[Kathy's Point of View]
Ang dilim... Sobrang dilim. Halos wala akong makita. Inikot ko ang paningin ko at may naaninag akong dalawang tao. Hindi ko sila clearly makita dahil sa dilim at tanging anino lang nila sa paningin ko. Magkahawak sila habang tumatakbo.
Ba't sila tumatakbo? May hinahabol ba sila o may humahabol ba sa kanila?
"T-teka ano--" hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang tumigil sila at may hinugot ang lalaki na isang... Dagger? May mga rubi stones ang nakadisenyo sa hilt nito, kaso hindi ko masyadong makita kasi madilim. Pero hindi ko inaasahan ang sumunod na nangyari...
The guy stabbed the girl right through her chest.
*criingg*
Napaupo ako ng di-oras sa kama nang tumunog ang alarm clock ko. Nagising akong hinahabol ang hininga at samahan pa ng gaholeng mga pawis.
Ano yun? Anong ibig sabihin nun?
Tumayo ako at nilead ang sarili papuntang banyo upang maligo.
"Ano bang ibig sabihin ng panaginip na yun?..." Pabulong kong tanong muli sa aking sarili nang makapasok na ako sa banyo.
"Baka panaginip lang talaga yun." Pailing kong sagot sa sarili.
Napaface palm nalang ako nung mapagtanto ko na kinakausap ko na pala ang sarili. Mukha akong baliw na nagsasalita mag-isa.
Panaginip lang naman yun e. Hindi naman yun nagkakatotoo.
Matapos kong maligo ay nagbihis kaagad ako. Hindi kasi ako yung tipong babae na naglalagay pa ng kung anu-anong pwedeng ilagay sa mukha at kung anu-anong mamahaling lotion na nilalagay sa balat upang pumuti. Pulbo lang ok na ako. Hindi naman kasi mababago ang itsura ko kahit na maglagay ako ng mga ganon. Kontento na ako sa ganda at kutis ko.
Nakablack skintight pants, white polo , black leatherd jacket, black boots, at nakablack cap ako. Ito na ang nakasanayan kong pananamit nang magsimula akong magtrabaho.
Pagkatapos kong magbihis ay pinony tail ko na ang kulay red kong buhok at naglagay ng manipis na pulbo sa mukha.
Nang masatisfied na ako sa itsura ko ay kinuha ko na ang maliit na black purse which is bigay sa'kin nang mommy at agad nilisan ang bahay ko.
Hindi na ako nag-abalang gumawa ng breakfast dahil hindi naman talaga ako nagluluto kahit alam ko kung pa'no. Tamad lang talaga siguro ako. Nagte-take-out lang ako sa mga restaurant na malapit sa agency.
I was about to enter my car nang mapansin kong may nagmamasid sa'ken. Hindi ako nagpahalata at pasimpleng kinuha ko lang ang baril sa tapat ng driver's seat ng car ko. Pinakiramdaman ko muna ang paligid. At nang mapredict ko na kung sa'n ito nagtatago ay agad kong nilayo ang tingin mula d'on.
I did that on purpose so that it will not catch me looking towards him/her, and total I could still see that person using my peripheral vision.
And I was absolutely right!
It was hiding on the edge of my neighbor's house. Specifically, sa tapat ng bahay ko. She was wearing an all black. And yes, I have concluded that, that person is a woman dahil sa figure niya kahit natatakpan ang buhok niya ng hood. Naituro din kasi sa'min ang different signs and marks kung pa'no malalaman ang gender ng isang tao in split second na pagtingin.
YOU ARE READING
Natividad University
Mystery / ThrillerKilalanin ang labing-limang taong gulang na babae na si Kathy. Isang pabayang agent na may bagong mission. First time papasok ng iskwela dahil sa homeschool kaya mapapasabak siya sa lugar kung saan ay wala siyang idea kung anong nangyayari, mangyaya...