CPMGP_Chapter 5

40.7K 1.4K 56
                                    

SHAIRA'S POV

Hinila ko na muna si Chloe sa isang sulok para kausapin siya. "Beshie, 'yong masungit mong pinsan, ayon 'yong sinasabi ko sa 'yong lalaki na nakatagpo ko kahapon." Paiyak kong bunyag sa kanya habang tinuturo ng palihim si Dazu.



"Talaga?" Gulat niya at halos magbulungan kami rito sa sulok.



"Oo. Eh, paano na 'yan, hindi ko naman alam na pinsan mo siya."



"Hay, wala na tayong magagawa dahil nandito na tayo. At least, natagpuan mo na siya. Tignan mo pinsan ko pa pala. 'Wag ka nang mag-emote riyan, halika na." Hinila niya ako kaya nagpatangay na ako sa kanya. Pagtingin ko naman kay Dazu nanlilisik ang mga mata niya sa akin.



"Amh, mga Insan, siya si Shaira, BFF ko. Half Korean at half Pilipino rin siya katulad natin kaya please, maging mabait kayo sa kanya?" Pakiusap ni Chloe sa mga pinsan niya. Nagpeace sign naman ako habang nangingiti ng bahagya.



"Sure." Sabi no'ng Kazu.



"Yeah." Sabi naman no'ng Russel kaya si Dazu naman ang tinignan namin ngayon.



"NO.WAY." Mariin niyang sagot habang patuloy na nakatingin sa akin ng masama.



Mukhang hindi niya makalimutan 'yong nangyari sa amin kahapon. "Okay, okay Insan Dazu, just relax okay? Sinabi na sa akin ni Shaira 'yong nangyari sa inyo kagabi that's why galit kayo sa isa't isa." Paliwanag ni Chloe.



"Wait lang pasingit ako." Sabi ni Kazu. "Don't tell me Kuya, kaya bad mood ka kagabi dahil kay Shaira?"



"OO." Mabilis niyang sagot at mariin 'yong oo as in parang galit talaga siya. Leche! Siya kaya nanguna. Maniac kasi. Nangyayakap bigla. Pero nagulat kami nang bigla siyang tumayo at paalis na.



"Wait! Insan, saan ka pupunta?" Tanong ni Chloe sa kanya habang habol-habol namin siya ng tingin.



"Sa Mall, may babalikan ako. And Please kung magtatangka kayong sumama sa akin, 'wag n'yong isasama 'yang babae na 'yan coz I.hate.her."



Grabe, ang sakit no'n ah? Ang diin pa ulit ng pagkakasabi niya at inirapan pa niya ako. Hinayaan nalang siya ng mga Pinsan niya at umalis na siyang tuluyan. "Bakit ba gano'n 'yon?" Natanong ko nalang bigla.



"Hayaan mo 'yon si Kuya. Moody talaga 'yon." Sabi ni Kazu sa akin kaya tumango-tango naman ako habang napapaisip pa rin. May girlfriend na kaya 'yon? Para kasing sobrang galit sa mundo e.



"Ano, mga Insan? Mall nalang tayo? Sundan natin si Dazu?" Sabi ni Chloe na tila may pinaplanong kakaiba.








DAZU'S POV

Naiinis talaga ako ngayon. 'Di ko expected na kaibigan ni Chloe 'yon tapos best friend pa niya. Nakakasira talaga siya ng araw. Malapit na ako sa Mall kaya bumaba na ako ng bus.











SHIMI'S POV

Kasama ko ngayon si SoongWo para bumili ng mga gagamitin para sa klase namin mamaya. Papasok na kami sa Mall habang naglalakad papuntang store. May twenty minutes pa naman kami before magsimula ang klase.



"Shimi, bakit 'di ka na lang mauna?" Tanong niya sa akin.



"Ayos lang. 'Di ba nga, sabi ko sasamahan kita? Isa pa, may bibilhin na rin ako kaya 'wag kang mag-alala."



"Hm, okay." Nakangiti niyang sabi kaya ngumiti na rin ako.




(Book 2)Written by MsjovjovdPanda2016 All Rights Reserved2nd Generation of KANG SERIES

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(Book 2)
Written by MsjovjovdPanda
2016 All Rights Reserved
2nd Generation of KANG SERIES

Votes | Comments | are highly appreciated

Thank you so much, JOVinians

—Miss Jov 💕

Campus Prince meets Gangster Princess (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon