Mga Inipong Sakit

5 0 0
                                    

Simula sa unang sandali bago magtapos itong gabi,ilalabas ko na lahat ng nadaramang pighati,uubusin ko ang bawat salita na pwedeng maging basehan nitong sakit upang sa gayon kahit papano maibsan itong hapdi kaya sa kalagitnaan nitong gabi isisiwalat ko lahat ng lihim na pait sa aking puso magmula noong gabing iwan mo ako,Uulitin ko mula sa umpisa, sa kung paano mo ako napatawa,sa kung paano mo ko napasaya, sa kung paanong sa bawat gabi hinahanap hanap ka sa bawat saglit,
alam kong malabong maulit,alam kong malabo ng bumalik, pero ayaw ko ng mangyari ay yung maiwan ulit,ng paulit ulit,dahil wala na yung lasa ng tamis, na puro pait sa bawat pag iglip ko sa gabi ay ang pagtangis ng luha mula sa mga mata ko,ang pagbigkas ko ng mga salitang ito sa gabing ito,sa huling sandali bago mo bitawan ang kamay ko,haplusin ang mga pisngi ko,pigilin ang pag sigaw ko dahil sa sobrang kirot na nararamdaman,Sa tingin ko kailangan ko ng bahay alak,baso ng serbesa at isang lamesa upang panandalian kang kalimutan,panandaliang limutin ang sakit ng iniwan, ni hindi man lang kita nasigawan,ni hindi mo rin kasi nagawang bigkasin ang pangalan ko at sabihing mahal mo rin ako,dapat pala sa una palang bumitaw na ako,dapat pala nagising nalang ako sa katotohang hindi pwedeng mahalin ang isang laruan,dapat ko na sigurong tanggapin na wala kana na,masyado nakong naguguluhan kung dapat ko ng takbuhan o magpatuloy parin sa paglalakad sa daan,iisipin ko kung paano, kung ano, kung sino ang dapat na magsisi sa dalawang salitang binitawan mo, kung ako ba o ikaw, kung ikaw ba o ako, dahil.kahit baliktarin ko man ang ating sitwasyon alam ko na hindi ako ang mali dito, kundi ang puso at isip na masyadong nagpabola,naniwala at kumagat sa sumpa ng sakit at pagkabigo, na sila ang kahit ilang haplos pa ng mga palad ko ay hindi maghihilom ang sugat ng nakaraan ,na itong mga sugat na ito ay bahid ng kasalanan mong hindi mo nagawang pagtakpan,na kahit anong gamot ay hindi maaalis pagkat walang gamot sa sugat ng puso,walang gamot sa pagkaloko,at walang gamot sa taong niloko at niloloko ng katulad mong gago.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 19, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Unspoken Poetry Of A College StudentWhere stories live. Discover now