*Shailie's POV*
Sunod sunod na dumaan sa harap ko yung napakaraming magagarang kotse. Napaurong agad ako dahil ang bibilis ng takbo nila. Parang kanila lang yung highway, kaya nga dito na lang ako sa kakarampot na daan dumadaan, pinagkakasya yung sarili ko wag lang mabundol ng sinumang dumadaan don.
Napatigil ako nung may humintong pink na kotse sa tapat ko. Bumuntong hininga ako.. eto na naman ang bwesit na langaw, makikiepal na naman.
“Oh Shaylie, mag-isa ka na naman?”
Nag-init agad yung ulo ko.. di ba halata? “Malamang dalawa? Katabi ko anino ko di ba?”
“Ahaha.. you’re funny talaga…” tumawa siya na parang evil lang sa pandinig. It was Pinky who owns that stupid car. Actually classmates kami nyan kaya nga ganyan tingin sakin. Alam niyang mahirap lang ako kaya ganyan kung makaasta. “Poor little Shailie, mag-isa na namang naglalakad. You know what? I think you need to buy some stuff like car para di kana alone maglakad. Mukha ka lang jan tanga…” shet talaga ang isang to, sobrang arte! Pakainin ko kaya to ng putakte.
“Oopss, I forgot.. you’re poor nga pala. Haha!”
Hindi ko din naman na pinatulan. Alam ko bagong labas siya sa mental kaya ganon kung makapagsalita.
“Pinky na may pigsa sa pisngi!!!” naisigaw ko na lang din after niyang pinaandar yung kotse niya. Di lang halata na mahilig siya sa pink no? Kotse niya pink, bag niya pink, pati ngipin niya pink, kulang na lang pati buhok gawing pink. Haha, echos lang yung ipin niya pink, pero malapit na ding maging pink.
Nagtuloy tuloy na ako sa paglalakad.. mejo malayo pa yung gate nung school kaya nga binilisan ko na din yung lakad ko, mahirap malate sa school na to.. paglate ka at di ka naman ganon kasikat at kagandahan pinagsasarhan ka na ng gate.
I'm Shailie Hernandez, a 3rd year high school student from this so famous school--the Royal high. Hindi ako mayaman sa school na to, lalong hindi sikat. Kaya panong nakapasok ako sa school na to lalo pat yung mga mayayaman at sikat lang ang tinatanggap nila dito?
I got my scholarship. Nagoffer sila then apply naman ako kahit ayoko. It was my mother's decision, para naman daw may anak silang nag-aaral sa ganong school. That really was an extraordinay thing that they offered such, kaya nga kahit sobrang dami ng estudyante from other school na gustong pumasok dito, luckily I'm the one who got the spot. It was then I thought, that this school was great among any other existing private school's pero tulad din siya ng iba. Complete facilities, and other expensive stuff they have... pero kakaiba pa din pala, wala silang mga manners, walang silang subject na GMRC, Values Education. Kaya walang mga modo ang tao dito... kaya nga pinagsisihan ko ang pagpasok ko dito eh, naging true nightmare.
Well, regret it or accept it, I'll go with both... kasalanan to nila mama!!!WAAAA
7 minutes before time, leche.. kahit anong takbo ko bakit parang malayo pa din yung gate! Mahirap talaga paghindi biniyayaan ng mahahabang biyas oh… tatawid na ako sa kabilang kalye para mas madali kaya lang nung papatawid na ako siya namang pagsulpot ng apat na magagarang kotse.
Agad akong napaatras na siya naman ang muntik ko pang ikatumba. Galit akong napatitig sa pagdaan nila. Kilala ko ang mga yan, at walang taga royal high ang hindi nakakakilala sa kanila. They are those famous “Casanova” as everyone called them. Well, they’re really are… parang royal princes kung ituring ng lahat at—
“Hey miss, you want a ride?” tumingin ako don sa nagsalita. Yung isa sa mga kotse ng Casanova. Teka, kelan pa naging gentleman ang mga yun?