Hear Me

45 1 3
                                    

This story is a work of fiction. Names, characters, some places, and events are either products of the author's imagination or are used in fictitious manner. Any resemblance to actual places, events, persons—dead or alive, are purely coincidental.

Do not distribute, transmit, modify, display, exploit the content of the story in any form without the written permission of the author. Thank you.

———
Kung may isang bagay ka na gustong balikan sa nakaraan ano ito? Bakit?

Hindi ko alam kung ano ang isusulat sa papel ko. Sa totoo lang, maraming bagay akong gustong balikan sa nakaraan. Maraming dahilan kung bakit ko gustong balikan ang mga iyon. Marami akong pwedeng isulat, ngunit hindi ko alam kung paano sisimulan. At hindi ko alam kung kaya ko bang sariwaing muli ang huling parte ng istorya kong 'yon.

"Ano ba naman 'yan. Saan ba 'ko magsisimula?" Habang kagat-kagat ang dulong bahagi ng aking panulat, at habang nakatingin sa kisame ng silid, nagsimula akong mag-isip.

Sinimulan ko ang pagsulat sa puting papel sa aking lamesa. Pero hindi pa nakaka dalawang pangungusap ay nagdikit na ang palad ko at ang papel at nagsimulang lukutin ito.

Impit ang naging sigaw ko. Nag-iingat na hindi marinig ng aking mga kaklase. Napasabunot ako sa buhok ko dahil nafu-frustrate na 'ko.

Nagulat ako nang may magsalita sa likuran ko. "Homework kasi 'yan, dito mo pa kasi pinoproblema, e. Maraming araw pa ang pwede mong ilaan dyan..." Aniya saka ako kinalabit "...kain na lang tayo, para hindi ka na ma-stress dyan. Ano, g?"

Napaangat ako ng tingin sa kanya saka ngumuso. Naisip ko kasing maganda ang inaalok niya kaya naman ang pagnguso ko'y napalitan ng isang ngiti.

"Tara na. Baka makita mo pa siya." Makahulugang sambit niya.

Sa sinabi niyang iyon ay napabusangot agad ako. Magaling din kasi ang isang ito sa paninira ng araw ko.

"Bakit kaya nakilala pa kita?" Naiinis na tugon ko.

"Para bwisitin ka. Di ka pa ba nakakahalata?" Sabay tawa niya nang napakalakas

Napaisip ako, ano kaya ang dahilan kung bakit ko siya nakilala? Kung bakit ko naranasan ang mga iyon? Kasi sa totoo lang, masyado pa akong bata para sa mga ito. Mag-se-seventeen pa lang ako pero parang marami na masyado ang mga naranasan ko.

"Sabi naman kasi sa'yo, napakaraming tao sa mundo pero nasa iisang tao lang ang atensyon mo. Pero wala ka namang napapala hindi ba?"

Patuloy sa pagsesermon si Xeree pero wala sa kanya ang atensyon ko. Tila lumulutang sa hangin ang utak ko sa mga oras na ito.

Hindi ko namalayang nasa tapat na kami ng isang stall sa canteen namin. Marahil dahil iyon wala ako sa pokus ngayon.

"Ano ba ang nasa isip mo ngayon? Halatang lumilipad ang isip mo, a. Kanina ka pa ganyan." Kumento niya.

Agad akong tumuwid sa pagkakatayo nang sabihin niya iyon. Paulit-ulit akong umiling at saka siya hinila paalis sa lugar na 'yon.

Nang makarating kami sa silid ay umupo akong muli sa aking upuan. Nag-isip ng mga bagay na noon pa lang ay bumabagabag na sa akin.

Inisip ko rin 'yung mga pagkakataong sinayang ko, 'yung mga panahong nagsawalang bahala ako.

Agad akong pumikit at pinilig ang ulo. Hindi! Hindi ko dapat iniisip ang mga 'yon. Wala na rin namang mangyayari kung magsisisi pa ako ngayon.

May dahilan ang lahat ng ito. Kung ano man 'yon handa naman akong malaman 'yon. May dahilan kung bakit hanggang ngayon, tumitibok pa rin sa kanya itong puso ko.

Alam kong hindi libro o pelikula ang buhay ko pero wala naman sigurong masamang humugot ng kahit kaunting pag-asa hindi ba?

"Bibili lang ulit ako ng makakain, hintayin mo na lang ako dito."

Hindi ko na hinintay pang tumugon siya sa sinabi ko, agad akong umalis ng silid at nagtungong canteen. Hindi naman ako bumili, naglakad-lakad lang ako.

Nagsisi agad ako na bumaba pa ako dahil sa dami ng tao sa canteen na ito, siya pa ang makakabungguan ko.

Hindi na bago ang ganitong pangyayari para sa akin, sa halos tatlong libro na  nabasa ko hindi nawala ang eksenang ito. Ito kasi ang nagiging simula ng maligayang istorya nila, ngunit sa kasamaang palad wala ako sa libro, nasa isang mapait na realidad ako.

"Ay sorr-- uy!" Nanlaki pa ang mata niya sa gulat

Bahagya akong natawa sa ekspresyon niya. Agad akong bumalik sa matinong pag-iisip. Nginitian ko siya sabay sabi ng "uy, Jarv."

"Hindi ko akalain na makikita kita ngayon." Isang matamis na ngiti ang iinawad niya

Ako rin hindi ko akalain. At iyon ang palagi kong dalangin, ang h'wag ka ng makita pa ulit.

Naiilang pa akong nagpaalam sa kanya, ngunit sa kasamaang palad pinanganak siyang makulit.

"Samahan mo na muna ako rito at hindi ko naman kabisado ang eskwelahang ito."

Nang mga sandaling iyon, nang lumapat ang kanyang kamay sa aking braso narinig ko ang malakas na pintig ng puso ko. Bigla akong napatingin sa kanya, nag-aalalang baka marinig din niya.

Ngunit mas magandang marinig din niya diba?

"Aen?" Napatingin ako sa kanya nang sambitin niyang muli ang pangalan ko. Kay tagal na rin pala nung huli niya itong sinabi.

"Sorry Jarvix pero hindi kita masasamahan ngayon, e..." Hindi ko na kasi kayang damhin pa itong lakas ng tibok ng puso ko ngayon, masyadong malakas. Masakit na. "...marami pa kasi kaming gagawin ngayon e. Pumuslit lang ako."

Biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha niya. Tila ba bigla siyang nawalan ng gana. Dahan-dahan siyang tumango at malungkot na ngumiti.

Nilagpasan niya na lang ako basta-basta. Ni hindi man lang siya nagpaalam sa'kin. Gano'n na lang 'yon. Nilingon ko siya, pero hindi na niya ako nagawang lingunin. Nang mawala na siya sa paningin ko doon lang ako nagpasyang umalis.

Ang totoo wala naman akong gagawin. Hindi ko na lang kasi makayanan ang kirot na dulot ng malakas na kalabog ng dibdib ko. Para akong hindi makahinga noong mga oras na 'yon.

Hanggang sa makaakyat at makapasok ako ng silid ay malakas pa rin ang tibok ng puso ko. Matagal na nung huli kong maramdaman ito. Siya rin ang huling taong nagpadama sa akin nito. Siya lang.

Saktong pagdating ko'y siya ring pagpasok ng aming Propesor.

"Pinaaalala ko sa inyo ang pinagagawa kong essay. Dapat ngayon ay may nasisimulan na kayo dahil malapit na ang pasahan niyan." Aniya sabay labas ng silid.

Natutuwa ako dahil bukod sa maaga ang dismissal ngayon, ay alam ko na ang isusulat ko para proyekto namin ito.

May magandang dulot rin pala ang araw na 'to.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 30, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hear Me Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon