(THIS POEM IS FOR REJECTED PERSONS ⚠)
Ilan pa bang harana ang gagawin,
Para ika'y maging akin,
Sa bawat ngiting aking masusulyapan,
Sa tuwing ika'y aking mahahanap,
Hanggang kailan ako aasa,
Kung ngayon pa lang ay wala ng pag-asa,
Sa takot na ako ay iwanan,
Ako pa pala ang maaagawan,
Sa pagnanasang pwede maging tayo,
Ay hanggang magkaibigan nalang pala tayo,
Pilit mang kinakalimutan,
Ay laging nauuwi sa kalungkutan,
May happy ending pa ba,
Kung ang tayo ay wala na,
Ang pag-ibig na ating inaasahan,
Ay siya palang luha na ating pupunasan,
Hanggang kailan magdurusa,
Ang sumpaang naging parusa,
Kailan hihinto,
Ang ulan na tila naging bagyo,
Sa lumbay na aking dinararanas,
Sa sakit na iyong pinapararanas,
Kay sakit isipin,
Na minsa'y nagpaalipin,
Sa akalang ang tayo,
Ay babalik at magkakatotoo pa rin.