Chapter Eight

11 0 0
                                    

Thank you sa suporta :D

________________

Chapter Eight

Xena's POV

Ilang linggo na ang lumipas after ng scene namin ni Drew dun sa B-room.

Wala naman talagang nangyari dun. Parang yung time na niyakap ako ni Drew, dun nagsimula ang lahat.

Hindi ko alam pero pagkatapos nun, parang nag-iba si Drew.

Hindi naman masama ang binago ni Drew, pero iba na feel ko sa mga ginagawa niya e.

Lagi niya akong sinasamahan, kahit pupunta lang ako ng CR sasamahan pa niya ako tapos hihintayin pa niya akong matapos. Ang sasama naman ng mga tingin ng mga babae sa campus. Pero sanay na ako. Hahaha Tuwing natutulog naman ako sa klase, lagi niya akong hinihintay na magising. Pagkadilat ko bubungad sa akin yung mukha niya tapos magsisimula na naman siyang mang-asar ng kung ano-ano. Lagi din niya akong inaalalayan, may hawak-hawak lang akong isang libro aagawin pa niya sa akin para siya na raw ang magdala. Paminsan rin sumusunod pa siya sa akin hanggang sa pag-uwi ko para masigurado raw niya na ligtas akong makarating sa bahay. Madalas na din kaming lumalabas, siya naman din ang nagyayaya.

Hindi ko na rin laging nakakasama si Yanna. Ewan ko bakit pero lagi niyang kasama si Stephen.

May something ba ang dalawang 'to?

Kaya nga lagi akong mag-isa. Masaya naman yun, kasi tahimik ang buhay ko. Hahahahaha

Lagi akong mag-isa pero lagi akong sinasamahan ni Drew.

Tuma-timing ba 'tong lalakeng 'to?

Pero kinikilig naman ako ^________^

Ngayon ko lang kasi naranasan 'to ulit. Kay Craig pa kasi yung huli.

Hindi naman yan ginawa nung mga nanligaw sa akin, ewan ko ba kung ano bang ginawa nilang panunuyo. Kaya nga puro basted eh.

Pero wala akong ibang iniisip sa mga ginagawa ni Drew, malay natin bestfriend thingy lang ang turing niya sa akin? Or as a sister?

Ayaw ko namang sanayin ang sarili ko sa mga pinagkakagawa niya. Baka hahanap hanapin ko eh.

Haaaaayyyyyy.....

Makatulog na nga lang! May klase pa bukas eh.

Tsk! May mga project pa pala akong gagawin bukas, kailangan kong makarating ng maaga dun -_________-

-FASTFORWARD-

Maaga palang andito na ako sa school.

Pagkatapos ko i-park ang motor ko dumeretso na ako sa locker ko para kunin ang mga gagamitin ko para sa mga project.

Psh.

Ang dami kong karga pagpasok ko ng classroom, mag-isa palang ako dito. Tahimik at walang istorbo, mas madali kong matatapos ang mga project ko.

3 oras na ang lumipas at natapos ko na rin ang mga project ko. Phew! Ang dami kaya nun!

Madami na rin ang tao dito. May isang oras pa naman bago magsimula ang klase kaya inilapag ko ang ulo ko sa armchair.

Andito naman ako nakapwesto sa likod, walang iistorbo sa akin.

ZzzzZZZzzzzZZZZzzzzzz......

Stephen's POV

Kanina pa nagsimula ang klase pero puro discussions lang.

Medyo rush nga ang ginagawa ng mga prof kasi mag-eexam na in a few weeks.

Broken-hearted GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon