Mimi's POVMimi,
Hindi ko alam kung close na ba tayo nito o hindi pa pero pakiramdam ko close na tayo ehh hahaha. Gusto ko lang sabihin sayo na laking pasalamat ko na naging kaibigan kita. Fighter ka kasi, palaban, walang takot sabibin ang gusto mong sabihin, I admire you for that. Minsan nga lang may mga pagkakataong nakakainis ang katigasan ng ulo mo at pagkanaughty mo. Kumakain ng nakahiga sa sobrang katamaran at inuuna ang cellphone sa sobrang addict sa... Hindi ko alam kung bakit ka addict sa cellphone xD alam mo bang bad yan. Anyway hindi ko na tataasan to natatae na kasi ako basta wag kang magbago ayoko ko kasing mawala ka sa buhay ko. Just stay... NVM... Hahhahaha. Malapit ka ng grumaduate wag mo kaming kalimutan ha. Just stay humble and kind. You will always be in my heart.
Love,
Kit---
I find myself smiling while reading pero pumapatak din ang mga luha ko ng dahan-dahan. Hindi ko kasi akalain na sa pag-usbong ng teknolohiya sa mundo may natitira paring taong susulatan ako.
I wiped my tears atsaka dahan-dahang tinupi ang papel. I look at the person who is asleep, lying in my lap. Oo, si Kit. Natutulog sya ngayon at magkasama kami. Kung bakit nya ako binigyan ng letter? Last day ko na kasi sa trabaho kung saan kami magkasama dahil pasukan na sa susunod na linggo pero habang wala pa gumagala muna kami kasama ang barkada.
Hinimas ko ang buhok nya at tinitigan lang sya habang natutulog, ang swerte ko palang naging kaibigan ko sya. Buti nalang hindi nya ako iniwan kahit ang sama ng ugaling ipinakita ko sa kanya. Buti nalang nagstay sya. Oo napakasama ko sa kanya noong bago palang kami magkakilala.
---
Flashback:
🎤 Bakit di nalang totohanin ang lahat kung kailangan moy paglingap dahil habang tumatagal ang lalo kong natutunang magmahal baka masaktan lang 🎤
Mahilig kaming magkaraoke kaming apat na magbabarkada. Actually, ang kaibigan nya talaga ang una kong naging kaibigan kaya strangers palang kami. Nong una nya akong marinig kumanta sabi nya sarap daw pakinggan ng boses ko. Gusto nya daw akong iuwi sa bahay.
Kit is not my type of man. Hindi kasi sya yung tipo ng taong makikita agad ang kagwapuhan, hindi sya matangkad at hindi sya nakatapos ng pag-aaral higit sa lahat famous sya sa tawag na "Play Boy". Oo, kung sino paman tong hindi masyadong kagwapuhan sya patong play boy ehh no? Hahaha joke lang po. May story kasi kung bakit sya playboy at umiinom at addict sa Dota.
Typical story, nagmahal, nasaktan, naging gago.
We met dahil kaworkmate ko sya, nagsusumerjob ako sa kompanyang pinagtatrabahuan nya at ako naman. Madali kasi akong nakilala don kasi light daw yong personality ko, palatawa. Nagkasama lang kaming gumala ni Kit dahil we have common friend si Drie.
Since then, sinabi nya na sakin nya he likes me daw pero dahil wala sya sa kalingkingan ng dream guy ko I told Drie na I don't like him.
Umabot sa kanya yun ofcourse pinaparinggan nya ako sa trabaho, jinudge ko daw ang taong kakilala ko palang but then, hindi sya napagod magpakita ng effort at consistency which is kahinaan nating mga babae. I salute him on that. Yun bang kahit alam nya na hindi ko sya type hindi parin sya napagod ipakita na may gusto sya sakin. But later on, I saw the effort and for the first time naappreciate ko yun no'ng gabing gumala sila na hindi ako kasama.
May kasama silang dalawang babae no'n which is kabarkada lang din namin at inutusan sya ni Drie na ihatid sa sakayan pero hindi nya daw hinatid. Hindi nga daw nya ako hinatid no'ng nakaraang araw ehh.
BINABASA MO ANG
The Promise
Short StoryTinupad mo sana, hindi ko lang alam na sa ganitong paraan pala.