"Or remain unsaved..."
EURUS
Matipid na ngumiti siya sa 'kin. Bahagyang siyang tumungo at saglit na tumingin sa lupa. I could see how the dimple on his right cheek deepened. Hindi ko alam kung bakit siya ngumingiti samantalang ako naman ay pinagmamasdan siya nang magkahalong pagdududa at pangamba. His charming demeanor was quite dangerous and enticing at the same time. Makalipas ang ilang segundo ay muling bumalik ang tingin niya sa 'kin.
Hindi ko magawang ikilos ang katawan ko. Tila napako ako sa kinatatayuan.
"Ako ba ang hinahanap mo?" diretsong tanong niya sa 'kin. Natulos ako sa kinatatayuan. Wala siyang balak itago ang totoong pagkatao niya mula sa 'kin. Walang takot sa mga asul niyang mata kaya hindi ko alam kung ako ba dapat ang matakot sa kanya. Tiyak na iniisip niya na wala akong kakayahang lumaban kaya malakas ang loob niya. He could kill me here anytime—if he wished to.
Umalis siya sa pagkakasandal sa puno at seryosong tumingin sa 'kin. Sinuklay ng magkabilang kamay niya ang medyo magulong buhok. The tail of his hair swayed on his back. Hindi ako makapagsalita. Hindi ko alam kung ano ba ang tamang reaksyon sa sitwasyong ito.
Sa totoo lang, hindi ako natatakot sa kanya. Ang problema lang, masyadong malakas ang dating niya dahilan upang mailang ako nang bahagya.
Mas lalo akong natigilan nang nagsimula na siyang maglakad patungo sa 'kin. He walked slowly and gracefully, as if the wind was dancing gently around him. As if he was a well-trained model. As if he was born that way. Hindi ko mapigilan ang sarili na pagmasdan ang bawat kilos at hakbang niya. I couldn't help but be mesmerized.
"A-anong ibig mong sabihin?" maang na tanong ko.
Nakagat ko ang labi nang muli kong marinig ang baritonong tinig niya.
"Hindi ko na kailangang magtago, hindi ba? Alam kong alam mo kung ano ako. I'm sure you saw the man shift. You already had an idea," seryosong saad niya.
Nagdududang tingin ang ipinukol ko sa kanya. "Did you show your face just so you can kill me? Is that my reward before you grant me death?" nakataas ang kilay na tanong ko. Itinutok ko sa kanya ang hawak kong crossbow.
Napansin ko ang pag-angat ng sulok ng kanyang labi at hindi inaalis ang tingin sa 'kin.
"I know fear when I smell it. But you're not afraid. Kahit pagkagulat ay wala sa reaksyon mo. I decided to show you my face because you already made me wait here. Sa palagay ko, mas madalas na tayong magkikita mula ngayon," sagot niya. "You owe me your life and your father's life," mariing sambit niya na tila ipinaiintindi talaga sa 'kin ang bawat salitang binibitawan niya. I hated what he was implying.
Tuluyan na siyang nakalapit. Hindi ko na nagawang umurong pa kaya inilapat ko sa leeg niya ang crossbow na hawak ko. Walang takot sa mga mata ko. If he killed me, I didn't think I have a problem with that. No one would mourn over my death. No one would know, and I didn't mind if I left no trace behind in this world. I feared nothing because I had nothing.
Hindi ko magawang magpanggap na takot dahil na rin sa kadahilanang katulad din niya ako. Tiningnan ko siya nang masama.
"Huwag mong idamay rito ang ama ko! Wala siyang alam at kinalaman dito. Come at me," ani ko. Hindi ako natatakot para sa sarili ko pero natatakot ako para sa ibang tao. Ayaw kong madamay sila sa mga problema ko. "Paano kung ipagkalat ko ang tungkol sa 'yo?" mariing tanong ko. I was threatening him, pushing my luck too hard.
He grinned, showing his perfectly white set of teeth. His right dimple deepened. I thought my small finger would be a perfect fit in it. It was a sin to be this gorgeous and charming. He was a sin who came into life.
BINABASA MO ANG
Nightfall
FantasyTo redeem the fallen pack Nightfall and restore the honor of the wronged alpha females, Eurus Bane, an albino werepanther, must step up as an alpha female herself and fight--even if it means going against her own kind. *** Nightfall fell with the de...
Wattpad Original
Mayroong 4 pang mga libreng parte