(Para sa mga taong nareject, iniwan ng bestfriend, nawalan ng kaibigan at iniwan ng minamahal 💦)
Sabi nila may mga taong kinakaibigan,
At may kinaiibigan,
Pero ano ako dun sa dalawa?
Yung una o yung pangalawa?,
Ang sarap mo kaseng kausap,
Lalo na yang mga mata mong nangungusap,
Di ko alam kung kailan toh nagsimula,
Etong ating pagkakaibigan ay parang tula,
Na may unahan,
At may katapusan,
Etong daan na ating tinatahak,
Ay isa palang pahamak,
Na maghihiwalay,
At magwawalay,
Sa ating dalawa,
Bawat yapak,
Ay unti-unting nawawasak,
Nagsimula sa pagkakaibigan,
Nauwi sa pang-iiwan,
Dahil minahal kita,
Ngunit iba ang iyong sinisinta,
At ngayo'y ako ay nakatayo,
Na nagbibigay ng payo,
Na hanggang doon na lamang tayo.
