Athena's Pov
"Bessy gising na"Nagising ako kay Bessy
"3:30 pm na Bessy"
Bumangon ako at naligo.
Wala lang trip ko lang maligo hahah para mabangoPagkatapos ko bumaba na ako
Nakita ko sila Bessy nasa tapat ng pintuan at alam kong ako nalang hinihintay
"Oh tara na,sorry pinag-intay ko kayo hehe" sabi ko
"Ok lang beb!" Sabi ni Icy na nakangitiPagkarating namin sa tapat ng gate ng Legendary Forest may mga nag-aantay na estudyante
Takot sila maparusahan kaya't maaga sila haha
Sa totoo hindi naman sila mapaparusahan eh,biro ko lang yon masyado silang seryosoNakatayo lang kami doon sa tapat ng gate
Marami na ang estudyanteng nandito
Nasa kaliwa ko sila Headmistress at ang sub-elementalist sa kaliwa naman nila ay mga pinadala kong alagad galing sa kaharian namin at nasa kanan ko naman sila Bessy ganun din sa kanan nila may mga alagad
Taray noh?alagad hahah
"Siguro naman kumpleto na tayo lahat?buksan na ang gate "
Pagkasabi ko nun kinontrol ko sila Bessy kasama ang Headmistress at Sub-Elementalist
Lumipad kami.
Para makapasok ang lahat ng estudyanteMas lalong gumanda ang Legendary Forest ngayon dahil pinaganda ko ito kahapon
"Maligayang Pagdating sa Legendary Forest" sabi ko at naglibot kami habang nasa ere
Humiwalay kami sa Headmistress at Sub-Elementalist
Maraming naglibot at naghiwa-hiwalay upang tignan ang magagandang bulaklak at tanawin rito
Natatanaw ko sa malayo ang isang kaharian
Sa tingin ko iyon na ang Wizard Kingdom
Bigla akong nakaramdam ng kaba ng may maramdaman akong malaking presensiya
Eto yung naramdaman ko nung nagensayo kami rito
Hindi ko na namalayan na lahat ng estudyante ay nagtatakbuhan na papunta sa gate
Pagkatingin ko sa dulo
May isang malaking halimaw?!
Paano nakapasok ito rito?!Nilagyan ko na ito ng invisible barrier ito ah?
Lumipad ako patungo sa kung nasaan naroroon ang higanteng halimaw
Gumawa ako ng sibat gawa sa apoy at humanap ako ng tiyempo na isaksak sa higanteng halimaw
Nung hindi siya gumalaw sa likod niya ako pumunta at sinaksak ko siya
Nakita kong tumutulong na rin ang iba pati sila Bessy
Hindi pa rin sapat ang pagsaksak ko dito kaya lumayo muna ako
'Ikaw ang nagtataglay ng 'Cursed Magic' Athena
Kaya mong pumatay sa loob ng isang segundo at lahat ng power sa mundo ng mahika ay kaya mong gayahin'Natandaan ko na naman si Olivia
Kaya kong pumatay sa loob ng isang segundo?
At lahat ng power ay nasa akin?So ibig sabihin kaya kong pumatay mag isa ng gantong kalaking halimaw?
May biglang dumating na kawal san galing to?pinapatay nila ang halimaw mga naka kulay berde ang mga alagad?
BINABASA MO ANG
MAGIAN ACADEMY : The Legendary Princess | UNDER REVISION
FantasySabi nila lahat tayo may pag asa sa buhay. May mga maswerte na natupad at nakuha nila ang mga bagay na gusto nila. Mayroon naman na hindi pinalad na makuha ang mga gusto ......katulad ko. Habang patagal ako ng patagal sa mundo. Para sa akin wala na...