Athena's Pov
Pagkatapos ng araw na yon,normal na ang lahat at busy sila sa pagtre-training
Naghahanda na sila sa pagsalakay ng tito ko
Dahil kahit anong araw o oras man ay pwede na itong sumalakay
Ako? nandito sa Forbidden Cursed Forest nageensayo.
Sobrang ganda na ngayon ng Forbidden Cursed Forest ay este Legendary Forest.
Legendary Forest na ang tawag dito dahil sa akin daw ito at isa naman akong Legendary kaya tinawag itong Legendary Forest
Hindi pa ito bukas.Bukas palang ito bubuksan upang libutin ng lahat ng estudyante.Dahil gusto nilang makita ang loob.Syempre pinayagan ko mabait ako eh lalo na kay Headmistress -.-
Kami lang ang pwedeng pumasok dahil mag eensayo kami at kailangan namin ng malaking space para sa pag eensayo
Kasama ko si Icy,Ethan at si Bessy
Kasama rin ang sub-elementalist
At malayo ako sa kanila
Hmp!Nasa bandang puno-puno na ako
Kung hindi lang sinabi ni Bessy na para rin sa amin to at kailangan magsama-sama ng mga malalakas ang kapangyarihan
Ayan napapayag rin ako -.-
Habang nag-eensayo ako nakaramdam ako ng malaking presensiya malapit sa akin at doon galing sa may mga punong matataas.....
Kaso di ko na lang pinansin.Guni-guni ko lang iyon
Lumakad ako papalapit sa kanila
"Bukas na natin ito ipagpatuloy,gumagabi na at delikado na ngayon walang barrier itong gubat"
Sabi ko at lumakad na kaming apat nila BessyIniwan namin sila Ralph kasama ang mga plastik
Napatingin naman sa akin si Ralph at si Kristine?
Nagpapaawa na mata?hindi ako nakukuha sa ganyan noh -.-
Kristine's Pov
Kita ko sa mga mata ni Athena ang galit at poot niya sa amin
Kung pwede ko lang ibalik ang panahong iyon at itatama ko lahat iyon
Si Xander ...
Ang Time Controller......
Kaya niya akong tulungan!
Dali-dali akong umalis sa Legendary Forest at iniwan sila Stacey
Kailangan kong mahanap si Xander
At ayun nakita ko siya sa Training Room
"Xander!"
Unknown Pov
Nagpaiwan ako dito sa Legendary Forest sinabi ko sa kanila na mauna na sila
At pupunta pa ako sa Dark Kingdom
Nagteleport ako at pagkadilat ko ng aking mata nasa tapat na ako ng napakalaki at napakadilim na kaharian
Pinapasok ako ng mga mahihigpit na kawal na naka itim
At ako'y dire-diretso lang sa paglalakad
Pagkabukas ko ng pintong kulay pula at itim
Nakita ko siya
Ang Mahal na Hari
"Oh ano na ang balita mo?Naipasok mo na ba ang Higanteng halimaw sa lugar kung saan ko ipinapapasok sayo?"sabi nito at tumayo
BINABASA MO ANG
MAGIAN ACADEMY : The Legendary Princess | UNDER REVISION
FantasySabi nila lahat tayo may pag asa sa buhay. May mga maswerte na natupad at nakuha nila ang mga bagay na gusto nila. Mayroon naman na hindi pinalad na makuha ang mga gusto ......katulad ko. Habang patagal ako ng patagal sa mundo. Para sa akin wala na...