Dear Bestfriend,Hello.
Eto na naman ako. Hala, pangalawa na 'to ah! So ayun nga, nabasa mo kung papa'no nagsimula yung nararamdaman ko para sa'yo. Pero ang totoo nyan, hindi ko naman kasi dapat talaga iisipin ulit yon eh. Kasi nga diba? Ang odd masyado. Sa dinami-dami ng tao na pwede kong maramdaman yon, sa isang babae pa, at sa isang tulad mo pa na mukhang playgirl.
Hindi naman ako papayag na yung kauna-unahang beses na pagtibok ng sutil kong puso eh dun pa sa taong hindi ko pwedeng mahalin.
Ni hindi ko nga aalalahanin yung itsura mo eh. Kung hindi ka ulit nagpakita sa akin. At ang nakakatawa pa, nakita ulit kita sa lugar at panahon na hindi ko inaasahan. Hay nako, si kupido talaga, wala na naman yata talagang magawa. Parang may plano talaga syang saktan ako. Tsk.
Pero sige, kwento ko ulit, or naalala mo yung araw na nagkita ulit tayo?
Ganito yon...
Isang linggo. Isang linggo yung lumipas mula nung mangyari yung insidenteng yon. Sa loob ng pitong araw na yon, pinilit kong hindi maalala yung nangyari sa Enchanted F*cking Kingdom. Lintek na yon, nandun nga yung magic. Shet lang talaga!
Mabuti na lang talaga at magsisimula na talaga yung klase dahil one week lang yung ibinigay ng school na palugit sa mga gusto pang mag-enroll. At least, kapag busy na ako sa pag-aaral, mawawala na ng tuluyan sa isip ko yung encounter natin na yon.
Nagmamadali akong pumasok sa classroom nung araw na yon dahil ayokong maagawan ako dun sa paborito kong pwesto. Gusto ko kasi yung sa pinakadulo, sa tabi ng bintana. Kapag kasi walang sense yung sinasabi ng prof or yung pagrereport ng mga classmates ko, mas gusto kong tingnan na lang yung magagandang bulaklak sa garden ng school.
Napangiti ako nang makita na wala pang nakaupo doon. Malamang, ako nga yung unang-unang dumating diba?
At tulad ng nakagawian, nakahalumbaba lang ako na nakatingin sa labas habang hinihintay na pumasok yung prof. Ni hindi ko nga pansin yung pagdating mga mga kaklase ko dahil sila't-sila din naman yung nandito. Paapat na taon na naming magkakasama 'to no. At kilala na naman nila yung ugali ko na ayokong iniistorbo kapag sinusubukan kong iguhit yung mga bulaklak habang nakahalumbaba pa rin. O diba, talent yon?
Iba kasi ako eh. Matalino, talented, at maganda. Pero kung nandito si C, ipagpipilitan na naman nya na pawang imahinasyon lamang iyon. Masyado kasi syang inggitera. Inggit na inggit sa taglay kong kagandahan.
At tulad ng dati, parang palengke na naman yung classroom namin dahil sa kadaldalan ng mga kaklase ko. Hay nako, parang ang tagal nilang hindi nagkita-kita ah.
Naiiling na tumingin na lang ako sa relo ko. Ayos, limang minuto na lang at magsisimula na yung klase, mananahimik na rin 'tong mga 'to at matatahimik na ulit yung buhay ko dito. Mabuti na lang talaga at walang umuupo dito sa tabi ko kaya hindi ako required na makipag-usap sa kahit kanino.
So ayun na nga. Pagpatak na pagpatak ng alas otso, nakaramdaman ko na pumasok na yung unang prof namin dahil nanahimik na yung mga palengkero at palengkera kong kaklase. Pero hindi pa rin ako tumitingin sa kanya dahil busy pa rin ako sa pagguhit sa magandang tanawin na nasa labas.
"Good Morning, Class." narinig kong bati nya sa amin.
At gaya ng nakaugalian, sasagot naman kami ng, "Good Morning, Mrs. Ilao."
"Before we start, I would like to introduce your new classmate, Ms. April Mae Guzman." at kahit narinig ko yon, nagpatuloy pa rin ako sa pagguhit. Pero wow ha, kung kelan 4th year na kami, saka pa sya lilipat ng school.
BINABASA MO ANG
Hello, Dear Bestfriend
Short StorySa mga nahulog, or nahuhulog pa lang sa mga best friends nila, oy, basahin nyo 'to. Malay nyo may pag-asa diba. Ano nga ba ang depinisyon ng best friend. Hmmm. Sya yung taong laging nandyan para sa'yo. Yung taong handang dumamay kapag may problema...