Chapter One

2 0 0
                                    

Kung titignan mo parang isa lamang akong normal na teenager na nakaupo ngayon sa mga bench habang pinapanood ang mga dumadaang tren.

Pero hindi nila alam,

There is more than meets the eye.

Napayuko nalamang ako dahil nagbabadyang tumulo ang aking mga luha.

Sinubukan kong maipakita sa kanila na nagbago na ako.

Pinakita ko sa kanila yung binago ko, pero bakit yung tinitignan parin nila yung dating ako?

Sinubukan ko, alam ng mga puno at mga bulaklak na sinubukan ko.

Muntik na nilang mapaniwala ako, muntik ng maniwala ako na tama sila.

..na tumigil na ako, sa kahibangan kong ito.

Ang kaninang tahimik ay napuno ng tunog ng paparating na tren, mga yapak ng mga taong sasakay sa tren kasama ang mga tinig nila.

Tinaas ko ang tingin ko at pinunasan ang mukha ko.

Humugot ako ng malalim na hininga bago ako tuluyang tumayo at makisabay sa mga taong pumapasok sa tren.

Kung titignan para lang silang simpleng papasok sa tren.

Pero katulad ko, meron rin silang tinatago.

Meron silang dinadalang mga kapagsubukan sa buhay, mga bagay na sila lamang ang nakakaintindi at hindi naiintindihan ng kahit na sino man.

Mga bagay, na humihila sayo pababa, yung mga humihila sayo papunta sa napaka dilim na lugar.

Alam ko ito, hindi dahil sinabi nila sa akin o napanood ko sa television,

Alam ko ito dahil ito yung bagay na naranasan ko na, yung bagay na nararanasan ko ngayon.

Umupo ako sa pinakasulok na mauupuan at sinandal ko ang ulo ko sa masasandalan.

Ang bilis ng lahat, kasing bilis ng pag-andar ng tren na aking sinasakyan.

Ang bilis kong nakalayo sa kinalalagyan ko kanina.

Ang mga tanawin ay mabilis na nagpabagobago sa aking paningin.

Ang ilaw lamang ng buwan at mga bitwin ang nagbibigay kaliwanagan sa mga lugar na aming nadadaanan.

Sila lamang ang nagbibigay sa amin ng pagkakataon para makita kung gaano kaganda ang mundo ngayon kahit oras na ng kadiliman.

Galing na ako sa dilim kaya nagpapasalamat na ako sa kahit gaano kaliit  na liwanag na aking makita.

Tinignan ko ang mga taong kasama ko ngayon sa loob ng tren.

May mga kasama ang kaibigan, kasama ang mga pamilya, kasama ang katrabaho, ang anak, at meron din namang nag-iisa katulad ko.

May kanya kanyang tunog silang ginagawa, nagkukwentuhan, nagtatawanan, may kausap sa telepono, nakikinig ng mga musika.
Habang ako ninanamnam ang katahimikan sa maingay na mundo.

Gusto ko mang gumawa ng ingay ngayon sa pamamagitan ng pagsigaw, pag hagulgol ng iyak.

Pero hindi ko iyon magagawa,
kahit ganito ako, hindi ako nasisiraan ng bait.

Sa pitong araw na lumipas, iba't ibang lugar na ang aking napuntahan, iba't ibang tao na ang aking nakasalamuha, nakasabay sa pagsakay sa tren, mga iba't ibang tanawin na nagpabusog sa aking mata,

Iba iba na ang hangin na aking nalanghap.

Pero hindi parin nag iba kung sino at ano ang dinadala ko sa pitong araw na iyon na nakalipas.

Saving Phoebe Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon