XIV

28 6 1
                                    

Camille's POV

Ninanamnam ko ang bawat liriko habang sinasayaw ko ito. Nasa gitna ako ngayon ng field, kasama ang ibang mga dancer.

May gaganapin kasing Battle of the Dancers kaya todo practice kami ngayon ng mga ka grupo ko.

Ang school ang irerepresent namin, kaya kailangan naming galingan dahil samin nakasalalay ang karangalan ng eskwelahan.

Wala na sana akong pakialam dito eh, kung hindi lang para kay Mommy hindi ko na sasalihan ito.

Hilig ko ang pagsasayaw, pero Hindi sa mga ganuong bagay. I hate center of attraction.

" Lumin! "

Nahinto ako sa pagsasayaw nang marinig ko ang pangalang iyon. Nakuyom ko kamao ko. That name give me shiver in my spine. Nakakapanggigil, Sarap niyang sakalin.

Inalis ko ang tuon ko sakanila, pero hindi nakikisali ang katawan ko. Hinarap ko siya. Nabigla pa ako ng makita kong nakatingin pala ito sakin. Pinagsalubungan ko siya ng kilay.

Anong tinitingin-tingin ng taong 'to?

Hindi pa ako nakuntento, tsaka ko pa siya pinameywangan.

This guy. Hinding-hindi ko makakalimutan ang ginawa niya sa pisngi ko. Hinaplos ko ang kanang kamay ko sa kanang pisngi ko.

TSS. Kailangan ko pa tuloy gumamit ng concealer para lang maitago ang peklat na nakuha ko sa kanya.

" Uuuuyyy!! " nilingon ko ng pagkasama-sama si Milen- leader namin.

" What? "

" May something kayo ng gwapong 'yan no? "

" Gwapo? Sino namang gwapo? "

" Siya " sinundan ko naman kung sino ang itinuturo niya.

" Ha, " pagak na tawa ko " Si burning face, gwapo? You gotta be kidding me " natatawang ika ko na may halong sarkastiko.

Anong kinagwapo ng hinayupak na iyon? Mukha siyang unggoy!

" Hahahaha. May something nga " mabilis ko siyang binalingan para sana singhalan, pero mabilis naman itong nakalayo sakin.

Napailing nalang ako.

Grabe na talaga ang utak ng mga tao ngayon. May mga lumot na. Tss!

Bumalik na lamang ako sa pagpapractice. Pagkatapos ko roon ay nagtungo na ako sa locker, naligo at nagpalit ng pang uniform.

" Miss, ba't wala kang cleavage? " huminto ako sa paglalakad at pinagmasdan si Maecy na may kausap na isang matabang babae. Kaklase namin. Ano kayang trip ng babaeng 'to?. Kita na ngang flat yung tao, tatanungin pa kung wala na siyang cleavage.

Oo, flat chested siya kahit napaka taba niya.

" Meron kaya " nangunot naman ang ilong ni Maecy. Napailing ako't sumandal sa may balkunahe.

" Meron? Saan? "

" Sa pwet " sagot nung matabang babae.

" HAHAHAHAHA " Tawa ng lahat ng nanunuod, isali mo na ako at si Maecy na nangingibabaw ang boses.

" Tss. Kailan pa naging comedy show ang classroom? " napabaling ako ng tingin sa katabi ko.

Medyo nabigla naman ako nang makilala ko kung sino ito, kinunutan ko siya ng noo.

" Are we that close to--- " natigilan ako. Nahigit ko ang hininga ko at tumigil sa pagtibok ang puso ko ng bigla na lamang niyang haplusin ang kanang pisngi ko.

T.O.P QUEENS ♕ON-GOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon