Chapter 1: Meet Her

38.7K 908 206
                                    

Athena's Pov

Kapagod.

Linis dito.

Punas doon.

Spray diyan.

I'm here at Hemming's Restaurant. Since it's Saturday, my shift is from 8:00 am to 4:00 pm. On weekdays, I work from 8:00 am to 8:00 pm. That's why my workload is doubled on weekdays because my hours here are so long.

I work every day and only have Sundays off. That's how it is when you start working early. 

Sobrang hirap. 

"Ang lalim ata ng iniisp mo Kaira?" Biglang may nagsalita sa likod ko. 

Si Jade lang pala , isa sa mga katrabaho ko. Siya yung isa sa mga tagaserve ng pagkain dito. 

"Marami lang talaga akong naiisip lagi" I said while wiping down the tables where customers had eaten.

At halata naman siguro kung ano yung trabaho ko dito di'ba? Tagalinis ng mga pinagkainan. Minsan tagahugas ng mga plato at kadalasan ay ako yung laging nahuhuli rito para i-mop at kuskusin ang mga sahig.

"Problema na naman ba? Di ka talaga nauubusan ng problema. Siguro nung umulan ng puro problema sa mundo nasa labas  ka? Ako kasi sumilip lang ako sa pinto namin hehe." I laughed softly at what he said.

Talaga ‘tong lalaking 'to. Tuwing nalulungkot ako at nababalot ng problema lagi siyang nagpapatawa. Pero kahit makulit siya, salamat pa din sa kanya. Kasi di ko kakayanin kung ako lang mag isa at walang makausap.

"Oh di'ba, napatawa kita." sabi pa niya habang kinukuha ang mga tray na may mga order.

"Oona, sige  magserve kana sa mga customer. Tignan mo dumadami na baka mapagalitan tayo ni'yan."

"O'siya , mamaya nalang" 

At tuluyan na siyang umalis harap ko. Nagumpisa na ulit akong magbukod ng mga pis-pes ng pinagkainan sa isang  malaking mesa.

Masasabi mo talaga na dugo at pawis ang iaalay mo kapalit ng mataas na sweldo. Saan napupunta ang lahat ng sweldo ko? Edi doon sa magaling kong Auntie. Siguro ⅛ nalang ng sahod ko ang natitira para sa sarili 'ko. Kaya siguro hirap din ako mag ipon dahil sa pagkuha ni Auntie ng sahod ko.

Dito naman sa pinagtatrabahuhan ko na tinatawag  Hemming's Restaurant, masaya rito kahit na mahirap, ok lang naman sakin.

Sikat itong Hemming's Restaurant dito sa Nueva Ecija. Maraming dumadayo lagi ritong mga foreigner at siguro mga kaibigan 'yon ng boss namin. Maraming pumupunta dito galing pang manila para lang matikman ang masasarap na putahe namin. Mayaman kasi si Boss at ewan ko ba bakit dito pa sa probinsya niya itinayo ang Restaurant na'to pero sabi naman ng mga katrabaho ko marami daw branch ang Hemming's Restaurant.

Kung marami ngang branch ang Restaurant na'to ba't andaming dumadayong mga taong galing pang manila di'ba?

Habang naglilinis hindi ko maiwasang isipin kung ano na naman ang dadatnan ko mamaya sa bahay. Pinagmasdan ko ang buong Restaurant at ang daming customer ngayon. 

Isa lang ibig sabihin non, doble trabaho ang gagawin ko ngayon.

Napag isip-isip ko na napakaswerte ko nga dahil natanggap akong magtrabaho dito even though I’m not yet of legal Kung hindi, lagi ako bubungangaan ni Auntie sa bahay kung sakaling nakatambay lang ako at walang ginagawa araw-araw.

Pagkatapos ng sobrang dami at haba ng oras ng trabaho. Nagpaalam na ko sa kapalitan ko sa trabaho ko para umuwi.


Pagkauwi ko bumungad sakin yung Auntie kong feeling maganda na nakahiga sa sofa habang nanonood ng palabas sa flat screen t.v daw niyang mamahalin at original.

MAGIAN ACADEMY : The Legendary Princess | UNDER REVISION Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon