Aly.
--
"Diko? Are you done?" Sigaw ni bea at pumasok sa kwarto ko."Sandali" sabi ko at inayos yung sintas ng sapatos ko.
Pupunta kami ng mall. We'll buy clothes and shoes and magpapagupit din kami kami. Mamaya na kasi yung dinner with the lazaro's.
"Di ba natin isasama si maddie?" Tanong ko sakanya
Umiling naman siya at nagsalita "di yun sasama satin si mommy yung kasama niya...you know..girly thing"
Tumango ako at naglakad na kami pababa. Nasa living room si maddie kaya liapitan ko muna sya.
"Hey bunso. Where's mom?" I asked.
"Upstairs. Nagbibihis pa. You'll go na?" Tanong din niya
"Yup. Sabay sabay nalang tayo, gusto mo?" Sabi ko sakanya pero umepal si bea.
"No diko. May sariling lakad sila and papabitbitin lang tayo ng mga dala nila kaya let's go na. Bye pangit!" Sabi ni bea at hinalikan sa noo si maddie at naglakad na palabas.
"Asshole!" Sigaw din ni maddie. Pikon nanaman.
"Bye. Ingat kayo ah." Sabi ko at hinalikan din siya sa noo at naglakad na papunta sa sasakyan ni bea.
Yung mercedez-benz niya yung gagamitin namin. Me and bea we like cars talaga kaya binilhan kami ni mommy ng tig isang mercedez. Well i have a bmw si bea lang yung wala kasi pagka graduate pa niya ng highschool siya bibigyan ni mommy. Nagmamaktol nga siya noon kasi nong binilhan ako ni mommy gusto niya dapat siya rin meron.
"Pagupit muna tayo bro" sabi ko sakanya.
Tumingin naman siya sakin at bumalik ulit yung atensyon niya sa pagmamaneho.
"Sige. Ipapatrim ko lang sakin. Ikaw ba?" Tanong niya
"Same" sagot ko.
Inopen ko yung radio at saktong sunday morning yung kanta. Favorite song namin yan magkakapatid. Pag nagbobonding kami palage namin yan kinakanta si bea nag gigitara minsan ako tapos sabay sabay kaming tatlo kumakanta.
Sumasabay lang kami sa kanta habang nagbya'byahe kaya nalilibang din kami.
Nakarating na kami at nagpark agad. Sabay pasok sa loob ng mall
Naglakad na kami papuntang salon. We decided na magpagupit muna. Katulad ng kay ara galang yung style ng buhok namin.
Pagkatapos namin gupitan gumayak na kami at bumili na ng damit. Bagay naman sakin yung gupit ko, mas lalo akong pumogi.
"Diko let's take a pic. I'll upload it on IG para makita ni maddie." Natatawang sabi niya
Napailing nalng ako at sinimulan na yung pagpicture.
"Bro dun muna ako sa nike store, may titignan lang" pagpapaalam ko sakanya at umalis na.
Habang naglalakad ako may napansin naman aking babae. Masyado siyang busy sa phone niya habang naglalakad. Nakaisip naman ako ng kalokohan kaya hinintay kong mabunggo niya ako then....
One...two...three.. Action!Blagshhh!!!
"Miss tumingen ka nga sa dinadaanan mo" Naiinis kong sabi sa babae pero syemore kunwari lang yan. Iinisin ko lang tong babae na to.
Tinaasan lang niya ako ng kilay at nilagpasan ako.
Woah! Ang taray naman nun. Napangiti nalang ako sa inakto ng babae.
"Taray naman! Hoy miss!" Sigaw ko sakanya pero di manlang ako nilingon nagpatuloy lang siya sa paglalakad.
Para akong baliw na ngumingiti dito habang naglalakad. Haay may mga tao talaga na sobrang sungit... katulad ni mommy at ni maddie. Hahahaha
"Diko tapos kana?" Tanong ni bea.
Tumango nalang ako kahit yung totoo naman di ako pumunta sa nike store.
Ibang klase talaga yung babaeng yun. Di pa rin matanggal sa isip ko yung pagtataray niya sakin. Pero binalewala ko nalang baka mabaliw pa ko at kinausap si bea.
"Wala ka bang kilalang lazaro yung apelyido?" Tanong ko kay bea
Gusto ko lang malaman. Sabi kaso ni mommy may tatlong anak si tito mike at tita arlene. Nagbabasakali lang di ko kasi kilala yung mag lazaro's.
Napaisip pa yung mokong
"wala eh" sagot niya"Ako din. Bahala na nga. Curious lang kasi ako di naman ako familiar sa mga lazaro at tsaka sabi ni mommy bestfriend niya daw yung si tita arlene" sabi ko kay bea.
"Try to ask sa kapatid natin baka may kilala siya." Sabi niya at lumabas na sa kotse. Nakarating na kami sa bahay.
Bumaba na ako at kinuha na yung pinamili namin at bagsak balikat pumasok sa bahay.
Si bea yun iniwan na ko umakyat na ss taas magpapahinga daw muna siya. Gago talaga hinayaan lang akong bitbitin tong mga pinamili namin sarap sapakin.
Sa csa nag aaral yung dalawa. Ewan ko ako lang yata yung sa ust. Basketball player don si bea, si maddie naman volleyball player. Lahat kami mahilig sa sports.
Ewan ko kay bea napakababaero. Tsk. Si maddie naman parang kapatid ni hitler sobrang sungit. Palage kaming sinusungitan.
Umakyat na ako para makapag pahinga saglit. Wala pa sila mommy kaya matutulog muna ako.
____
Vote. Comment. Share.-AD

YOU ARE READING
All i ask.
Teen FictionSa storya na to. Makikita natin kung pano magmahal ang isang alyssa valdez.