Kiela POV"Eto na!" Excited kong saad ng bubuksan ko na ang envelope para sa aaplyan kong hotel. Sigurado naman akong makukuha ako! Ganda kaya ng speech ko!
"Dalian mo K! Huwag pa thrilling!" Sigaw naman ni Trisha. Napalunok ako ng ilang beses bago kinuha yung papel sa loob ng envelope. Hihihi
"What the hell?" Napamura ako sa nakita ko.
"Patingin!" Lumapit naman agad sakin ang mga kaibigan ko na sina Trisha,Kyla at Ashe.
"Rejected ka?" Sabay sabay na tanong nila. Halos lahat ay natanggap. Ba't ako Hindi?! Maganda naman ako.
Tiningnan ko naman ang buong corridor halos lahat sila ay nagtatalon sa saya,ako lang ba ang nareject?! Ang unfair naman! "K bat ka naman nareject?" Natatawang tanong ni Kyla. Isa pa to! Nakakagigil!
"Paano nila ako nireject?! Eh hula ko mas marami pa akong experience ng intership sa ibang bansa kaysa sakanila?!" Nangigil kong saad. Nagulat naman sila pero agad silang tumawa agad.
Inakbayan naman ako ni Ashe. "Look K,look at them" so? Tinaasan ko lang si Ashe ng kilay. "Look,they all have similarities. Maganda,matangkad at.." Pagbibitin nito at ni head-to-toe pa ako! Aba! "Malaki ang hinaharap in short mga may Dede!" Tumawa naman silang lahat.
Okay,ang corni naman ng mga panget kong kaibigan. Pagpasenyahan niyo nalang. Pikon na kung pikon pero kapag usapang Dede na ayoko na! Game over na! Hindi naman sa guilty na wala akong Dede pero hangang ngayon kahit na nakapagtapos na ako ng college eh baby bra parin suot ko! At yun ang kinaiinisan ko!
Sinamaan ko sila ng tingin,at aba! Hindi parin natitinag!
"If looks can kill,all of you now are dead!" Saad ko pero mas lalo pa ata silang natawa.
"Galing namang mag english ng Kaibigan naming walang dede!" Saad ni Trisha at inakbayan pa ako. "Hayaan mo K,magkakadede ka parin naman." Ngumiti si Trisha sakin. Eto! Comfort to! Ano kaya nakain netong gagang to? "Pero baka pagmamatay na kami at don pa lalaki yang Dede mo." Binatukan ko naman siya. Nakakainis!
Alam kong malaki tong hotel! Pero di manlang ba nila tingnan ang mga achievements ko?! Tumingin naman ako sa sarili ko,Hindi naman ako kasing puti at kasing tangkad nila pero maganda ako! Maganda! Pero utang na loob naman hindi kagandahan ang ginagamit sa pagtratrabaho!
"K,tanggapin mo nalang,malaking hotel to expected na may marereject. Mahirap ang intership dito." Saad ni Kyla. "Oo nga eh! Kaya dito ko gustong mag apply. Kasi marami na ako naging experience." Saad ko,tiningnan lang nila ako,tumigil narin sila sa pagtawa,takot atang magwawala ako dito sa loob ng building Ng Dela Vega's Hotel company.
"K,ano na gagawin mo?" Tanobg ni Ashton na kanina pa walang kibo. Ang Boyfriend ni Kyla. "Ano?" Tinuro niya naman ang grupo ng mga lalake na nagtatawanan. Naka business attire pa ang mga ito. Tumaas ang kilay ng isang lalake ng nahuling nakatitig ako sakanila. "One of them are the Son of the president of the Dela Vega chains of hotel." Agad naman ako lumingon kay Ashton.
Bigla namang parang may light bulb na umilaw sa utak ko. Hihihi. Desperado na akong magkatrabaho! Magiging kawawa si nanay at baka maging palaboy laboy nalang kaming dalawa sa kalsada,tapos walang makakain,walang kama at walang shower! "Sino sakanila diyan?" Tinuro naman ni Ashton yung lalake kanina na nahuli akong nakatitig sakanya. Ngumisi ako. I'm gonna be a Detective today! Aha!
"Dude! We need to celebrate your success! Man,this is a very tiring day. We really need to be wild,man!" Natatawang sigaw ng kaibigan nito na si Raffy Montefalco. Tinanggal ko ang sunglasses na suot suot ko. Jonniel Chua,23 years old. Ba't mo naman kasi ako nireject?! Agad naman akong nag tago sa likod ng poste ng makita ko na lilingon sa likod si Jonniel.
Teka?ilang oras ko na ba siyang sinusundan? Matapos kasing may umilaw na light bulb sa ulo ko bigla ko nalsng naisipang sundan si Jonniel
"Sure I'm gonna go. My treat." Natatawang saad ni Jonniel at tinapik ang balikat ng kanyang kaibigan. Pinatunog niya naman ang kanyang Jaguar F-Type R. Rich. Malamang Kei Ikaw ba naman anak ng pinaka successful na business man. Myghad! Parang damit lang kung sayangin nila ang kani kanilang pera.
Sinuot ko naman muli ang sunglasses ko at bumuntong hininga ako at sumunod sakanya. "Are you stalking me?" Napahinto agad ako sa paglalakad ng marinig iyon. Lumingon siya sakin na mas lalo kong ikinagulat. Kung makatitig to parang pinapatay ako isipan niya myghad?!
Lumapit si Jonniel sakin. As in malapit! Malapit na malapit. Ipinikit ko ang mga mata ko. Lord! Hindi ko alam kung paano humalik ng Tao! Sa hayop lang ako marunong humalik! Kei ang corni mo naman! Naramdaman ko naman inalis niya ang sunglasses na suot suot Ito. Shet na kamanting! Napahiya ako! Ayan tuloy nagtago ang bubs ko!
"You're stalking me. I hate girls who stalks me. Alam kong gwapo ako pero huwag mo naman akong sundan."
BINABASA MO ANG
Ang crush kong flat chested
Novela Juvenil"Hindi nababagay sa grupo ng mga dyosa Ang isang flat chested." Tinaasan naman niya sila ng kilay sa grupo ng mga babae na sinasabihan siyang flat chested. "Ano na man ngayon kung wala akong hinaharap?" Ngumisi ito na nagpawala sa mga malademonyong...