XXII

11 2 0
                                    

JP's POV

Sino kaya ang nasa likod ng pagbomba ng usok kagabi? Tss. Hindi tuloy natuloy ang laban namen sa D.G nawala tuloy ang pagkakataon ko na makapaghiganti kay Red. Kahit isang suntok at sipa lang sa mukha okay na ako, makapaglabas lang ako ng sama nang loob sa kanya kahit paano.

" Patrice...  "

Ugh! That name again! Kailan ba maiintindihan ng lalaking to na ayokong tinatawag ako sa pangalawang pangalan ko? Ilang beses ko pa bang dapat na sabihin sa kanya?

Atsaka...  Why he even calling me? Di ba galit siya saken for what I did to his fcking friend? Tanggap ko na na hindi na maibabalik yung dati naming pagsasama noon. Kaya bakit niya ako ginugulo ngayon? Huwag niyang sabihin na matapos kong tigilan ang pagmamakaawa sa kanya noon para patawarin ako ay siya naman ang gagawa nito ngayon para mag-ayos kaming dalawa? Ayoko na. Sobra akong nasaktan noon. Kaya kahit hindi na niya ako patawarin okay na saken.

" Patrice, let's talk " sinabayan na ako nito sa paglalakad.

" What for? I already accepted that you can't forgive me for what I did to Red two years ago. Tumigil narin ako na umasa pa na babalik tayo sa dati. Kaya ano pa ba dapat ang pag-usapan nating dalawa? "

" Patrice, I just want to-- " iritado akong huminto sa paglalakad saka ko siya tinignan ng napakasama. I clenched my fist to stop my anger to burst out. Kung diko kasi gagawin to baka bumulagta nalang siya bigla sa sahig.

" Can you please stop calling me that? Wala ka ng karapatan na tawagin ako sa pangalan kong iyon dahil hindi ka na mahalagang tao para saken ngayon.  Kaya pwede ba?  " kita kong nasaktan siya sa sinabi ko pero pinanatili ko paring matatag ang sarili ko kahit na gusto ko na siyang yakapin. Kung noon ayoko siyang nakikitang nasasaktan. Ako pa nga mismo ang umaaway sa mga naging nobya nito na niloloko at pinapaasa lang siya eh. Ako nga hindi ko ginagawa sa kanya yun tapos gagawin lang ng iba sa kanya? Hindi ako papayag don. Pero nagbago ang lahat ng gabing iyon. Ang gabing iyon na pinaka masakit sa lahat ng araw na hirap na dinanas ko sa buong buhay ko simula nang dumating sa buhay ko si Red.

" Inabanduna mo ko, kaya panindigan mo " saka ko na siya tuluyang iniwan doon. Habang papalayo ako ay hindi ko na napigilan ang luhang tumulo nalang bigla sa mga mata ko. Ayoko mang gawin iyon sa kanya dahil alam kong masasaktan siya pero iba na kasi ngayon eh, kung hindi ko kasi gagawin yon ako na naman ang masasaktan sa huli, ako na naman yung kawawa. Hindi bale sana kung ako ang mas importante sa kanya kesa sa kaibigan niya eh,  kaso hindi. Hindi ako importante sa kanya. Hindi yata, kahit kailan.

" Where have you been, JP? " hindi ko pinansin si Mica na nagtanong saken,  nagtuloy-tuloy ako patungo kung saan nakaparada ang bike ko na ginagamit ko dito sa skul.

I need to refresh myself. Baka kung saan na naman mapunta ang nararamdaman kong ito.

" Sa labas lang ako " paalam ko, hindi ko na siya hinintay pa na magsalita. Pinaandar ko na palayo ang bike ko, palabas ng campus.

Habang nagbabike ako palayo ay hindi ko na naman maiwasan na maluha na naman habang inaalala ko ang mga nakaraan kung saan naging kawawa ako lalo na yung naging pag-uusap namin kanina.

Nagpaliwanag naman kasi ako noon sa kanya. Bakit hindi niya kasi ako pinakinggan?  Kung pinakinggan lang sana niya ako noon wala sana kami sa sitwasiyon na ganito ngayon. Hindi rin sana ako naging bato ng ganito. Ngumingiti parin sana ako ngayon. Tumatawa. Pero puta naman kasi! Ang kitid ng utak niya! Ni hindi man lang niya ako binigyan ng pagkakataon na magpaliwanag sa kanya.

Nanlabo ang paningin ko dahil sa luha na walang humpay sa pag-ayos sa mga mata ko kaya hindi ko napansin ang paparating na sasakyan, nabunggo ako at sa lakas ng impak nito ay tumilapon ang katawan ko.

T.O.P QUEENS ♕ON-GOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon