Part one

11 0 0
                                    







#twoshots
#dance






February. It's the month of the year again, or should I say...the most hatred month of the year. Hindi 'ko masasabing bitter ako, or kung may dinadamdam ako sa month na 'to, pero oo na! Bitter ako, sino bang may pake? Lalong-lalo na tuwing February 14. Balita 'ko may namatay raw sa araw na yan, teka nga, nag-eexist ba talaga 'yan? Oo na, bitter na 'ko. Sino ba namang hindi mabibitter kung puro red at puro puso ang nakikita mo? Mga mag-jowang kulang na lang ay maghubad sa gitna ng daan, mga tsokolateng nakaka-diabetes o mga teddy bear na hindi naman cute.

Siguro, nung nagsaboy ng kabitteran ang kalangitan, nilunok 'ko lahat.

Ang sarap sumigaw ng "Walang Forever" sa bawat mag-boyfriend-girlfriend na nakikita 'ko. Minsan kaya naisip din nilang magbebreak din sila balang araw? O baka hindi, kasi nilamon na sila ng 'true love' na sinasabi nila, na infatuated love lang naman. Lord, patawarin niyo po ako, pero nakakaimbyerna lang talaga. Ang sarap nilang hambalusin ng tae ng aso, sa totoo lang.

"Nakabusangot ka na naman diyan Zel, ang pangit mo na nga mas pumangit ka pa. Wala ka nang ikapapangit pa lalo dahil sobra na yang kapangitan mo." Kulang na lang ay gumulong-gulong siya sa sahig sa sobrang tawa. Kung makapanglait, akala mo hindi mukhang unggoy.

"Tse! Manahimik ka nga diyan Faiyn! Maganda ka? maganda ka?"

"Hindi ba obvious?" Aba talaga! Ngumiti pa siya nang nakakaloko.

"Bakit ba kasi dumating pa 'tong February na 'to? Nagdadagsaan na naman ang mga kadiring couples yak!"

"Sus, porke nakipagbreak lang si Stain sayo eh! Hindi pa rin maka-move on teh?"

"Wag ka ngang magmura!" Binato ko sa kanya ang notebook na hawak 'ko, at sakto namang tumama sa mukha niya. Ha! Buti nga!

"Ang bitter mo grabe! Wag kang mag-alala gurl, single pa rin hanggang ngayon si Stain. May chance ka pa." Ngumiti ulit siya. Sabi nang bawal ang magmura eh! Bakit ba tuwang-tuwa 'tong kaibigan 'ko na asarin ako?

"Wala akong pake! Mamatay ka na, mamatay ka na!"

Umacting siyang parang naiiyak. "Eeeeeh! Nang-aano paepal!"

At sabay na lang kaming natawa.

Right. Stain. Siya ang dahilan ng kabitteran 'ko. February 14. Saktong 1st anniversary namin nang maisipan niyang sabihin ang tatlong salita na ito.

"Let's break up."

"Ha? N-naka drugs ka ba?" Nakangiti pa rin ako kahit konti na lang ay tutulo na ang mga luha 'ko. Alam ko sa sarili kong hindi ito biro, sa mukha niya pa lang, ay malalaman mo nang seryoso siya sa sinasabi niya.

"I'm sorry...I don't love you anymore. Let's end this up, before we both hurt each other."

"What!? Before we hurt each other? A-are you crazy? You're already hurting me Stain, at sasabihin mong 'before', like who the hell would say that?"

"Elizel.."

"No Stain, I don't want to break up with you. We finally did it! Naka-isang taon na tayo, ngayon ka pa ba bibitaw?"

Pinipigilan 'ko nang pinipigilan ang mga luha 'ko

"Please Elizel, gusto ko nang kumawala. Pakawalan mo na 'ko."

"Kung gusto mo rin palang maging malaya, bakit niligawan mo pa 'ko?" I jokingly laughed. "Why? Fucking why!? So that you can waste time, and toy with me? Dahil ba bored 'ka lang? O dahil malakas lang talaga trip mo sa buhay? Because if you want to be free, if you want to be with yourself, then you shouldn't have tricked me. Edi dapat hindi ka nag-girlfriend at minahal mo na lang ang sarili mo! Eh gago ka pala!"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 09, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Dance (two shots)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon