Unang Tinta : "Bossing"

85 1 0
                                    

Unang Tinta : "Bossing"

Inspired By  Bob Ong's Stainless Longganisa

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

"Ay bakit ganun ang ending? Anyway, gusto ko pa rin siya, keep it up po bossing. . "

"Galing mo po talaga idol! More stories pa po"

"WEW! Idol talaga kita Kuya. . . .

Yan ang kadalasang mababasa ko sa e - mail ko na di ko ba alam kung maniniwala ako o hindi, manunulat nga ba ako o naging libangan ko lang ang magsulat, siguro di ko alam ang ganyang istilo.

Hanggang ngayon ay tinatago ko pa rin ang aking katauhan at dahil may dalawa akong dahilan, una, ay aktibista ako at nanganganib ang ang aking buhay, pangalawa, ay mas gusto ko pa ang mamuhay ng tahimik at marangal na tao na wala akong iisipin kung hindi ay kung paano ko mapapagsabay ang pagsusulat at ang pagtatrabaho ko bilang isang office boy

Sa bawat araw na magsusulat ako ay dinadagsa ako ng mga ideya na nagiging dahilan upang maging ganado ako sa mga ginagawa ko, isabay pa rito ang mga tapo na di mo alam kung idol ka ba, mahal ka ba, hinahanting na ba ang ulo mo, o ang mga taong nakakilala sa iyo pero hinuhusga ka.

Sa pag - ikot ng buhay ko sa mga papel at bolpen na makikita mo sa paligid mo ay di mo alam kung gaano na karami ang mga nasulat mo para sa iyo? Sa mambabasa o para sa mga mahal mo sa buhay na kahit di alam kung sino ka ay nagsisilbi silang inspirasyon mo.

"UI. . . nakita mo na ba ang misteryosong author na yun?"

"Napakamisteryoso niya no?"

"Haha! siguro pangit siya kaya di nagpapakita"

"Ungas! di magandang dahilan ang pangit ka, kasi sa pagsusulat ay walag pangit at maganda"

"OO NA PANALO KA NA! wala na akong laban sa iyo!"

Yan ang kadalasang makikita mo sa paligid kapag misteryoso ka, o isa kang curious na tao na gusto mong malaman ang tungkol sa kanya, minsan, nakakahiyang sabihin na masyado kang naging maramot dahil wala pang nakakilala sa iyo, pero ang totoo, sapat na minsan ang nalaman nila ang tinatakbo ng utak mo, kaysa sa panlabas na anyo na pwee ka nilang takbuhan na may  ninakaw na pala sa inyo.

Ilang araw na akong nakatanggap ng matinding kabiguan sa buhay, di ko alam kung anong masamang balak ang gagawin sa akin ni satanas at ako pa ang napili upang subukin ang pananmpalataya sa Diyos, siguro alam niyang mahina ang loob ko at alam niyang agad agad akong mamatay.

Ngunit isang araw, ay naisipan kong magsulat ng aking hinanakit at isave ito sa aking desktop, kasabay nito ang pagdanak ng tumutulong pulang likido sa aking kwarto, naghihintay na may makadiskubre sa aking kinahinatnan.

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Document name : Sa makakabasa nito ituloy mo na lang (MS Word 2007 Document)

May mga tao rin na minsan maging dahilan ng pagbaba mo pero kahit ganun ay di pa rin silang masamang tao, sa totoo, minsan sila ang mga tao na naging dahilan ng pag - angat mo pagkatapos mong madapa at pagtawanan ka nila, mahirap din minsan na kalimutan yun, pero ang tanging utak mo lamang ang maaring makatulong sa iyo, kung kakalimutan mo sila o hindi, o may gagawin ka sa kanila o wala.

May mga kwento na naghihintay na malaman, mayroon naman na nakatabi lang sa isang sulok dahil wala na silang balak ilabas ito, may mga kwento rin na masayang basahin, at meron namang napaluha ang mambabasa at mayroon naman na nagiging dahilan kung bakit ka nababatukan sa paaralan dahil nakatulog ka.

Bawat kwento ay may iba't ibang mensahe, na naghihintay na malaman dahil sa mga sinabi mo tungkol doon, kailangan lamang ito na hukayin at pag - isipan kung ano talaga, pero kahit ang mga readers ay may negatibong reaksyon, ay di ka pa rin matitinag na magsulat.

YAN ANG WRITER!!

Di sumusuko sa anumang laban ng kanyang Bolpen

Ang kanya mismong utak ang nagsisilbing sandata upang ipahtanggol ang kanyang dignidad at kanyang pagkatao, makapangyarihan man o hindi. .  

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Siguro, nagsinungaling ako sa huling bahagi, alam kong di ako malakas, ngunit may mga manunulat din na malaks ang loob, ako lang talaga ang medyo walang utak na mahina ang loob. . .

Ang Sampung Tinta ng isang Manunulat - Sampung kwento ng magkakaibang Bolpen-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon