Angelica's P.O.V.
Tinitignan ko silang dalawa sa rearview mirror. Napangiti ako ng makita ko silang tulog na
Ang hirap pala ng nasa ganitong situation. Kapag nakaalala na sya? Siguro pipintasan nya ako sa mga ginawa kong panloloko sa kanya
Kahit kilala ko sya alam kong hindi nya gustong may nagsisinungaling sa kanya kahit mga kadugo nya pa ito. Nakakatakot syang magalit pero handa akong tanggapin ang mga sasabihin nya sakin at mga gagawin
I'm very sorry, bes
*****
Pinasok ko sa bahay ang kotse ko at ginising si Lyn ( in short for Annalyn)
"Nandito na tayo, Ate?"tanong nya
"Yes, buhatin mo nalang si baby Nika"sabi ko
Tumango naman ito at sinunod ang sinabi ko
"Mang Lando, dalhin nyo po yung pulang maleta sa kwarto ko. Yung itim naman po sa katabi ng kwarto ko"utos ko kay Mang Lando
Sya lang ang pinagkakatiwalaan ko kahit lalaki pa sya. Simula nung 9 years old sya dito na sya nagtatrabaho, 30 years na syang nagtatrabaho samin. Sya lang ang naging bodyguard/driver ko simula pagkabata ko, si Yaya Laura (asawa nya) ang yaya ko. Walang paki-alam sakin ang parents ko noon kasi puro lang trabaho ang iniisip nila, naiingit nga ako sa kanya kasi kahit nawala yung mommy nya masaya naman sya sa piling ng tatay at mga Kakambal nya
"Sige po, Mam Angelica"sabi nito
Pumasok ako sa loob ng bahay ko at umakyat sa taas
Sinilip ko sila Lyn sa kabilang kwarto
Tulog na sila
*****
Rei's P.O.V.*tot toot*
Aish! Ang ingay naman ng bwisit na toh!
Binuhusan ko ng coffee yung tracking device
*tot toot*
Water proof nga pala tong hayop na tracking device na toh!
"Detected, Mrs. Angela Nika Falcon at Robinson's Residence"
"Detected, Mrs. Angela Nika Falcon at Robinson's Residence"
'Robinson's Residence? Bumalik na si Angelica?'
Sabi ko sa isip ko
Ano nanaman kayang gagawin nya dito?
*****
Annalyn's P.O.V.Maaga akong gumising para magluto ng umagahan namin
Saan ba ang kusina dito? Ang laki-laki naman kasi ng bahay ni Ate eh
Ayun pala
Pumasok ako sa loob ng kusina at naghanap ng maluluto sa ref
Kinuha ko yung hotdog, itlog at ham
Ayaw kasi ni Ate ng ibang tao yung nagluluto para sakanya
"Ayy Mam gising na po pala kayo"sabi ni Manang
"Magandang umaga po, Manang. Opo, magluluto pa po kasi ako ng umagahan ni Ate tapos ipagbabaon ko pa po sya ng pagkain"sabi ko
"Ako na po dyan, Mam"sabi ni Manang
"Manang, wag na po. Kayo nalang po mag-ayos ng kakain, kaya ko naman po 'to eh"sabi ko
"MOMMY!"
Agad kong nabitawan ang hawak ko at mabilis na umakyat sa taas
Pinuntahan ko sa kwarto ang anak ko at agad na niyakap
"Shhhh Mommy is here"sabi ko
"What happen?"
Napalingon ako sa pinto
"Nanaginip nanaman sya"sagot ko kay Ate
"Stop crying baby"pagpapatahan ko sa anak ko
"May monster akong nakita, ayoko sa monster"sabi ni Anika
Pinunasan ko yung luha ko at hinalikan ang noo nya
"That was just, it's not true. Mommy is your savior"nakangiting sabi ko
"Really Mommy? Si Tita din po ba savior ko?"tanong ni Nika
"Of course, baby Nika. Your our little princess"sabi ni Ate at lumapit samin
"Yehey! I love you Mommy and Tita"masayang sabi ni Nika
Binuhat ko na sya at bumaba na kami
"Ang cute mo talaga"sabi ni Ate ng paupuin ko sa isang upuan si Nika
Napailing nalang ako at pinagpatuloy ang ginagawa ko
BINABASA MO ANG
His Missing Wife
Action(Book 2 of His Substitute Girlfriend) Pano kung isang araw magising ka nalang na may Anak ka na pala at.....wala ka ng maalala Mabalik pa kaya ang mga alaalang yun? Kaya nya bang panindingan ang pagigiging Ina nya sa Anak nya? ***** Pagtagpuin pa ka...