Hindi ko alam kung paano ko tatapusin yung kinakain ko. Bigla kasing nagdatingan yung mga estudyante dito sa canteen kaya medyo naconscious akong kumain. Dagdagan mo pa ng mapanirang background music na nagpla-play sa radyo. Sino ba naman ang gaganahan kung puro mga kanta ni Carol Banawa ang mga pinapatugtog? At bakit ba affected ako sa lyrics ng "Bakit nga ba mahal kita?" at "Bakit hindi na lang totohanin ang lahat?"
Bakit hanggang ngayon may mga tanong pa din sa isip ko na hindi ko pa din masagot? Ang daming Bakit list na hanggang ngayon hindi ko pa din alam kung paano ko bibigyan ng kasagutan. Mga tanong na nagpapawala ng katinuan ko, mga tanong na parang imposible nang mabigyan ng linaw. Sabi ko kasi sa sarile ko I will change for the better. But I guess that better is not good enough.
Yung mga katanungan na yun minsan ang dahilan kung bakit hindi pa din ako maka move on. Ano nga ba ang pagmo-move on? Bakit kailangan pang mag move on?
"Bakit nya ba ko iniwan?" Okay naman ako, sabi nga ng mga kaibigan ko, mabait kang tao, mabuti kang tao, ang caring mo, ang sweet mo. Girlfriend material nga daw ee. Pero kahit anong bait mo, kahit anong kabutihan ang ipakita mo, siguro nganun nga talaga. Iiwan at iiwan ka din nya. Pagpapalit at pagpapalit ka pa din nya talaga.
"Bakit ba umaasa pa ko?" Bakit hanggang ngayon naghihintay pa din ako? Nakakatawa na isang taon na ang nakalipas pero hanggang ngayon sariwa pa din ang mga sugat dito sa puso ko. Bakit ba hanggang ngayon siya pa din ang mahal ko? Paulit-ulit kong sinasabi ko sa sarile ko na hindi na ko magpapaka-tanga pero paulit-ulit ko pa ding niloloko ang sarile ko dahil hanggang ngayon, sya pa din at wala ng iba. Kahit na manloloko sya, kahit na iniwan nya ko ng basta-basta.
"May pag-asa pa bang maibalik pa yung dati?" Yung dating kilig, yung dating tuwa kapag siya ang kasama ko? Posible pa ba? Araw-araw yun ang iniisip ko. Binibigyan na nga ako ng mundo ng milyong-milyong dahilan para kalimutan na sya pero pilit pa ding nagbibigay ang puso ko ng milyong-milyong pag-asa na baka pwede pa. Wala namang masamang umasa diba? Wala namang magbibilang kung ilang beses kang magpapakatanga ee. Ganun talaga diba, martyr na kung martyr.
Habang nilulunod ko ang sarile ko sa pagiisip. Sakto naman na dumating ang grupo ng mga lalaki mula sa Engineering Department na binubuo ng pitong lalaki. High Voltage yung tawag sa grupo nila na kilala dito sa University na pinapasukan ko. Well, masyado kasing notorious yung mga lalaking yun dahil lahat sila, mga fuckboys. Ilang daan o libo na nga ata pina-iyak ng mga walanghiyang mga lalaki na yan.
Ay, oo nga pala. Kaya pala tinawag na "High Voltage" yung grupo nila ay dahil iniiwasan sila ng mga tao dahil nga mga fuckboy sila. Manloloko na nga ng mga babae, mga basag-ulo pa. Para namang kinagwapo nila yung pagiging fuckboy nila. Though yes, mga gwapo naman talaga sila. Wala akong masabi dun, pero nakakainis lang din kasi na dumating sa buhay ko na nagmahal at nagseryoso ko ng isang walang kwentang fuckboy.
Isang taon din ang sinayang ko. Sayang ang effort ko, sayang ang oras ko at higit sa lahat, sayang ang pagmamahal ko. Pero kahit ganun, hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon umaasa pa din ako na magbabago pa sya. Yung one day babalik sya sakin, at hihingi ng tawad. Pero hindi, mukhang malabo. Imposible. Hindi makatotohanan
Ganun naman kasi talaga kapag nagmamahal ka diba? Hindi mo na mapapansin yung mga flaws nya, yung mga pangit na attributes nya, yung mga inperfections nya. Mas tinitignan mo yung mga nagustuhan mo sa kanya, magpapabulag ka sa mga mabubuting pinapakita nya kahit na alam mong binabaliwala at niloloko ka lang din nya. Mahal mo ee, kaya ka nyang tiisin pero ikaw hindi mo sya matiis.
"Nandito na naman ang mga impakto" bulong ko sa aking sarili.
Hindi ko masikmura na iisang hangin lang ang hinihinga namin nung pitong lalaking yun. Isang kamalasan na nga na kalapit building lang namin sila, isang masamang panaginip na nasa iisang lugar lang kami. At higit sa lahat, isang malaking sumpa pa na katabing unit ko lang ang apartment na inuupahan nilang pito.
Nakakainis lang kasi na sa araw-araw na ginawa ng diyos, ay sorry po. Alam kong masama yun, pero nakakapag-init lang kasi ng ulo na sila yung makikita mo lagi. Sa school, at higit sa lahat. Sa compound namin.
Minsan nga tinatanong ko, "Destined ba ko sa mga fuckboys?" Para kong nama-magnet sa mga fuckboys, at laging may fuckboys sa paligid ko. May misyon ba kong dapat kong gawin? Ang labo nito, pero ako kaya ang sinugo ng diyos para magbago ang mga fuckboys? Nye-nye, ang corny ko na.
Habang paalis ako ng canteen, hindi ko alam kung bakit pero biglang may tumawag sa pangalan ko. Yung tipong parang ako lang ang tao sa canteen nung tinawag nya ko, at yung boses na yun ay galing mula sa pitong lalaki.
Napatigil ako, nagdadalawang isip kong lilingunin ko ba sila o ipagpapatuloy ang paglalakad ko.
"Ellise!" Tawag nung lalaki.
May arte kong lumingon sa pinang-galingan ng boses. May pagtataka din akong nakatingin sa kanya dahil hindi ko naman sya kilala, pero kilala nya ko.
"Phone mo" sabi nya na tinaas at pinakita yung phone ko na hawak nya.
Dali-dali akong bumalik at kinuha sa kanya yung phone ko. Pero nung kukunin ko na sa kamay nya, nilayo nya to sakin na parang kaming naglalaro ng basketball.
"Akin na" paki-usap ko.
"Yun lang, wala man lang thank you?" May pang-aasar na tono na boses nya.
"Thank you" sabi ko na lang. Wala din kasi ko sa mood makipag-biruan
"Sa susunod, ingatan mo gamit mo. Kung iba yan, umiiyak ka na ngayon" sagot nya
"Ha? Bakit, ano ba pinagkaiba? Phone lang naman to ee" sabi ko na may paarteng hawak ng cellphone ko.
"Ang phone ko, pag nawala. Okay lang, mapapalitan naman. Pero kapag ang puso, nasira. Ano, maibabalik mo pa ba? Fuckboy" dagdag ko sabay talikod at naglakad palayo.
Hindi ko na natignan yung naging reaksyon nung lalaki. Basta, narinig ko na lang yung kantsawan ng mga tao sa paligid na nakarinig at nagpapalakpakan yung mga taong nakakasalubong ko.
Pasensya na, galit talaga ko sa mga fuckboys.