(Para sa mga taong nabasted at nawalan ng kaibigan dahil inagaw ni bes 👊)
Oo, gusto kita,
Pero sa tingin ko mahal na kita,
Maganda ka,
Matalino pa,
May mahihiling pa ba?,
Kung lahat ay nasayo na,
Okay lang ba ang efforts ko?,
Makuha ko lang ang mga kamay mo?,
Kasing ganda mo ang mga bituin,
Na para sayo ay aking aabutin,
Kung hindi ka pa handa,
Handa akong magtiyaga,
Dahil mahal kita,
Pero may mahal ka ng iba,
Ang gulong isipin,
Kay hirap tanggapin,
Na ako ay di sapat,
Kahit ako'y tapat,
Hanggang dito nalang ako,
Naghihintay,
Nalulungkot,
Dahil may iba ka ng kasama,
At bestfriend ko pa.