Chapter1
"That's all for today err-- I mean Tonight. Haha. Goodbye" Natatawang sambit ni Ma'am Cortez samin.
"Thank you Ma'am Cortez"
Sa wakas natapos na rin. Hay, kapagod. Hindi muna ako tumayo sa upuan ko. Tiningnan ko muna ang Relo ko 8:00 pm na.
"Ice, uwi kana?" tanong ni Laureen sakin habang inaayos niya ang mga gamit niya.
"Maya-maya lang. Mauna kana" sabi ko. Wala kasi akong ganang umuwi.
"Hoy! Babae. Gabi na ano akala mo umaga ngayon. Maraming mga adik dyan sa tabi-tabi. Baka mapano ka" hysterical na sabi niya. Adik talaga tong babae to.
"Wagas ha" Sinimulan ko ng ayusin ang gamit ko. Pagkatapos tumayo nako. At sinimulan lumakad papuntang pinto.
"Aber. Saan ka pupunta?" sabi niya
"Pinapauwi mo na ako diba?"
"Psh. 7/11 tayo. Gutom nako e." hindi ko na siya pinansin. Lumalakad nalang ako. Ang ginaw. Full moon pala ngayon.
"Nakakatakot pala sa Campus kapag gabi no?" sambit niya
"So?"
"Adik ka talaga no?" Hindi ko nalang siya pinansin. Pababa na kami. Nasa 2nd floor kasi ang room namin.
"GoodEvening Kuya Guard" bati ko sakanya
"GoodEve Ice!" sabi ni Kuya Guard at linampasan kami.
"Close kayo?" tanong ni Laureen
"Haha. Hindi." Kapag gabi na kasi ako umuwi. Palagi ko siya nakakasalubong. Naglilibot sa Campus.
~Ting~
Kinuha ko ang Cp ko sa bulsa ko. Nag text si Mama
=Anak? Pauwi kana? Daan ka muna sa bahay. Dinner tayo.=
Rineplayan ko siya agad.
=Ok po=
"Ah, Lau, uuwi na pala ako. Nagtext si mama e. Dinner kami. Sorry."
"Sure ka? Hatid na kita"
"Baliw. Ok lang"
"Sige ingat" sinimulan ko ng lumakad. Malapit lang yung bahay nina mama sa Campus. Humiwalay kasi ako sa kanila. Dahil hindi ko lang kasi tanggap. May ibang pamilya na kasi si mama. Kaya pinili ko nalang mag Apartment. For the sake. Hay. Anong pakulo naman ba ito? Habang naglalakad ako parang may napinsin ako. Parang may sumusunod sa akin. Lumingon ako pero wala naman. Tiningnan ko ang relo ko 8:30 na. Nilaro laro ko lang yung relo ko may ilaw kasi iyon.
"Ay anak ng---" Putek na aso to. Muntik na akong madapa.
"Arf arf" tahol ng itim na aso
"Shu shu!" taboy ko sa aso. Hindi ko nalang uli siya pinansin at sinimulan ang paglakad.
"Awoooo~" ay putek na aso to. Nakakakilabot. Tiningnan ko nalang ang aso. Ng bigla nalang ito nawala. May narinig akong sumipol. Weird. Sinimulan ko nalang uli lumakad ng may nahagip ako sa paningin ko isang anino sa may puno. Hindi ko alam kong lalaki ba yon o babae. Weird.
"Anak!" Liningon ko siya. Si mama. Nginitian ko lang siya.
"Halika kana" bago ako tuluyang pumasok. Liningon ko muna ang Anino sa puno. Pero hindi na anino ang nakita kundi isang ngiti ng isang tao. Kumurap ako. Kaso bigla nalang ito nawala. I shook my head. Weird. Pumasok na ako sa loob.
"Ate!!! Kamusta kana!? Bakit ngayon ka lang uli dumalaw dito? " tanong ni Zen sakin. 3 taong gulang palang siya. Pero kapag nagsalita parang matanda lang yung kinakausap mo.
"Busy si Ate e" nginitian ko siya at tsaka pinisil yung pisnge niya. Ang kyut.
"Anak, halika kana dito" linapag ko muna yung bag at folder ko. Pumunta agad ako sa kainanan. Nakahain na yung pagkain. At nakita ko yung paborito ko. Adobo.
"Anak. May gusto ka pa bang kainin?"
"Ah. Wala po" nginitian ko nalang siya at umupo sa upuan. Sinimulan ko nang kumain. Namiss ko ang luto na to.
----
"Salamat po" sabi ko sakanya.
"Salamat anak, pumunta ka. Akala ko kasi hindi ka pupunta" sabi niya
"Ay saglit lang pala" may dinukot siya sa bulsa niya. Pera.
"Para san po to?"
"Ano ka ba, pandagdag baon mo yan" Nginitian ko nalang siya
"Salamat po. Aalis na po ako. Salamat po sa hapunan"
"Salamat din anak pumunta ka" sabi niya sabay ngiti. Nginitian ko siya at sinumulan ng umalis. Ng makarating na ako sa gate. Bigla na lang humihip ang malamig na hangin. Nakalimutan ko naman magdala ng jacket. Tiningnan ko ang kalangitan. Ay nak ng-- Wag lang sana uulan -_- .
Umalis na agad ako. Para hindi na ako aabutan ng ulan. Binilisan ko ang paglakas ko. Makaraan ng ilang minuto. Anak nga naman ng-- umulan nga. Ay putek. Malayo pa ang bahay ko -_-. Tiningnan ko ang paligid may nakita akong waiting shed. Agad akong sumilong dun. 9:30 na. Tiningnan ko ang kalangitan, malakas pa din ang ulan. Hay nakoo. Yinakap ko ang sarili ko gamit ang aking mga braso. May napansin ako sa gilid ko. Tiningnan ko. Isang tao.
"Kanina pa po ba kayo dyan?" tanong ko sa kanya. Ngunit. Tiningnan ya lang ako. Tiningnan ko siya. Nginitian niya ako.
"Anong ginagawa mo dito sa kalagitnaan ng gabi. Binibini?"
"Masyado ka namang pormal. Mister" Nginitian niya ako. Tinignan ko siya. Maganda ang kanyang mata. Mapupulang labi. Mahahabang pilik mata. Matangkad. Masyadong maputi. At yung suot niya ay itim.
"Tapos ka na bang kilatisan ako. Binibini?"
"Hindi kita kinikilatis. Wag kang masyadong hangin"
"Hahaha!" tinawaan niya lang ako.
"Arf-Arf" may asong sumulpot sa gilid niya.
"Sebastian" mahina niyang tawag. Huminto sa pagtahol ang aso. Teka yun ang aso kanina ah.
"Huwag kang lalabas ng ganitong oras pag gabi. Maraming bampira ang lumalabas pag gabi"
"Nagpapatawa ka ba. Bampira ka ba?"
"Seryoso ako"
"Vampires don't exist" sabi ko.
"Really?" Bigla itong ngumisi. May napansin ako. Isang pangil. I shook my head. Ngunit nawala ito. Sumipol ito at bigla nalang huminto ang ulan. Umalis siya. Sunod yunv aso niya. Pero bago yun. May sinabi siya sa akin.
"Vampire do exist. Binibini"
Weird.