Andito na naman akong muli sa harap ng entablado, muli na naman akong haharap sa maraming tao , umaasa na muli kang makita rito,Subalit alam kong hindi ka paparito,nais ko lang sanang itanong kumusta kana?Ano ng balita?Masaya kana ba sa bago mong sinta?Bakit parang hindi ka makapagsalita?
Yaan ang mga tanong na aking nasambit sa muli nating paghaharap,mga tanong na walang sagot sa mga naganap,Kay bilis ng isang iglap na parang pag lubog ng araw mula sa mga alapaap,kasabay ng mga naganap na naglaho lahat ng nadarama,Pero bakit ganon ako na naman ang mali? nasumbatan?napagsalitaan ng mga bagay na wala akong alam, bigla mo na nga lang akong iniwan sa harap ng tindahan, na naging saksi sa bawat pagkikita natin sa daan,na naging saksi sa paghihiwalay natin ng biglaan ,Mali na naman ba ako?Patuloy na pag agos ng luha mula sa mga mata,patuloy na pagbigkas ng salitang mahal kita,patuloy na pag asa na babalik kapa,patuloy na pagkapit sa mga pangako natin sa isat isa,Isa dalawa tatlo apat lima,Mga bilang ng salita na hindi ko kayang bigkasin,hindi mapagpatuloy dahil wala na ang taong siyang magdurugtong ng kaligayahang nadama ko noon,Sobrang sakit,sobrang sakit lalo na noong mga gabing ako nalang mag isa ang siyang naglalakad sa ulanan,luhaan at iniwanan,walang panghahawakan,walang pangkakapitan,Hindi ba sapat ang salitang mahal kita para manatili ka,para makapiling ka, O sadyang may iba ng dinidikta ang puso mo sinta,sawa na ko sa pag iyak,sobra na ang pagkabiyak,laging mali ang hakbang,laging mali sa bawat hakbang,Palaging ikaw ang tama,ako na ang mali kahit ikaw ang may kasalanan,palaging may iyakan,dahil sa kagaguhan,nais ko ng kalimutan ang nakaraan,humarap sa kasalukuyan,upang makapagpatuloy ng walang alinlangan dahil wala na ang taong nagbibigay kalungkutan sa tulad kong Umiikot sa salitang alam kong magiging lokohan.