AN: At eto na nga sya. Yung istorya na pinaghirapan ko ng isang buong araw. Ayan. Para sa mga lihim na umiibig sa mga best friends nila na parang si @unique_018, para sa inyo 'to.Enjoy!
================================
Dear Bestfriend,
Hello.
O nagulat ka ba? Ako din eh. Hindi ko naman kasi akalain na magpapakakorni ako at susulat sa'yo diba? Alam naman kasi natin na hindi ako ganito. Pero wala eh. Kailangan ko kasing ilabas kung ano yung nararamdaman ko.
Para kanino? Yun ba yung tanong mo? Madali sanang sagutin kung ibang tao yung tinutukoy ko. Pero ang hirap eh. Alam mo kung bakit? Kasi yung taong nasasabihan ko dapat ng kilig or kung ano yung nararamdaman ko para sa taong yon, at yung taong kinakikiligan ko ay iisa lang. Ang gulo ba? Sorry ha, hindi ko kasi talaga alam kung papa'no sasabihin sa'yo eh.
Pero sige, para maintindihan mo, eto na lang. IKAW yung taong tinutukoy ko. Ikaw yung taong mahal ko. Nagulat ka ulit? Well ako, hindi naman. Unang kita ko pa lang kasi sa'yo, alam ko na ikaw yung mamahalin ko.
Minsan, ang hirap talagang intindihin ng puso ng tao. Ang gulo, ang tigas ng ulo. ( as if meron eh no?) Alam mo yon, sa dinami-dami kasi ng pwedeng mahalin, bakit dun pa sa taong hindi pwede? Bakit dun sa sa alam nyang magiging komplikado pag nagkataon? Yung alam nyang maduduwag ako na ipagtapat kung ano man yung nararamdaman ko?
Hay nako. Ang hirap. Sobrang hirap. Minsan kasi, nasasaktan ka pero hindi ka pwedeng magreklamo. Bakit? Kasi, kaibigan mo lang ako, best friend lang. Hindi ako pwedeng magselos kapag nakikita kong madaming nagpapapansin sa'yo. Wala akong karapatang sabihin sa'yo na wag mo silang ngitian, na dapat yung mga ngiti mo, sa akin lang. Pero kailangan kong manahimik. Masaktan nang hindi mo nalalaman. Bakit? Eh kasi, wala namang tayo diba?
Pero teka nga, papa'no ba nagsimula yung lahat? Bakit nga ba ikaw yung minahal ko? Bakit sa dinami-daming tao sa mundo, bakit ako nahulog sa best friend ko? Bakit sa'yo pa na alam kong hindi naman kayang suklian yung pagmamahal ko? Hay puso, minsan naman, try mong makinig sa akin, okay?
Pero sige na nga, ikukwento ko sa'yo kung papa'no nagsimula 'tong lintek na problemang 'to. Alam kong nakakunot yung noo mo ngayon at inaalala kung papa'no nagsimula ang lahat-lahat.
Teka, ganito kasi yon...
It was a bright and sunny day. Busy ako sa pagbabasa sa paborito kong bench sa school namin. Wala pang klase kasi unang araw pa lang ng pasukan. At dahil hindi naman ako sanay makihalubilo sa mga tao, eto, nag-iisa ako at nagbabasa na lang. Mas okay na din, at least dito, peaceful at walang mang-iistorbo sa akin.
Yun ang akala ko. Napailing ako nang biglang lumapit sa akin yung pinsan ko.
"Hoy ugly girl! Kakain ba tayo sa labas mamayang lunch, or dyan na lang tayo sa canteen?" sabay agaw nya dun sa librong binabasa ko. Agad ko naman syang binigyan ng dirty finger. Maka-ugly ha. Hello, ang ganda-ganda ko kaya para sabihan nya non.
"Why do you have to be such a biatch, Cara? And for your information, maganda ako no! Kaya hindi bagay sa'kin yung tawag mo." reklamo ko sa kanya sabay agaw ulit nung libro ko.
"Ayan ka na naman sa maganda mo na tanging ikaw lang naman yung naniniwala. Bakit ba kasi hindi ka gumising sa katotohanan na hindi ka naman kagandahan no?" sasagot sana ako pero sumenyas sya na wag muna. "Pero wag na lang nating pagtalunan yan dahil ayokong umabot na naman tayo ng isang buong araw sa pagdedebate tungkol dyan sa kagandahan mo na parang hangin. Nararamdaman mo, pero hindi naman namin nakikita." natatawang sabi pa nya.
BINABASA MO ANG
Hello, Dear Bestfriend
Short StorySa mga nahulog, or nahuhulog pa lang sa mga best friends nila, oy, basahin nyo 'to. Malay nyo may pag-asa diba. Ano nga ba ang depinisyon ng best friend. Hmmm. Sya yung taong laging nandyan para sa'yo. Yung taong handang dumamay kapag may problema...