Nagkaroon ka na ba ng crush?
Yung tipong kikiligin ka kapag makikita mo siya, mapapapalo ka sa kaibigan mo kapag ngumiti siya sayo, mahihimatay ka kapag kinausap ka niya.(exaggerated)
Paano mo ba siya nakilala? Dahil ba sa mga kaibigan mo? Dahil sa facebook?
Maraming katanungan kapag nagkagusto ka at Mahirap sagutin.
-----
Unang tingin, unang kilig, unang pag-ibig.
Papangalanan kitang V.
Nakilala kita dahil sa maamo mong mukha. Sa pagpasok mo sa aming silid-aralan, ikaw agad ang nakakuha ng aking pansin. Bukod sa gwapo, ang amo ng mukha at mukha kang misteryoso. Nakakacurious ang buo mong pagkatao. Curious lang naman talaga sa umpisa kaya kita kinilala. Tingin-tingin lang kapag alam Kong dadaan ka, susulyap ng ilang minuto kapag madadaanan ko ang klasrum niyo.
Araw-araw Kong ginagawa ang mga iyon, naging daily routine ko na nga kaya hindi ko namamalayan na nagkakagusto na pala ako sayo. Wala ka namang pinapakitang nakakakilig, ni hindi nga tayo nagpapansinan, wala tayong koneksyon sa isa't-isa, wala ngang Hi at Hello. Hindi ko nga naramdamang kiligin, paluin ang mga katabi ko, O kaya naman ay mahimatay (eksaj) pero nasasatisfied na ako sa tuwing nakikita kita. Hindi nga ako kinikilig katulad ng iba pero masaya na ako kahit tingin lang ang nagagawa ko. Alam ko kasing never mo akong mapapansin, sino nga ba naman kasing magkakagusto sa isang ordinaryo lang, diba? Kilala kita pero hindi mo ako kilala. Sabagay, wala naman talagang nakakapansin sa isang katulad ko. Hindi ako maganda katulad ng iba, sexy at talented katulad ng nagugustuhan mo. Alam mo bang sa sobrang gwapo mo, pati bakla naaakit mo.
Isang buwan, dalawa hangang sa naging isang taon, maraming nagbago at kasama na doon ang nararamdaman ko para sayo. Mas lalong lumalim at ang hirap ng sisirin , ang lakas ng hatak mo kaya hindi ko na nahila pabalik. Mabuti pa ang mga kaibigan ko, nalalapitan at nakakausap ka pero ako wala. NGANGA ika nga. Walang nakakaalam ng nararamdaman ko para sayo, malihim akong tao kaya hindi ako nagsheshare ng sikreto.
Matatapos ang maikling sulat na ito na ako at ang mga nagbabasa lang ang makakaalam ng tungkol sayo. Nagpapasalamat ako dahil pumasok ka sa klasrum namin non, hinding-hindi ko pagsisisihan na nagustuhan kita, maging masaya ka sa piling ng magugustuhan mo at ako naman ay mamahalin ka ng patago habang may minamahal ka namang iba. Tanga? Hindi. Kapag nagmahal ka kasi, kahit na nasasaktan ka na ay magiging masaya ka parin kasi nakikita mo siyang masaya, hindi nga lang sa piling mo kundi sa piling ng iba.Ang iyong tagahanga,
A------