! Binata ka na! hahahahahaha Tuli ka na ngang talaga. Umiibig ka na ano?”
“Bangag ka tol! Umiibig agad? Oo na oo na aaminin ko nagagandahan ako sa kanya. Hindi ba pwedeng crush lang muna?!”
“Ulol ka! Crush-in mo mukha mo! College na tayo dude! Dapat, i-date mo na agad! Ano yun ikaw pa ‘tong dalagang Pilipina?”
“tzk! Ewan ko sa’yo bakit nga ba ako nakikipag-usap sa babaero kong bestfriend. Si Jam na nga lang ang kakausapin ko ng may mapala ako!”
“Teka teka Zac! Bukas mahaba naman vacant natin sa hapon! Samahan mo ako dun sa pag-hunting sa babaeng muntik ko ng mapatay! Hahaha!”
“Muntik mo ng mapatay Masaya ka pa?”
“Dali na… Astig n’ya eh gusto ko naman ng mga ganong babae”
“Ewan ko sa’yo. Bukas na lang tayo mag-usap!”
“Oi, oi!! Ipapaalala ko lang sa’yo talo ka sa Tetris kaya wag kang umayaw!”
“Oo na!”
Ang saya naming mag-usap ni Aron diba!? Haha paano ba naman di naman ako babaero gaya niya ngayon na nga lang ulit ako nagkagusto este crush sa babae dahil…
Ni-close ko na ang call ko kay Aron si Jam naman ang tinatawagan ko sa SKYPE kasi alam kong online ito kababasa gaya ko ng wattpad stories.
Ang tagal naman atang sagutin ni Jam itong call ko. Nakatulog na kaya ito?
Sa paghihintay ko ng sagot ni Jam, napansin ko ulit ang litrato sa desktop ng computer ko. Nasaan ka na nga ba? Sabi mo tayo lagi ang magkasama sa lahat pero iniwan mo ako. Nag-aral ka diyan sa ibang bansa dalawang taon na ang nakakaraan pero bakit hindi mo magawang makapag-message kahit isa sa’kin o kay Aron. Ngayon nagkakaroon na ako ng paghanga sa ibang babae pero bakit ikaw pa rin ang iniisip ko kapag nag-iisa lang ako dito sa kwarto. Malamang dahil matagal ang pinagsamahan natin. Kailan kaya ulit kita makikita Ja………………
BINABASA MO ANG
Ang Epekto ng Wattpad.com
RomanceEto ay kwento ng isang lalaki na sumubok alamin ang hiwaga na dulot ng pagbabasa ng mga kwento sa wattpad.com. Pag-alam sa kung bakit nahuhumaling ang halos karamihan at kung bakit nagkakaganoon ang bawat kabataan. Pagtataka sa epidemyang dulot ng w...