CPMGP_Chapter 10

42.7K 1.5K 105
                                    

"STOP!" Hinawakan ko siya sa dalawa niyang balikat dahilan para mapatigil siya sa paghalik niya sa akin sabay talikod ko. Naiiyak din kasi ako nang makita ko 'yong mga luha niya kanina.



"Nakakainis ka naman, e." Turan ko habang nakatalikod pa rin ako sa kanya at nagpupunas nang nanggigilid kong mga luha.



Saka kaya rin ako naiiyak kasi nakita kong suot pa rin niya 'yong necklace na sinuot ko sa kanya noon no'ng nasa hospital siya bago ako umalis ng Pilipinas.



Nang bigla niya akong yakapin ngayon kahit nakatalikod pa rin ako sa kanya kaya nagulat ako. Hindi ko alam kung kikiligin ba ako o iiyak dahil aaminin ko sa sarili kong na-miss ko talaga siya.



"Umiiyak ka ba?" Pumunta siya sa harapan ko at tinignan niya ang mga mata ko kaya tumalikod ulit ako sa kanya.



"Hindi 'no! Bakit naman ako iiyak." Pero sa totoo lang tuloy tuloy 'yong pagpatak ng luha ko. Masaya kasi ako ngayon. Dalawang taon din kasi kaming hindi nagkita.



Pero nagpunta ulit siya sa harapan ko. "Kasi nakita mo na ako." Sabi niya sabay ngiti.



"Nakakainis ka naman!" Anas ko. Pero imbes na hampasin ko siya napayakap ako sa kanya. "Sabi na nga ba na-miss mo rin ako." Ramdam kong napangiti siya sa ginawa ko kahit hindi ko siya nakikita. Niyakap niya rin ako pabalik tapos bigla niyang ginulo ang buhok ko.



"Bakit mo ginulo ang buhok ko?" Bahagya ko siyang hinampas pero ngumiti lang siya.



Nang bigla siyang tumingin sa kalangitan. "Chimnie," Bigkas niya kaya natawa ako. Namiss ko ang tawagin niya ako sa maling pagbigkas ng pangalan ko. "Simula ngayon hindi ko na mapapayagang magkahiwalay pa tayo."



Nawala 'yong mga ngiti sa labi ko nang marinig ko 'yon mula sa kanya. Paano mangyayari 'yon kung dito ako nakatira sa Korea at doon naman siya Pilipinas.



"I want you as my wife.." Pagkasabi nya nito biglang nanlaki yung mga mata ko.



"D-Dazu, 'wag ka namang magbiro ng ganyan." Ayon nalang ang nasabi ko dahil nagulat ako.



"Hindi ako nagbibiro."



Napanganga naman ako nang sagutin niya ako ng gano'n at seryoso ang mukha niya. Pinagpapawisan tuloy ako. Nakakagulat naman kasi talaga dahil kaka-kita lang namin tapos gano'n 'yong maririnig ko mula sa kanya. Naiilang tuloy ako.



"Do you want me to be your husband?" Tanong niya ulit. Tapos hindi na naman ako makasagot. Nashocked kasi talaga ako.



"Ahm..." Napaiwas ako ng tingin sa kanya. Nang biglang tumunog 'yong tiyan ko kaya palihim akong napapikit ng mariin. Wrong timing naman 'yong mga bulate ko kung kailan namang kinikilig pa ako ngayon. "Amh, D-Dazu, hindi naman sa ano... pero kasi ano.." Hindi ko maituloy-tuloy 'yong sasabihin ko.



"Kasi ano?" Naghihintay siya ng sagot ko.



"Teka, gusto ko lang sabihin na hindi mo ba talaga ako binibiro?" Agad siyang umiling tapos nagseryoso 'yong mukha niya. "P-Paanong kasal ba 'yong gusto mo?" Habang sinasabi ko 'yon napapaiwas ako ng tingin sa kanya. Curious lang din naman kasi ako.



"Secret Marriage."



"Ano?" Gulat ko.



"Gusto kong dalhin mo ako sa mga magulang mo ngayon na." Napatitig lang ako sa kanya. Totoo ba talaga 'to?



"D-Dazu, okay ka lang?" Tanong ko pa ulit kasi nakakashocked talaga.



"Magiging okay ako kung sasagutin mo ako ng oo."



Bigla akong tumalikod sa kanya sabay pikit ng mata at kagat ng labi. Papatumpik pa ba ako? "Oo." Mahina kong sambit kaya muli niya akong hinarap. Bigla tuloy akong kinabahan.



"Then, from now on, you're only mine." Bigla akong pinagpawisan. Napasubok yata ako?




(Book 2)Written by MsjovjovdPanda2016 All Rights Reserved2nd Generation of KANG SERIES

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(Book 2)
Written by MsjovjovdPanda
2016 All Rights Reserved
2nd Generation of KANG SERIES

Votes | Comments | are highly appreciated

Thank you so much, JOVinians

—Miss Jov 💕

Campus Prince meets Gangster Princess (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon