Enos;

58 2 1
                                        


" Natalo tayo.. tapos na ang laro. talo tayo " nasabi nalang niya sa sarili kasabay nito ang pagiyak at hagulgol na bumalot sa kanyang buong kwarto...

- flashback -

* 1 year before the incident *

Franiella's POV

"Lady, by yonder blessed moon I swear
That tips with silver all these fruit-tree tops-"

" O, swear not by the moon, the inconstant moon,
That monthly changes in her circled orb,
Lest that thy love prove likewise variable "

" CUUUTTT!!!~~~"

" Bravo Ms. Garcia Bravoo!!! you memorized the script and delivered it very well!! Also you Mr. Evangelista You did a great job!! " sabi ng director saamin at binigyan kami ng ngiting hudyat na magaling ang aming ginawa

" Everyone of you did a great Job!! Andrew! Steven, John, Erik bravo!! you make me proud today sana ganyan kayo araw araw.. magiging maganda ang play natin kapag ganyan.. So i guess i'll see you tomorrow, walang aabsent! Ok? Sige you may now go! Mag iingat kayo and make sure to memorize all your lines before you sleep! "

Paalam ni direk. pagkatapos non ay isa isa na silang nagligpit ng kani kanilang mga gamit para makauwi. ako naman umupo muna sa hagdan sa tabi ng stage. hay nakakapagod mag practice.. kanina pa kasi kaming 9:30 am dito at 10:00 na ng gabi kami natapos.. Gusto kasi ni direk perfect ang lahat ng scenes kaya kahit may isa o onting pagkakamali ay pinapaulit niya hindi ko naman siya masisi dahil never pa siyang pumalya sa pag didirek sa kahit na anong bagay. tapos sa section pa namin a.k.a " WORST SECTION" ang Romeo and Juliet ni William Shakespear oh diba bongga sinong hindi maloloka dun! kaya hindi ko masisi si direk kung bakit ganoon siya ka stricto. napabuntong hininga nalang ako.. Maya maya pa ay may isang pamilyar na boses ang tumatawag sa akin

" Niella! Niella!!!! Uy! ang galing mo doon kanina ayiee napuri ni direk! " sabi ni Rica at umupo din sa tabi ko.

Matagal ko ng kaibigan si Rica, elementary palang kami classmate ko na siya. parang kapatid na rin ang turing ko sakanya at ganon din naman siya saakin, sa lahat ng kalokohan, trip ay kasama ko siya.  pati nga  family namin na hindi magkasundo ay naging close dahil saamin. halos araw araw na kasi siyang nasa bahay. Dahil madalas umalis ang family niya, negosyante kasi ang mommy and daddy ni Rica. Sila ang may ari ng Isa sa pinaka Malaking Facial Company sa ibang bansa. Filipina ang nanay niya at dermatologist sa sarili nitong clinic and Korean naman ang tatayy nito at Oo bukod sa mayaman e magandang Maganda si Rica yung Gandang hindi nakakasawa. Matangkad na mapayat at kulot ang buhok, matangos ilong mahaba ang mga pilik mata at may pagkasingkit ang mga mata. matalino din ito at top 5 sa section namin, kahit ganoon ay hindi pa ito nagkakaboyfriend nbsb siyaa!! kahit na mag bestfriend kami ay magkaibang magkaiba ang ugali namin sa isa't isa.

" Takot kasi ako kay direk eh hahahaha!! oo nga pala bat hindi kapa umuuwi? " tanong ko rito.

" eh!!! Ano ba yan nakalimutan mo! mag sleepover ako sainyo diba? kasi nasa province si mom and dad tapos nasa bahay naman friends and gf ni kuya!!! " namumuryot niyang sabi sabay crossed arms

" ayy oo nga pala nako nawala sa isip ko napagod kasi ako kanina! oh edi halika ka na gusto ko na matulog!! "

Cupid's Bestfriend Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon