Chapter Two

1 0 0
                                    

Kris

"How is she, Doc?"
tanong ko sa doktora na kakalabas lamang sa kwarto ng dalagitang nabangga ng aming sasakyan kanina.

Dahil sa madilim ang daan, and the road is slippery.

Hindi naman ginusto ang nangyari, dahil hindi namin hawak ang mga dapat na mangyari.

"She's fine, nothing to worry about. Sinusuri pa naman ang lagay ng parte ng kanyang katawan na nakatanggap ng malakas na impact"
pagsagot ng doctor.

Parte ng katawan na nakatanggap ng malakas na impact?

"What do you mean, doc?" tanong ko sakanya.

"Maaaring magkaroon ng komplikasyon ang kanyang ulo, dahil ito ang nakatanggap ng malakas na impact"
pag papaliwanag naman nito.

Tatlong araw ang lumipas bago tuluyang nagising ang dalaga.

Hanggang ngayon hindi parin namin alam kung sino siya at saan siya nanggaling.

Tinatanong namin siya, pero hindi siya sumasagot. Napakalayo ng kanyang tingin na parang may malalim na iniisip.

Wala rin namang naghahanap sakanya.

"Base sa resulta ng aming test, nagkaroon siya ng paglakimot ng mga alaala sa impact na natamo ng kanyang ulo. Maselan ang bahaging taas ng ating katawan, dapat ay matuwa pa tayo dahil amnesia lamang at hindi nabasag ang kanyang skull. Parte ng amnesia ang nararanasan niya ngayon, pero eventually makalipas ang ilang araw makakausap niyo na siya." pagsasagot ng doctor sa katanungan na bakit ganyan ang kanyang kalagayan.

"Sige po, salamat po doc'' pagpapasalamat ko sa doctor bago ito lumabas ng pintuan.

Binaling ko ang tingin ko sa dalagang nakaupo ngayon sa hospital bed at nakatingin sa bintana.

Linapitan ko ito at hinaplos ang kanyang likod.

Nang tumingin ito sa akin ay nginitian ko ito.

Ingat na ingat ang paghaplos ko na para itong bata.

Hindi ko inalis ang ngiti ko, so that she'll know that there is good in the world.

Tatanungin ko na sana siya ng mga katanungan sa aking isipan ng bumukas ang pintuan at niluwal nito ang isang Nurse.

"Ma'am pwede niyo na pong iuwi ang anak niyo ayon po kay doc, ito po yung mga gamot na ipapatake niyo sakanya incase na sumumpong po"
lintaya ng Nurse at inabot sa akin ang mga gamot at lumabas narin.

"Mama?" napatingin ako kung saan nanggaling ang paos na boses na iyon.

Nanggaling ito sa isang dalaga na may maamong mukha, na parang walang kaalam alam sa nangyayari sa mundo.

Wala nga pala siyang alam kaya niya ako natawag na Mama.

Naalala ko tuloy ang dalawa kong dilag na minsan ko nalamang makasabay na pagkain.

"Ano iyon anak?" tanong ko sakanya pabalik at linapitan ko siya.

Walang naghahanap sakanya, kaya ako ang kanyang Mama.

"Ano ang binigay niyong pangalan sa akin, Mama?Sino po ako?" tanong nito na ikinatigil ko.

Ano nga ba ang ibibigay kong pangalan sa aking anak?

Kris, Kylie, Kendall.

K-

Kia!

Right.

Saving Phoebe Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon