at MASAYAHIN UNIVERSITY

118 0 1
                                    

Teacher Ligaya: class! meron kayong kailangang gawin... kailangan nyong interbyuhin si Sen. Selo Su, ang kandidato sa pagka-presidente, tungkol sa kalagayan ng edukasyon sa bansa. Maliwanag ba?

Mag mag-aaral: Opo, Ma'am!

~sa opisina ni Sen. Selo Su~

*knock* *knock*

Sen. Selo Su: Sige, pasok!

Direk Ramzky(class representative): Magandang araw po! Pwede po bang interbyuhin kayo tungkol sa edukasyon dito sa bansa?

Sen. Selo Su: Oo naman, maupo ka.

Direk Ramzky: Salamat po. Unang-una po ako nga po pala si Direk Ramzky, 17 yrs. old na nagaaral sa Masayahin University.

Sen. Selo Su: okay Direk, Simulan mo na ang iyong katanungan.

Direk Ramzky: Unang katanungan, Bakit nga ba mahalaga ang edukasyon?

Sen. Selo Su: Ang edukasyon ay importante dahil ito ay nakakatulong sa mga tao na madagdagan ang kanilang kaalaman sa mga bagay-bagay at para na din makatulong sa pagiging produktibo ng ating bansa.

Direk Ramzky: Bakit po kailangan Implementahan ang k-12?

Sen. Selo Su: Kailangan itong implementahan para makasunod ang ating bansa sa "standard ng edukasyon" sa ibang bansa at para na din hindi maging mababa ang tingin nila sa atin na para bang kulang pa tayo sa kaalaman.... mga ganyang bagay.

Direk Ramzky: Alam nyo naman po siguro na maraming mga bata ang hindi nakakapag-aral. Ngayong inimplementahan na ang k-12 mas marami ang hindi makakapag-aral dahil sa kakulangan sa pang-gastos.

Sen. Selo Su: Napansin kong iyan ang isa sa mga problema na ikinahaharap ng ating bansa kaya gusto ko yan masolusyonan.

Direk Ramzky: Ano po ba ang magagawa nyo sa suliraning ito?

Sen. Selo Su: Magpapatayo ako ng mga bagong paaralan na kung pu-puwede ay may libreng edukasyon sa mga nagnanais mag-aral. pwede ding ang scholarship ay hindi lang sa mga matatalino kung hndi pwede ito sa lahat na talagang nangangailangan. Upang mabawasan ang mga street children at mga kriminal. Dadami din ang magkakaroon ng trabaho dito man o sa labas ng bansa.

Direk Ramzky: Maraming salamat Sen. Selo Su sa inyong oras.

Sen. Selo Su: Walang anuman.

*shake hands*

Direk Ramzky: aalis na po ako

*exit*

diyalogoWhere stories live. Discover now