The Promise (One Shot)

28 2 0
                                    


The Promise


Written by: April Bliss


The first time we did is a promise. Promise that you'll stay forever, pangakong sa dinami-raming babae sa mundo your eyes and heart are for me and you are with me. Guess what's the next thing you did, you did left me. And the last thing we did is to promise each other, nangako ka na babalik ka at nangako akong hihintayin kita. Ang pinakaimportanteng pangako sa lahat, ang sabi mo magpapakasal tayo. Ang sabi mo hihintayin mo ako sa harap ng altar at ipapakilala sa harap ng tao at maykapal at nangako akong darating ako sa araw na yon.


Hihintayin mo ako sa harap na altar...

---

🎤 Is it enough to love? Is it enough to breath? Somebody rip my heart out and left me here to bleed 🎤

Inabot ko ang cellphone mula sa maliit na mesa at pilit na binuksan ang mga mata ko na antok na antok pa. Pangatlong beses na kasi itong tumunog. Napabalikwas nalang ako ng bangon ng makita kung sino ang tumawag.

"Hello, babe?" Sagot ng boses sa kabilang linya.

"Oh, ang aga mong tumawag ahh. May kailangan ka?" Tanong ko sa kanya.


"Grabe naman diba pwedeng namiss lang kita"


"Kahapon lang tayo nag-usap namiss mo na ako agad"


"Kahapon lang tayo nag-usap, syempre namiss na kita! Ikaw hindi mo ba ako namiss?"


"Hindi pa ehh!" Seryoso kong sagot.


"Grabe! Nakakasakit sa puso ang pagiging sobrang honest mo!"


"Joke lang!" Pagbabawi ko sa sinabi ko.


Natahimik sya saglit na waring nag-iisip kung anong gusto nyang sabihin, maya-maya lang ay nagsalita narin sya.


"Pwede ba tayong magkita!" Pabulong nyang tanong


Hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin, naramdaman ko na parang sumeryoso na si Tom sa relasyon naming dalawa, dati wala naman akong feelings para sa kanya until one time he got a slot in my heart dahil naaawa ako at nakokonsensya na ako sa mga ginagawa ko sa isang inosenteng tao.


"Oo" Nabigla nalang din ako sa bigla kong pagsagot. Pumayag na naman ako na makipagkita sa kanya, I am giving him hope again.


The call ended and I was like sitting without knowing what to do. Maya-maya ay tumayo na ako at naghanda, atleast man lang hindi ko sya paghihintayin ng matagal.

---

"Teka lang saan mo ako dadalhin?" Tanong ni Tom hazng hila-hila ko sya.


"Since, ito yong napili mong lugar for our date. May ipapakilala ako sayo, nakita ko sila sa isang food chain on my way here" sagot ko without telling him kung sino ang ipapakilala ko.



Malayo palang kami ay nakita na kami ni Sophie, ang feeling babae kong kaibigan. Nagmadali akong lumapit sa kanila habang hawak-hawak parin ang kamay ni Tom.


"Hey! What are you doing here?" Tanong sakin ni Sophie while looking at Tom.


"Same as what you're doing here?!" Sagot ko and shrugged my shoulders.


"Sino yan?" Tanong nya pointing his lips to the man beside me.


"Ahh, Tom si Sophie kaibigan ko, Sophie si Tom..." I smiled briefly to her while looking her innocently. "Boyfriend ko" pagpapatuloy ko.


The PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon