Tapusin sa Kung Saan Nagsimula ang Lahat

2.9K 186 53
                                    

KYLIE'S POV:

"Alam mo, kesa magmukmok ka dyan, at magmukhang pangit habang buhay, bakit hindi mo na lang sundin yang puso mo at ibaba yung pride mo no?" napatingin naman ako bigla kay Cara matapos nyang sabihin ang mga katagang iyon.

"Anong pinagsasasabi mo dyan? Nakainom ka na naman ba? O nakahithit ng damo?" tanong ko sa kanya, at ibinalik ulit yung atensyon sa kinakain ko.

"Cousin, my dear cousin. Kung meron mang pinakanakakakilala sa'yo, ako yon. At alam ko noon pa na may lihim kang pagtingin sa quote unquote, best friend mo. Hello, nung unang araw pa lang sa EK, nakita ko na kung papa'no ka nagreact sa harap nya no!" bigla ko namang nabitawan yung tinidor na hawak ko dahil sa sinabi nya. Ano daw? Noon pa lang, alam na nya?

Pero syempre, ayoko pa ring umamin. Malay ko ba kung hinuhuli lang nya ako diba?

"C, k-kumain ka na lang kaya. Gutom lang yan." sabay iling at tawa ng payak.

"Kylie, hindi mo naman kailangang itago sa akin. Kung meron man kasing makakaintindi sa'yo, ako yon. Pamilya tayo eh diba?" nakangiting sabi pa nya.

At doon na nga tumulo yung luhang ilang araw ko na rin kinikimkim. Oo, ilang araw. Ilang araw na rin kasi mula nung inihatid ko si April sa bahay nila. At mula noon, lagi na lang akong nag-o-overtime sa trabaho. Sobrang aga aalis at sobrang gabi na rin uuwi.

Kailangan ko kasing gawin yon para iwasan si April. Hindi lang iwasan, para makalimutan na rin ng tuluyan. Diba nga kasi, sumuko na ako.

"Alam mo, pinsan kita, at mahal kita, pero hindi kita kukunsintihin dyan sa ginagawa mong pananakit sa sarili mo. Kung sa tingin mo, icocomfort kita at sasabihing tama yung ginagawa mo, nagkakamali ka don." at kilala ko yung boses nyang yon, seryoso sya sa sinasabi nya.

"Hindi mo kasi ako naiintindihan, Cara. Kailangan kong itago 'to dahil kahit kailan, hinding-hindi maaaring maging kami ni April. Maraming dahilan. Unang-una, pareho kaming babae. Dun pa lang, talo na ako. Pangalawa, may mahal na sya, at hindi ako yon. At pangatlo, best friend lang yung tingin nya sa akin. At hanggang doon na lang yon. Diba? Wala talagang panalo?" malungkot na sabi ko sa kanya.

"Alam mo, tanga din talaga eh no? Papa'no ka mananalo kung una pa lang, sumuko ka na? Kung una pa lang, hindi mo na inilaban kung ano man yung dapat na magkakaroon kayo?" masungit na sabi pa nya.

"Papa'no ko ilalaban kung hindi ko naman naramdaman na may pag-asang manalo?" kontra ko ulit sa kanya.

"Ah ganun pala yon, kailangan talaga, sigurado? Hindi mo kayang sumugal, ganun ba? Kung ganon ka nga, eh baka nga mas okay na hindi mo na lang sinabi kay April. Baka mas lalo pa syang nasaktan dahil sa hindi mo naman pala sya kayang ipaglaban diba? Ang gusto mo, madalian lang lahat. Wow ha, ano ka, sinuswerte?!" mas lalong tumaas yung boses nya. Nakakatakot sya, pero kailangan ko syang pakinggan dahil tama naman lahat ng sinasabi nya.

"C-"

"Wag akong sini-C-C dyan ha. Nasstress pa rin ako sa'yo. At nasaktan din ako na hindi mo sinabi sa akin ha. Hindi ba ako katiwa-tiwala? At tingin mo ba, hindi kita matatanggap?" tanong pa nya.

Umiling naman ako.

"Yung sarili ko. Yung sarili ko mismo yung ayaw tumanggap. Hindi ko alam, C, hindi ko alam." sabi ko sabay tayo at pasok sa aking silid.

Napakunot yung noo ko nang mapansin na parang nakabukas yung tokador ko. Nagmamadali akong lumapit dito at ganun na lang yung kaba ko nang mapansin na wala na yung mga itinago kong mga liham na para kay April.

Hello, Dear BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon