Paula's POV
Hays.... It's Monday again... =__=
Kakatapos ko lang magbihis kase papasok na ko sa school.
"Ano ba yan... Nakakatamad pumasok.",sabi ko sabay gulo ng buhok.
O_O!
"What's the point of going to school kung..... Buhay pa si Kuya?",sabi ko.
"Buhay na buhay pa...",dagdag ko sabay tawa... Hahahaha...
Pumunta ako sa kwarto ni Kuya Pau tas pumasok sa pinto ng hindi kumakatok.
"Hoy!! Kuya!!!!",sigaw ko.
"Ohh..Ohh...Omma...",murmur ni Kuya habang nakapikit dahil tulog pa at mukhang nananaginip pa.
O///O NamiMiss na ata talaga ni Kuya si Mommy.
Teka..Teka lang...Nandito ako para magReklamo at hindi maawa.
SPARTA MODE..Engaged!
Dali-dalian kong hinawi yung curtain at binuksan ang bintana ni Kuya at biglang napasukan ang napakadilim na kwarto ni Kuya na parang ngayon lang nasikatan ng araw.
At sa sobrang liwanag ay naalimpungatan siya...
"Ano ba Pau?!!",sigaw ni Kuya at tulukbong ng kumot.
"Wake Up already Kuya!! Papasok ka pa po kaya?",sigaw ko.
Bumangon ng unti si Kuya pero slightly awake yung eyes...
"Ehhh...Sino ba ang may pasok ngayon?",tanong ni Kuya.
Anong klaseng tanong naman yan? Edi ikaw!!!
"Ikaw!",sigaw ko.
"Ako?",sabi ni Kuya.
"Me?",dagdag ni Kuya.
"Naega?",dagdag niya ulit.
Kakaasar naman to si Kuya... -__-
"Oo ikaw?!!",sigaw ko habang nakaclenched na yung fist ko.
"Ako talaga?",tanong ni Kuya habang nakaSlightly closed yung eyes sabay kamot sa ulo.
Biglang dumilat si Kuya sabay ngumiti...
"Sino ba si Paulo Cortez?",tanong ni Kuya.
Shunga talaga si Kuya... Di niya na ata alam yung name niya.
O_O!! Wait... Di kaya...
NagkaAmnesia siya?
"NagkaAmnesia ka ba Kuya?",tanong ko.
"Hhhmm....Di naman.",sabi niya.
Ehhh..Ano na namang gusto ni Kuya mangyari,
"Ikaw, si Paulo S. Cortez ay kailangan nang pumasok!",sigaw ko.
"Oww...Really?",sabi ni kuya.
"Si Paulo S. Cortez.. Ngayon?",dagdag ni Kuya.
"Di ba ikaw na siya ngayon?",sabi ni Kuya sabay talukbong ng kumot.
Aiiisshhhh!!!! Kakaasar na talaga....
BINABASA MO ANG
Ang Hari Ng Campus Ay Isang ... CHICK?!
Teen FictionWhat you see is what you believe... Pero mali pala ang iyong inaakala.