💗CHAPTER 15: Worried zach

34 0 0
                                    

Luchie's POV
Pagtapos ng practice game nila tyler nagyaya sya gumala kaya nagpunta kami sa mall, lilibre daw nya ko e hahahah grab a chance 😂sila cristel at sandy naman puro may date.. Si jaz naman.. Biglang nawala kanina e siguro umuwi na..

"Luchie.. " tyler

"yesh? "  sagot ko habang kinakain ko yung ice cream ko

Unti unti niyang nilapit yung muka nya sa muka ko..

Dug. Dug. Dug. Dug..
⊙︿⊙

"may ice cream pa yung gilid ng labi mo" tyler

"a?  Hehe t-thanks" ako

Ano ka ba luchie! Kabado ka masyado e! Umayos ka ngaaaaaa

"pfft.  Hahahaha ang cute mo pag nagbablush " tyler

"che!  Tara na nga!  Anong oras na o 8 pm na.. Naghahanap na siguro yung masungit na yun" ako

"ha? " tyler

"wala hehe tara na nga" yaya ko sa kanya.. Sumunod naman sya saken

Zach's POV
Grabe naman yung sungit na yun!  8:30 na wala pa rin.. Saan nanaman yun nagpunta! 

"Hhaaayysss pasaway! Mamaya tumawag pa sila-"

*calling : Tita liz*

Patayyy eto na nga tumawag na!  Hayyy!  Naman!  Napahilamos nalang ako sa muka bago ko sinagot ying tawag

Ako: hello po
Tita: zach can I talk to luchie?  She's not answering my calls kanina pa
Ako: p-po.. aa.. Baka naka charge yung phone nya tita
Tita : aa.. Paki tawag nalang sya gusto ko siyang maka usap
Ako: aa... Ano po tita umalis si luchie may bibilhin po sa bookstore
Tita: anong oras na dyan ha.. Gabi na diba bakit umaalis pa sya ng gabi tapos sya lang mag isa
Ako: . A-ano po ayaw nya po magpasama tita e.. Kasama nya po yata sila sandy
Tita: aa.. Sige pag uwi nya pakisabi tumawag ako ha.. Anyway ayos lang ba kayo dyan?
Ako : opo tita ok lang po kami
Tita : sige.. I'll try to call later ha.. Ingat kayo dyan
Ako: sige po tita

Pasaway kang masungit ka!  Muntikan na ko!
Asan ka na ba!?  Hayyyy ˋ︿ˊ

Tinext ko yung mga kaibigan ni luchie  pero  si jaz lang yung sumagot na hindi nya kasama si luchie.. Putek!

Napag desisyunan ko na lumabas nalang at hanapin sya.. Dumaan muna ko dun sa park baka sakaling nandun sya

"zach! "
Paglingon ko magkasama si clinton at cristel

"anong ginagawa mo dito? " cristel

"oo nga.. Ano mag eemo ka dito?  Hahahahaha" clinton

"siraulo! .. Hinahanap ko si luchie" ako

"yyyiieeee hinahanap" asar nilang dalawa saken

"tsss!  Mga baliw! .. Hindi ba nagtetext sayo cristel? " ako

"hindi e.. Baka naman magkasama sila ni tyler" cristel

"Tyler? " ako

" oo yung kaibigan namin na lalaki" cristel

"bakit nya kasama yun?! " ako

"easy ka lang bro hahahaha selos ka kagad e baka naman gumala lang" clinton

"selos ka dyan.. Tsss! .. O bakit nga kasama ni luchie yun? " ako

"nanood kasi kami kanina nung practice game nila ng soccer, tapos pagkatapos nung game dumating sila clinton tsaka si carlo tapos yun nauna kaming umalis naiwan dun si luchie kasama si tyler" clinton

"sige.. Salamat ge una na ko" paalam ko sa kanila .. Dumerecho na ko dun sa gate ng subd.  Kasi panigurado nagcommute lang yun

Pagdating ko dun natanaw ko  kagad sya na kabababa lang ng kotse.. Psh!

"thanks luchie sa pagsama saken .. Next time ulit ^_^" narinig kong sabi ni tyler kay luchie

"wala yun ^_^ next time ulet.. Bye" nagwave na sya dun sa tyler na yun tsaka sya pumasok sa gate ng subd.

LUCHIE'S POV
"saan ka galing? " sya

"oy sungit hehehe san punta? " ako

"ikaw!  saan ka galing?! " sya

"easy.. Gumala lang kami ni tyler" ako

Nyare dito sa masungit na to?  Ang sungit sungit nanaman

"ALAM MO BANG GABI NA?!  KANINA PA KO HANAP NG HANAP SAYO!  TUMAWAG SI TITA LIZ KANINA!  HINAHANAP KA, ALAM MO BANG NAGPALUSOT PA KO PARA HINDI KA MAPAGALITAN! MAY CELLPHONE KA NAMAN!  HINDI KA MANLANG NAGTEXT NA GAGABIHIN KA!  NAG AALALA NA K- ... WALA!  TARA NA NGA! " sya

Pagtapos nya ko bungangaan hinila nalang nya ko bigla.. Baliw na ba to?

"oy sungit anyare sayo?" tanong ko sa kanya nung bumagal na yung lakad nya

"pwede ba sa susunod kung gagabihin ka magtext ka!  Hindi yung pinag aalala mo yung mga kasama mo! " sigaw nya saken

"edi nag alala ka din? " ako

"a-ano?!  H-hindi a!  Bilisan mo na nga maglakad!  Bagal bagal mo! " sigaw nanaman nya saken tsaka sya naglakad ng mabilis

Sungit sungit.. Akala mo magmemenopause na!  Tsss asa nga naman ako ng mag aalala yun psh!

Pag uwi namin derecho na sya sa kusina maghahain na yata..

*beep-beep
1 sms
FROM: Tyler
Hi 😊 thank you ulit kanina.. Kain ka na ha 😊tapos pahinga ka na.. Goodnight

Psh!  Pasaway hahahahaha
Mamaya ko nalang sya rereplyan

Paka bihis ko bumaba na ko at dumerecho sa kusina, nakahain na ako nalang yata inaantay..

"kain na " zach

"o-ok.. Teka nga.. Oy sungit!  Bawas bawasan mo nga yang kasungitan mo" ako

"tssss! .. Wag ka ngang masyadong magsasama sa tyler na yun! " sya

"o!  At baket? " ako

"b-basta!  Mamaya kung saan ka dalhin nun tsaka mukang may gusto sayo yun!.. Baka ako pa mapagalitan ni tita pag hinayaan kita na kung kani kanino nasama" derecho na sabi nya saken

"nagseselos ka nu? " biro ko sa kanya.. Hahahaha asa naman ako na magseselos tung masungit na to

"hindi! .. Bilisan mo na kumain dyan.. Tsaka anong oras ba uwian mo bukas? " tanong nya saken pagtapos niyang humigop ng sabaw

"baka gabihin na ko ng uwi.. May practice kasi kami ng cheerdance" ako

"kung ganun..  I'll fetch you tomorrow" sya

"e?  Ano ko bata?  Wag na! " ako

"sa ayaw at sa gusto mo susunduin na kita lagi or sasabay ka saken pauwi" sya

"beyern! Hindi na ko bata " ako

"kumain ka nalang dyan" sya

"pagtapos mo kumain dyan ilagay mo nalang yang mga plato sa lababo ako na maghuhugas tapos magpahinga ka na" pagtapos nun umalis na sya, tapos na rin naman sya kumain

Anyare ba dun?  Bigla bigla nalang magkakaganun?  Parang engot e.. Imposible naman na nagseselos yun.. Sus!  Si zach magseselos?!  HA. HA. HA baka namuti na uwak hindi pa yung nangyayare

Hayyyyy sunduan session is real  ̄ε ̄

The More you Hate, The more you loveWhere stories live. Discover now