Most Painful Word

13 1 0
                                    

Ako si Lili. Nagpunta ako dito sa America upang sundan ang kababata kong si Nathan. Mahal na mahal ko sya. Childhood friend ko sya and super magbestfriends talaga kami, pero natapos ang lahat simula nung umalis sila papuntang America to continue his studies there. Bata pa kami nung umalis sya. I think we’re only 10 or 9? At nung naghighschool na ako, nagmakaawa ako kay tita na sa America maghighschool to the point na lumuhod ako sa harap nila. My Auntie is super strict when i’m asking something. Nagtanong pa nga sila kung bakit gusto kong mag-aral sa America. Ang tanging sagot ko lang ay...

“Upang sundan ang lalaking matagal ko ng gusto,” yun ang sinabi ko. Nagkaroon ng kaunting katahimikan at tumawa ng mahina si Auntie at sinagot ako.

“Naiintindihan ko Lili, papayagan na kitang sumama samin sa America. But make sure na magiging scholar ka at saka maintain your grades.” At umalis na sya. Alam kong kahit na medyo kapos sila Auntie ay nakakaraos na sila. Mayaman naman sila Auntie pero minsan talaga ay may mga trials lang sa buhay natin.

Sumama ako sa America. Medyo may awkward feeling pa kasi naman puro mga american ang mga tao doon lalo na yung mga english nila. Nakapag-enroll agad ako sa isang eskwelahan at halos lumuha ang mata ko nung nahagip ko ang mukha ni Nathan. Gwapo pa din. Sobrang gwapo. Pero marami ding nagbago sa kanya.

Naging madali ang pakikisama ko sa mga tao roon sa America. Minsan hindi ako naglakas-loob na kausapin si Nathan dahil feeling ko maiihi ako ng di-oras. Kinakabahan ako. Hindi nya na rin siguro ako namumukhaan dahil matagal na rin nung huli kaming nagkita. Fortunately, nakaabot ako doon hanggang tatlong tao. Pero naguho ang mundo ko doon sa nakita ko sa mismong taong iyon.

Sumasakit ang ulo ko nun kaya pinapunta ako ni Ma’am sa clinic.

“Want me to assist you?” alok ni Xavier. Kaibigan ko sya and medyo nakakaintindi sya ng tagalog dahil sakin. Sya ang una ko nung naging kaibigan sa America. Ang kulet kulet nya rin.

“Thanks.” Pumayag akong magpasama sa kanya. Feeling ko kasi babagsak ako ng di-oras nun.

Nasa pinto na kami nun ng clinic nang makaramdam ako ng bigat ng pakiramdam. Yung tipo na kinakabahan ka na parang ewan na buksan ang pinto ng clinic. Kaya si Xavier na ang nagbukas nito para saakin.

Pero nagulat ako nun sa nakita ko. Si Nathan!

Dahil sa gulat ay nahimatay ako nun. Doon ko napag-isip isip na dapat iamin ko na ito kay Nathan. Dapat na dapat talaga bago pa mahuli ang lahat. Iniisip ko noon na nanaginip lang ako at imagination ko lang yung nakita ko.

Pagkatapos palang ng klase ay hinila ko si Nathan papunta sa likod ng building. Tinanong nya ako kung bakit at ang sagot ko lang ay basta. Sinabi ko sa kanya ang lahat lahat at ang tungkol saakin. Nung mga bata pa kami. At lahat-lahat. At inamin ko din ang nararamdaman ko sa kanya. Pero halos gumuho ang mundo ko sa sinabi nya after ng sinabi ko.

“You know what? Stop talking to me. I don’t remember nerdy ugly girls like you since my childhood. Don’t bother me and just leave me alone. I don’t like girls like you.”

At umalis na sya. Leaving me standing there. Nakatayo lang ako at nakatulala. Hindi pa nun nasisync-in sa utak ko yung mga sinabi nya. Hanggang sa narealize ko yun. That’s the most painful word I heard. Ang bobo ko pala. Napakabobo. Hindi na sya yun ee. Marami ng nagbago. Madaming madami.

Most Painful WordTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon