[Kathy's Point of View]
"Kuya alam mo ba kung anong klaseng school yun?" Tanong ko kay kuya.
Nakasakay na kami ngayon sa private jet namin. Si kuya ang nagsisilbing pilot at ako naman ang nasa tabi niya.
"Uhm... No, n-not exactly" sagot niya.
Hala, bakit parang hindi sure? Ang daya naman. Ako lang yata ang walang alam sa mga nangyayari eh.
"Hindi kasi ako mapakali kuya eh" tsaka ako tumingin sa harapan. Hindi ko alam pero,natatakot ako, for the first time kong natakot sa isang mission eh. School lang naman yun diba? Estudyante lang ang nandun, bat matatakot pa ako eh mas may skill ako kesa sa kanila, diba? Hindi naman sa nagmamayabang ako pero yun naman yung totoo eh.
Nakita kong tumingin siya sa'ken kaya lumingon narin ako sa kanya. Tinitigan lang niya ako tsaka bumuntong-hininga.
"Don't worry. You'll be alright, I'll protect you" sabi niya at ngimiti. Ngiting may halong lungkot at pangamba. Hindi pa niya ako sinabihan ng ganyan eh. Ano ba yan nakakapagtaka naman, bat ganyan siya ha?
Ngumiti rin ako tsaka pumikit. Ang sarap sa pakiramdam na alam mong secured ka.
After a few minutes ay lumapag na ang jet.
"Ito na ba kuy--" hindi naituloy ang sasabihin ko nang sumilip ako sa bintana. Inaasahan ko kasing sa airport kami lalapag eh. "B-bakit parang..."
"Gubat? Yep kasi ang school na papasukan mo ay dilikado, at bawal sa mga normal na tao, kaya dapat walang nakakaalam"
Hindi ako nakasagot sa sinabi ni kuya. Nakatulala lang ako habang nakatitig sa kanya. Ano daw? Bawal sa normal na tao?
"Hahaha, I mean bawal sa mga mahihinang tao" sabi niya habang natatawa.
"A-ahh" kahit kailan, joker talaga tong si kuya. Tss...
"Let's go?"
"Mmm" tsaka nagnod.
Habang naglalakad kami ni kuya, ay wala akong ibang marinig kundi ang mga tunog ng mga dahon na sumasabay sa hangin at ang foot steps namin. Ba't ba ang layo? Kanina pa ata kami naglalakad ah? Buti nalang at nakajacket ako dahil kung nagkataon, siguro sunog na ang balat ko. Tanghaling tapat pa naman.
"Uhmm... Kuya mala--"
"We're here"
Tumingin agad ako sa harap pagkasabi niya nun. Ito na ba? Ito na ba ang sinasabi nilang school na bawal ang mga mahihinang tao?
"Natividad University..." Mahina kong sabi. Kitang- kita ang buong school mula sa kinatatayuan namen ngayon. Nandito kasi kami sa parang hill sa harap ng school.
YOU ARE READING
Natividad University
Misterio / SuspensoKilalanin ang labing-limang taong gulang na babae na si Kathy. Isang pabayang agent na may bagong mission. First time papasok ng iskwela dahil sa homeschool kaya mapapasabak siya sa lugar kung saan ay wala siyang idea kung anong nangyayari, mangyaya...